Linigpit ko ang aming pinagkainan ni Enzo. Mag isa na ako ngayon sa aking condo. Laging may mga emergency call si Enzo ngunit ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
Sana maayos lang ang lagay ng magulang ko dahil kahit papaano ay binihisan, pinakain at binigyan ng matutuluyan kahit pa hindi ako totoong anak, ganoon din sana si Enzo, sana maayos lang din ang lagay niya.
Nakatapos ako ng isang movie dahil sa kakahintay ng update. I'm not into movie but I forced myself to watch some to avoid over thinking.
I'm so scared to call or even text because I might disturb them because they are busy. Ngunit hindi parin maalis sa akin ang kaba. Maghahapunan na at wala pa akong makakain. I don't know how to cook. But maybe I can search online and just follow the procedure.
Nanuod ako sa internet ng madaming putaheng pwedeng lutuin kaso para sa akin ay napaka kumplekado.
I tried to search somw Filipino food but they are all complicated especially the adobo one. I tried to search foreign cousins but it's not on my taste.
Kumakalam na ang sikmura ko ng sa wakas ay nakita ko ang isang mensahe galing kay Enzo. Finally!
I groan when I saw Enzo's text.
Enzo: Nagpadala ako ng pagkain sa condo mo, sorry hindi ko muna maiaabot sa'yo. Babae ang magdadala iyong secretary ko sa opisina. Huwag kang nagbubukas ng pintuan haggat hindi ako nag ti-text. Kumain ka ng marami. Huwag ka munang lalabas. Good night I love you Sav.
Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Parang may mali talagang nangyayari. I don't know what it is but it's bothering me so much.
Savannah: okay, I love you too. Ano bang meron? Nag aalala ako.
Agad namang nag reply si Enzo
Enzo: Huwag kang mag alala, mahabang istorya tyaka ko na sasabihin.
I'm so guilty why I can't do nothing? Why they like hiding something that I can't discover. Nandito lamang ako sa condo nag hihintay ng makakain at nagaalala sa kanila.
I'm at age why they can't just trust me? Was this all about me?
Savannah: okay, mag iingat ka. Ipakamusta mo ako kila mommy at daddy if you are together. Take care of them and take of yourself Enzo for me, please.
Nakaupo lamang ako dito sa dining table mag isa. Naguguluhan at kinakabahan ako.
Nagulat ako sa malakas na katok galing sa labas. Ginapangan ako ng mas malakas na kaba dahil doon. Muntik ko ng tawagan si Enzo ngunit muli siyang nag text.
Sino ba naman kasing babae ang kakatok ng ganoon kalakas?
Enzo: Naanjan na yung pagkain mo. Kanina pa daw siya kumakatok.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang kanyang secretary. Kilala ko ang secretary niya dahil lagi niyang dala tuwing may lakad kami ni Enzo.
Matangkad ang babae at naka office attire. Maganda ang hubog ng katawan at malaki ang hinaharap. I can't imagine Enzo with this woman in his office.
I sighed.
"Ahhh ito na pala ang pagkain na pinadala ni sir Lorenzo," sabi ni Maho.
Ang baho ng pangalan. Natatawa na naman ako sa naiisip ko. Hayst.
"Ahhh sige, Salamat," Sabi ko at ngumiti.
"Ma'am pinapasabi pala ni sir na huwag ka na daw muna pagpapapasok ng kahit anong bisita," pagpapaalala nito sa akin.
"Sige, salamat dito." Sabay pakita sa pagkain.
Agad kong isinarado ang pintuan ng aking condo. Tinitigan ko lamang ang pagkain, parang nawalan ako ng gana dahil sa kaba kong ito.
I deeply sighed again.
Hindi ko na ginalaw ang pagkain kahit pa kaaya aya ang itsura nito. Nag half bath nalang ako tutal ay lumalalim na ang gabi. I feel fresh when I take the bath. Nawawalan ako ng gana sa gabing ito, hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman. Pati ang aking pagtulog ay nahirapan din ako.
