Chapter 37

730 31 0
                                    

My heart was full of joy as I run towards my father, I'm sobbing and crying running to hug my father so tight.

Nakita kong ang munting likidong dumadausdos sa kanyang mukha, habang nakangiti.

"Anak ko..." Napapaos na saad sa akin ng aking ama habang sinasalubong ako ng kanyang mga braso para yakapin.

"Pa..." Muli kong paghikbi.

Lubos ang aking pagiyak na para bang bata na nagsusumbong sa lahat ng nang away.

Sa pagdampi ng aking katawan sa aking ama ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

Sa paghagod ng kanyang palad sa aking likod habang nakayakap ay naramdaman ko ang kalinga ng isang totoong magulang.

Narinig ko ang mga yapak sa aking likuran- ang aking mga kapatid, sabay nilang hinawakan ang aking likuran na nagpaiyak sa akin ng tuluyan.

Their warm hands makes me feel so safe at feel at home, I lost my home for almost two decades of my life, namuhay akong nakapaligid sa akin ang mga taong hindi ko kadugo.

"Anak ko, ikaw nga.."

"I love you my child, I really love you above my life, I miss you anak... Hindi ko na hahayaang mawala kang muli sa akin..." Saad ng aking ama.

Mahigpit muling yakap ang ibinigay sa akin ng aking ama.

I know he is crying, I know that he is so happy that I'm finally back, bumalik na ang kanyang babaeng anak, ako yun...

His hugs gave me so much happiness.

"Papa... I'm so sorry..." Muling buhos ng aking luha.

"I'm so sorry for coming back so late, ngayon lang ako dumating... Hindi ko kayo nahanap kaaagad dahil sa mahabang pangyayari, ngunit hinanap ko po kayo... I'm trying to find my real family so many times but I failed, and now, I finally home..."

"Ayos lang anak... Hindi ikaw ang dapat humingi ng tawad... Ako at ang Ina mo ang may responsibilidad na hanapin ka, ngunit kagaya ng sa'yo ay hirap ka naming makita..."

Nakalas ang mahigpit na yakap ko sa aking ama matapos marinig ang salitang binitawan niya, ang aking Ina.

Tiningnan ko sa mata ang aking Ama na namumula ang mata dahil sa pagiyak. Tila nabasa niya ang ibig sabihin ng aking pagsulyap sa kanya.

"Wala na ang iyong Ina... Patawad ang hindi mo na siya muling masisilayan, binaril ang iyong Ina dahil sa agawan ng posisyon sa kompanya. Isang taon na ang nakakalipas ngunit hindi pa nakakamit ang hustisyang nararapat sa iyong Ina. Nito lamang namin nalaman kung sino ang totoong pumatay sa kanya... Si Leonardo, siya ang nagsilbing ama mo... Ang kapatid ni Enzo..." Tila nagbago ang tono ng pananalita ng aking Ama sa huling mga salitang binitawan niya.

"Matalik kaming nagkaibigan ni Leonardo noong panahon ngunit noong nagtagal ay naging mailap ito sa akin... Ngunit hindi ko lubos na maisip na magagawa sa akin itong lahat ni Leonardo, kinuha ka niya sa amin noong tatlong buwang gulang ka pa lamang."  Tumahimik siyang saglit.

"Simula noon ay hindi na siya muling nagpakita pa ng mahabang taon... Ang hindi ko alam ay nasa kanya kana pala. Ngayon ay mananagot siya sa lahat ng ginawa niya sa akin at sa ating pamilya." Madiin niyang saad.

Ilang segundo ang lumipas ay muling tumitig sa akin ang aking ama.

"Now, I'm letting you to do what you think is right and best for you... Ang puso mo naman ang sundin mo ngayon, kung ano ang tinitibok nito ay sundin mong muli... Naghihintay siya ngayon anak, palabas na siya ng presinto...gawin mo ang tama habang may oras pa..." Humakap sa akin ang aking Ama at hinaplos ang likuran.

After The TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon