Kabanata 30

12.2K 215 36
                                    

Kabanata 30

Jendy’s POV

Sa school, "Ate, lahat po ba ng assets ay i-dedebit?"

"No. It is only debited if it has an increase. For example, kapag naka-receive ang company mo ng cash from a customer, ide-debit mo siya. Bakit? Kasi nga nakatanggap ka ng pera, so there's an increase. Kapag naglabas ka naman ng pera sa company mo, halimbawa bumili ka ng equipment for company's use, ike-credit mo naman ang Cash, dahil kabawasan mo yun. But assets' original nature is debit. Clear na ba? Questions?"

"Yes Ate! Galing mo talaga!"

"Baliw, kaya nga nagtuturo siya eh!"

"Eh bat yung teacher naman natin sa Math hindi magaling ah! Hindi lahat ng teacher magaling!"

"Sira ka ba? Eh lagi kang tulog sa klase natin doon eh! Paanong hindi nga gagaling magturo yun!"

"HAHAHAHA!" Nagtawanan naman ang mga baliw na estudyante kong mana saken. 

"Ate Jendy, inaaway ako oh!"

"Woo! Crush mo lang yang Ate natin eh!"

"Hay nako! Mamaya na kayo mahumaling saken! Hahaha oops biro lang. Kayo talaga! Mamaya na ang kulitan! May time tayo for that diba? For now, write down all of this for your review." I said to them.

"Waaaa! Si kuya! Ang pogi talaga! Oh my G!" Bigla namang nagtilian at nagmistulang mga bituin kung magningning yung mga mata ng mga studyante-kire ko. Hahaha joke lang! Baka mapatalsik ako ng di oras dito. Shhh!

"Soulmate huy! Di mo pa ba sila idi-dismiss? Kanina pa tayo hinihintay nila Kit sa bahay! Pag tayo na-late! Patay tayo sa kanila! Lika na dali!" sabi ni Nick na nakasilip sa classroom.

"Kuyaaa!" sabi ng mga girls. Tch. Ang babata pa, ang kekeme na.

"Oh hello sweethearts!" sabi ni Nick with full pacute. Aish. Tumanda lang 'to naging pakilig na sa mga babae? Patay 'to kay Lyssa.

"Hoy! Isa ka pa! Nick, mga bata pa yan! Wag mo ng tangkain pa!"

"Ano bang sinasabi mo Javs? Hahaha. KJ naman neto. Students.. GWAPO BA SI KUYA niyo?"

"SOBRA PO!" students said in chorus.

"Oh see? Javs, wala talagang magagawa kung gwapo ako. Pero mamaya na ulit tayo maggantuhan dahil malalagot na tayo kila Jon. Idismiss mo na sila!"

"Aga pa kaya! Sige na nga. Children, we need to go. Sorry kung mapapaaga ang dismissal ng subject natin ngayon. You're dismi—.”

"YES! THANK YOU ATE! SIGE ALIS KA NA PO!" Langyang mga estudyante yan. Ipagtabuyan daw ba naman ang ate nilang maganda? 

"Hey! Quiet! Don't forget your journals on Monday! Yari kayo saken pag wala kayong dala! HOY! NARIRINIG NIYO BA AKO?" Ang iingay! May nakakarinig pa kaya saken ng lagay na 'to? Daldalan to the max na ang mga bugwit na 'to.

"Sige po Ate Jendy. Ako na pong bahalang magpaalala sa kanila."

"Haaay. Ikaw lang talaga pinakamatino dito. Salamat Franz. Tara na Nick."

Sumakay na si Nick sa kotse niya. At ako naman sa kotse ko. Hohoho. Asenso!

Simula nung grumaduate kami, 2 years ago, napakarami ng nangyare. Siyempre, gumanda na ang buhay naming lahat. Ako, si Angel, Nick, and Lyssa? We're all CPAs. And now, I think it's already 2 years na nagtatrabaho na ako. Pero not as a teacher talaga, nagpapart-time lang kami ni Nick sa school na yun dagdag raket or sideline lang. Actually kakasimula lang namin, and tempo raket lang naman 'to.

Marami kaming pinagkakaabalahan, yung band naming Hash Thug hindi na mawawala yun. Performances dito, performances doon. Mall tours here and everywhere, guestings and shows all around.

All of us became celebrities. Si Nick, aside from being a member from our band, he's a certified dancer. Kung magaling siya noon, baka mawalan ka ng buto sa pagka-amaze sa kanya pag nakita mo siyang sumayaw.

Jon and AJ, silang magkapatid na ang owners ng Calci's restau. Halos sako-sakong pera ang hinahakot ng dalawang yan dahil sa magaling silang designer at gumawa ng bahay. Hanepbuhay!

Si Angel, meron na ring sarili niyang fashion line. Parang siya na nga ang tinaguriang fashion empress na hinahangaan ng maraming teenagers nationwide.

Si Lyssa naman, laman lang naman siya ng halos lahat ng magazines sa Seoul. Yep, kahit Korea naakit ng bangs ni Lyssa! San ka pa? 

At ako naman, I never imagined being so blessed like this. Aside from being the lead vocalist ng Hash Thug, model, dancer (alongside with Nick), I also started acting. Actually, nagshushooting rin ako ngayon ng isang T.V. series with Mond. Oha! Hansabeh ng Jendy niyo?

Naregaluhan ko na rin sila nanay ng bahay. Ang aming DREAM HOUSE. Siguro nagtataka kayo kung bakit nakabili agad ako ng car at house kahit 2 years pa lang naman ako nagwo-work, kung naalala niyo pa, lahat ng kinikita ko na simula pa lang nung first year ako, sa mga paunti-unting gigs hanggang sa nakilala ang Hash Thug, hanggang sa lumabas na kami sa t.v, lahat yun, inipon ko. Kung gagastos man ako noon, yung kailangan ko lang talaga. Kaya naman ngayon, sa wakas nagbunga rin ang lahat.

Kaming Thugs, may business na rin, nagtayo kami ng music store, ang "I-Hash Thug mo!' Dejoke lang. Haha! Simple lang yung name—#HashThug. And the store was a blast! Ang saya lang kasi tinangkilik naman ng bongga. At dagdag pa d’yan, kami na rin ang accountants ng sarili naming store. Oh diba, iwas gastos. Hahaha. Di ako kuripot, sadyang mapag-tipid lang.

And ngayon, papunta kami sa bahay. We already left the condo 2 years from now. Mahirap man, pero kailangan na naming umalis doon sa unit namin. Sa unit namin kung saan tumibay ang samahan naming lima.

Kaya nga magpahanggang ngayon, nagpagawa kami ng bahay. Walang sawa! Pero this time, kasama na rin namin sina AJ at Jon. All of us bought it, with the help of Jon, siya yung nagdesign nung bahay, ang galing niya talaga, at syempre si AJ, ang civil engineer namin. Halimaw yang dalawang magkapatid na yan, perfect combination ang professions nila. Dapat nga ililibre na nila samin yung pabayad sa kanilang dalawa pero we insisted na rin naman, sayang kaya yun! But of course, may discount. Kung ako lang yun, magpapabayad talaga ako. Haha!

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon