My eyes widened and my jaw dropped after reading the article. My tears are falling like a waterfalls. Enzo is criminal?! I can't be with criminal! Hindi ko masiksikmurang makasama ang taong dapat ay humihimas na ng rehas ngayon! Yes, I have a relationship to him, but I can't tolerate this kind of action!
Galit, pandidiri kay Enzo sa ginawa niya, at lungkot para sa mga taong naulila niya ang tanging nararamdaman ko habang kinukuha ang isang purse ko sa may closet.
Pumasok ako ng kwarto na mahimbing ang kanyang tulog. Mahimbing ang tulog niya pagkatapos niyang gawin iyon? I can't believe you!
Patuloy parin ang aking pagluha habang mabilis na tumakbo papunta sa labas ng kwarto.
Muli ko siyang tiningnan bago pihitin ang pintuan. Umiling ako habang tinitignan siya.
"I can't believe you." Madiin ngunit mahinang saad ko.
Tuluyan na nga akong naka alis sa kwarto at nagsimulang tumakbo palabas ng bahay.
Nakalabas akong bahay na panay ang hikbi. Madilim ang paligid walang mga bituin sa langit. May mga mahinang kulog at kaunting mga ambon na dahang dahan na pumapatak sa kalsada. Walang dumadaang mga sasakyan.
Patuloy lamang ang aking paglakad ng mabilis. Kailangan kong bilisan at baka magising si Enzo ay matunton pa ako! I just don't want to be with him now!
Hindi ko kabisado ang lugar na aking nilalakad. Ang mga ambon ay unti unti namang lumalakas. Ang tanging meron lamang ako ay ang aking purse.
Sa ilang minuto kong mabilis na paglalakad at paminsan minsan na pagtakbo ay unti unti akong nakakita ng ilaw.
Mabilis na akong tumakbo sa mga tao. Nasa bayan ako sa isang munisipalidad ng Mindoro.
Bilang ang mga tao dahil gabi na. Kita sa kanilang mga mata ang antok dahil sa paghahanap buhay.
Sinuyod ko ang buong lugar at naaninag ang ilang mga tricycle. Finally, maybe makaka alis na ako sa lugar na ito. Malayo sa kriminal na kagaya ni Enzo.
Kahit pawisan at hingal sa paglalakad at sa pagtakbo ay hindi na ako naatubili pang lumapit.
Nagising ata ang manong dahil sa biglang paglapit ko.
"Saan ang punta hija?" Ngiting saad ng mama.
"Puwede niyo po ba akong ihatid sa malapit na sakayan ng bus papuntang manila. Nag mamadali po kasi ako." Hingal kong saad.
"eh, walang pumaparadang bus dine, tricycle laang. Hatid na lamang kita sa daungan ng barko baka sakaling may biyahe papuntang batangas." Saad ni Enzo.
Hindi na muli ako sumagot at nag madaling pumasok sa lumang tricycle. Saktong pagsakay ko ay saktong bumuhos naman ang napaka lakas na ulan. Medyo basa ako dahil sa pagambon kanina at buti ay hindi na ako masyadong mababasa ngayon dahil nakasakay na ako.
Kalahating oras ang nakalipas ng tuluyan na ngang nakarating ako sa daungan ng barko. Madaming tao parin kahit sa gitna ng gabi.
Bumaba ako sa sasakyan at kumuha ng pera. May mga pera akong natitira, mabuti nalang talaga.
Iniabot ko ang bayad sa manong.
"Salamat, ingat ka sa biyahe hija." Saad ng mama.
Sinuyod ko ang lugar. At kumuha na ng mga kakailanganin para makasampa na sa barko.
Ilang minuto ang paghihintay bago tuluyan na ngang nakapasok.
Ramdam ko ang lamig kahit pa nakasuod ako ng makapal na damit.
Ilang minuto rin ang aking hinintay bago tuluyan na ngang umandar ang pampasaherong barko. May mga katabi akong mga magpapamilyang masasayang magkasama. I wish I have that too, I never felt that way before.
Ito na nga ba ang kabayaran sa lahat? Ang pagiwan at pagtataksil sa magulang ko? Ang pangbabababoy at pagdudungis sa pamilya Davis? Ang pagmamahal ko sa isang taong hindi ko inaasahan, ang tito ko? Kung ito man meron pa ba? Sana maging handa ako sa susunod pang mangyari kung meron man.
My tears started to roll down again after realizing that thing. Panay ang hikbi ko habang nakahawak sa bakal na gilid ng barko habang nakatingin sa kahabaan ng dagat.
Ang buhay ay parang dagat na akala mo ay napaka kalmado ngunit darating din pala ang araw na magiging mabagsik ito. Aanurin ang mga pinagsamahan at lulunurin hanggang sa hindi na matagpuan.
Ilang oras akong nakatayo at panay ang hikbi hanggang sa unti unti kong natanaw ang isa pang daungan. Madaling araw na, ang araw ay unti unti ng tumataas. Ang mga empleyado ay gising na gising na para simulan ang araw.
Ang lahat ng tao ay nakangiti. Halos walang bahid ng problema sa kanilang mata at itsura.
Nang tumigil na nga ang barko ay dali dali na akong tumayo at maglakas palabas ng barko. Katamtaman lang ang laki ng barko ngunit mabilis ito.
Ang mga tao ay nagsitayuan at nagsimula ng lumabas.
Ngunit sa aking paglabas ay nakita ko ang mabagal na pagusad ng tao pagkalabas ng barko. May humaharang sa kanila.
Umayos ako at muling tiningnan kung ano iyon.
May mga humaharang na mga pulis. Nakaunupormi sila at parang tinatawag ang lahat.
Kinabahan ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Baka pinaghahanap si Enzo. Paano nga kung hinahanap? Sasabihin ko ba?
Siniyod ko ang buong lugar upang maghanap ng puwedeng mapaglusutan ngunit wala ako nakita. Iisang daanan lamang ang puweding labasan.
Wala akong nagawa kundi maglakad ng deretso. Kung magpapahalata ako ay maslalong magiging mahirap.
Hindi ko na pinansin ang mga humaharang na pulis. Ang iba ay tumitigil ngunit ang iba ay hindi kagaya ko.
May mga naririnig akong mga bulungan. Umayos ako upang marinig at makakuha ng impormasyon.
"Grabe naman iyon, walang awa ang gumawa noon sa babae..." Saad ng matanda.
"Oo nga, at iyang pamilyang iyan pa ang kinalaban. Sana mahuli na talaga iyon at para mabulok sa kulungan." Saad pa ng isang matanda.
Hindi ko ata kayang marinig ang mga pinagsasasabi ng mga tao. Binilisan ko ang lakad at hindi nagpahalata.
Sino ba ang pinatay ni Enzo? Bakit parang napakama impluwensya ito?
Tuluyan na nga akong nakaalis doon. Naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura.
Maghahanap ako ng matutuluyan at upang planuhin ang mga susunod na gagawin.
Naghanap ako ng puwedeng makainan. Upang makapagpahinga saglit.
Kailangan kong panindigan ang bawat planong haharapin ko. Kung magkamali man ay wala akong sisisihin.
BINABASA MO ANG
After The Truth
Romance[Completed] | [Under Revision] SYNOPSIS: Si Savannah Toran Davis ay nagmamahal ng isang taong hindi niya inaasahan. Kasabay ng kanyang pagmamahal ay isang katotohanan ang nalaman niya sa buo niyang pagkatao. Ngunit papaano kung ang taong pinakamamah...