Nakatulog ako ngunit ilang oras lamang. Gumising akong maaga para makapag ayos at upang pumasok sa iskwelahan. Malapit nang matapos ang first sem ng aking course. I am taking business management. Sa first sem ay hindi pa naman masyadong komplekado.
Malapit lang ang iskwelahan kayat hindi na ako nag aabalang bumiyahe.
Nakarating akong iskwelahan na madami ng tao. Madaming sasakyan ang nakaparada sa labas ng iskwelahan. Pumasok ako ng mag isa, I don't expect friend para abangan ako, merong isa kaso super late pa sa late kung pumasok.
Sa hallway ako lumabas, madaming mga tao ang nakatambay sa mga bleachers, halos magbabarkada ang lahat.
Sa araw araw kong pag punta sa iskwelahan ay lagi akong may mga nakakasalubong na nag bubulong-bulongan. Ngunit tila kakaiba ang araw na ito, ang mga bulungan ay dumoble.
May mga naririnig akong pumatay, kill, nanloko, at madami pang mga mga negatibong mga salita.
Tila ba kakaiba nga ang araw na ito. Nakita ko ang kaibigan kong maagang pumasok. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin, ngunit sa pagtakbo niya ay kakaiba, kinakabahan ulit ako.
"Sav, ayos ka lang ba?" Sabi ni Lina, ang kaibigan ko.
"Huh? Oo naman, bakit mo natanong?" Ani ko sa nag aalalang boses.
How weird.
I shook my head.
"Sa kabila ng nagawa ng pamilya mo, kaibigan parin ang turing ko sa'yo kayat huwag kang mag alala," wika nito sa malumanay na boses at pilit na ngumiti sa akin.
Hindi ko maintindihan ang bawat tao ngayon. Ano nga ba ang meron?
"Hindi kita maintindihan Lina," sabi ko.
"Huh? Anong 'di mo maintindihan? Hindi ba sangkot ang pamilya mo sa pagpatay sa asawa ng isang negosyate?" Sabi nito na parang nagulantang.
Lumakas ang kalabog ng puso ko ng marinig ang lahat ng katagang lumabas sa bibig ng kaibigan ko.
Sinampal ko siya sa pangbibintang sa aking mga magulang. Nagagalit ako dahil wala siya sa posisyon para gawin iyon.
Nagulat siya sa asta ko. Kumunot ang noo niya at muli akong hinarap.
"Hindi mo ba alam ang nangyari Savannah? Nasa balita ang mga magulang mo, at kitang kita na sila ang may kagagawan nito, ngunit hindi pa talaga kumpirmado dahil malinis ang pagpatay," Sabi nito na umiiling.
Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung totoo nga.
Binuksan ko ang isang sikat na new website sa bansa at nagulat ako sa nikita. My parents was on the headline.
Binuksan ko ang isang pang news na website at nakitang ganoon din ang paksa sa headline nito. Tumulo kaagad ang luha sa aking mga mata. Nanginginig ako habang binabasa ang artikulo. Hindi ko matanggap na nagawa ng aking magulang ang bagay na ito.
My tears suddenly ran down to my cheeks.
Hindi ako nakapag isip at agad na tumakbo palabas ng iskwelahan upang pumunga kahit saan para mapag isa at kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.
Madaming sasakyan sa labas, ngunit nagpatuloy parin ako sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Ang sakit sa dibdib na ang magulang mo ay isang mamamatay tao.
I can't believe they did this! Matapos kong malaman na isang akong ampon ganito lang ang mangyayari?
BINABASA MO ANG
After The Truth
Romance[Completed] | [Under Revision] SYNOPSIS: Si Savannah Toran Davis ay nagmamahal ng isang taong hindi niya inaasahan. Kasabay ng kanyang pagmamahal ay isang katotohanan ang nalaman niya sa buo niyang pagkatao. Ngunit papaano kung ang taong pinakamamah...