Falling for the Billionairess
by elisestrella
Finished Reading: September 6, 2015
Book Description:
Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang kompanyang pag-aari ng pamilya niya na may kinalaman sa lahat na yata ng uri ng industriya sa Pilipinas. Estimated net worth: US$11.6 billion.
Ako si Ash Montesines, ang twenty-five-year-old na bagong graduate after seven years in college at tatlong beses na pagpapapalit-palit ng course, family black sheep at damn proud of it. Current net worth: P1,127.25.
Paano nag-krus ang mga landas namin? Ipinasok ako ng Ninong ko sa kompanya nila Meredith bilang personal assistant ni Miss Billionairess matapos akong itakwil ng tatay ko dahil nabangga ko ang pinakamamahal niyang Audi R8 sa barrier sa C-5. Kung di ko mapatunayang kaya kong buhayin ang sarili ko sa loob ng anim na buwan nang hindi umaasa sa kanya, good bye, mana na hindi man $11 billion ay malaki-laki rin naman.
I've never worked a day in my life, but I've never been without money either. Kaya paano ko lalampasan ang challenge na ito sa buhay ko at makumbinsi ang bago kong boss na huwag akong patalsikin matapos ang mga katangahan ko sa opisina niya? Simple lang. Lalaki ako at babae si Meredith.
You do the math.
--
Ola! Dinugtungan ko talaga 'tong review reviewhan ko after 5 months dahil dito. Gusto ko talaga siya ireccommend sa lahat!
Sobrang gandang ganda talaga ako dito. Sobrang lovable kasi ni Ash Montesines. Parang siya yung lead man na pinakamalapit sa katotohanan. Hindi kasi siya perfect pero nasa kanya na lahat. Ugh! Gulo ba? Ewan ko rin. Haha! Na-fictionzoned kasi ako kay Ash! Hahaha! Nakaka inlove kasi talaga yung character niya. Nakakainlove yung story. Parang ang sarap lang maging isang Meredith Balajadia. <3
Isa si Meredith Balajadia sa may pinakanakakainggit na love story. Ang buhay niya bago dumating si Ash, puro trabaho, trabaho at trabaho lang. Bilyonarya sa edad na 25? 25 siya sa pagkakatanda ko. Pareho daw sila ni Ash eh. Anyway, ayun nga. Then dumating ang isang Ash Montesines sa buhay niya and everything turns to pink. <3 Charot! Haha! Hate at first sight ang drama. Friendzoned kasi si Mere sa kanyang bestfriend na si Craig while si Ash, si Ash na walang malay ay pinagpapantasyahan lang siya noon. Noon! As the story goes, yung love.. aaahhh! Ayoko na! Hahaha! Basta! Basahin mo kasi SOBRANG GANDA! Kung naghahanap ka ng kilig? Ito na yun! Itong ito na yun! Bukod sa AlDub, isa rin 'to sa nagpakilig sakin sa panahong ito. Bukod sa kilig, laugh trip din 'to.
Take note! This is Ash Montesines' POV. Kaya bilib na bilib ako sa author nito. Iilan lang kasi talaga ang author na nakakapagbigay hustisya na mag POV sa lalaki. Babae pa ang author so grabe, ang galling lang. Meron din palang POV si Meredith, Falling for Ash Montesines ang title. Ongoing pa siya ngayon. Doon ko lang nalaman na may tinatago palang kaharutan itong si Meredith. Hahaha! Mas lalo lang akong na fictionzone kay Ash dito. Yung description kasi ni Mere sa kanya. Grabe, parang ang gwapo gwapo ni Ash. Hahaha! Mabango pa! OMG! Ayoko na. Titigilan ko na 'to. Hahaha!
Just READ IT and SWOON 'coz you'll definitely and literally fall for Ash Montesines. Yay! <3
Yes, baby boy? :))
PS. May book 2 pa pala 'to. A Love Like This ang title at ongoing pa as of the moment.
PPS. Ngayon ko lang nalagyan ng dedic (031016) after 5 months of being posted. Nabano na kasi ako kay wattpad. Masyado nang maraming evolution ang naganap sa kanya. Lol
And that's all, folks.
External Link: Falling for the Billionairess
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p