Kabanata 24

12.9K 215 31
                                    

Kabanata 24

Nick’s POV

“Ano kayang nangyayare dun sa dalawang yun no?” (Kit)

“Di na kasi nagsasabi saken si Jendy eh. Kakaiba talaga siya ngayon.” (Lyssa)

“Hindi lang si Jendy. Pati si Rassel. Parang ang tamlay nilang dalawa, dama kong may problema sila. Hindi kaya, nahulog na sila sa isa’t isa?” (Angel)

“Hay nako. Sinasabi ko na nga ba. Siguro sinaktan ni Rassel si Jendy. Pag ako di na nakatiis, aagawin ko na talaga sa kanya si Javs.” sabi ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakamove-on kay Javs. Sinusubukan kong hanapin kung sino ba yung tinutukoy ni Jendy tulad nga ng sabi niya, pero hindi ko naman talaga alam kung sino. Parang wala naman. Siguro jino-joke lang ako ni Javs para naman hindi maging masyadong masakit para sakin yung katotohanang hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko. Kasi kung merong nagmamahal sakin, nasan na ba siya? Pwede bang dumating ka na? Para naman sumaya na ko ngayon? Kaya nga magpahanggang ngayon eh umaasa pa rin akong baka maghimala pa na mahalin rin ako ni Javs. Baka sakaling kami yung Soulmate #2, hindi yung #3. 

“Ano Nick? Aagawin mo si Jendy kay Rassel? Hahahahahaha! Patawa ka talaga!” sabi ni Kit.

“Soulmate ko nga kasi siya.”

“Hahahaha! Laughtrip. Anong nahithit mo Nick, shabu, marijuana, o ang paborito mong katol? O lahat?”

“Tss. Wala kasi kayong alam.”

“Ano? Sinong walang alam? Ano yun ano yun?” Biglang dumating yung Calcifer-Duo makikichismis dito sa unit.

“Edi ipaalam mo samen. Ano bang nangyayare? Sa inyo ni Jendy? May kwento ba sa likod ng tawagan niyong soulmate soulmate na yan ha? Eh sa kanila ni Rassel? Naguguluhan na kasi kami eh.” sabi paa ni Angel.

Dahil sa ang kukulit nila, ikwinento ko lahat lahat lahat sa kanila. Na mahal ko si Javs, na nakapag-usap na kami, na siya ang soulmate ko, na sinabi niyang may ibang nagmamahal saken, na meron daw mas nangangailangan samin kaya hindi kami pwede.

“Wow, nice one pare. Umiibig ka na pala.” Pangloloko ni Jon.

“Minsan na nga lang eh, di pa nasuklian. Tss.”

“Wag ka nang malungkot Nick. Alam ko namang may dahilan si Jendy kaya niya yun ginawa. Hindi natin siya masisisi. Ang mahalaga kahit na inamin mo yun sa kanya eh hindi ka niya nilayuan, naging magkaibigan pa rin kayo, at tignan mo nga sinabi pa niyang ikaw ang soulmate niya. At isa pa, may taong nagmamahal naman pala sayo, sasabihin niya ba yun kung wala siyang basehan?”

“Haaay. Siguro nga. Sana nga kasi dumating na yung ‘star ng buhay ko’. Sino ba kasi yun? Jon, baka naman ikaw yun ah, pigilan mo, ayoko sa bading.”

“Gag*! Ang gwapong ‘to bading?! Paputukan kaya kita ng pikolo?”

“Sira. Bawal na yun.”

“Ohh mag-aaway nanaman. Tigilan niyo na nga yan, kitang may problema ang barkada eh.” Pagsaway sa amin ni Angel.

“Osige na. Teka, uy panget, parang di ka yata nagsasalita d’yan?” pansin ko kay Lyssa.

Mukang bigla siyang natauhan nang kalabitin ko. “Ah kasi.. may iniisip kasi ako. Sina J.Dy at Rassel, anong tingin niyo sa kanilang dalawa?”

“Simple. I think they’re both inlove.” pagsingit ni AJ.

“Kanino naman?”

“With each other. Duhh?”

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon