Kabanata 23.1
Jendy’s POV
“Waaa. Pagod na pagod na ako.” Sabi ko sabay bagsak sa kama. Kakadating ko lang sa unit. Isang buwan na rin akong laging puyat at pagod na pagod dahil sa school. Patayan na kasi talaga.
Pinikit ko yung mga mata ko. Matutulog na muna ako di ko na talaga kaya. Sobrang stressed ako. Di ko na pinansin sina Nick-knacks na kumakausap saken.
Sa pagpikit ko, bigla ko nanamang naalala si Rassel. Yung nangyari nung gabing yun. Ang totoo niyan, hindi ko na rin alam sa sarili ko kung bakit ko hinayaang mangyari yun. Pero kasi kapag nasa ganung sitwasyon ka, talaga palang ang hirap na macontrol. Lalo na’t parang napakalakas na magnet ang labi ni Rassel. I can’t help myself. Nakakainis. Tulak ng damdamin o talagang nadala lang sa sitwasyon? Di naman ako mahilig sa kiss kiss na yan, nandidiri nga ako kapag may mga nakikita akong PDA na nagkakainan, pero ako mismo naexperience yun. Waaaa. Kaasar. Iniimagine ko tuloy yung itchura ko namin nun ni Rassel. Bwiset. Yayks talaga. At ang isa pang kinaiinisan ko eh hinayaan ko ang sarili kong pakawalan ang halik na sine-save ko lang sana sa taong mahal ko talaga. Mahal ko ba si Rassel? Diba hindi naman? Pero, siguro sweet naman kami tignan kasi gwapo’t maganda ang nagkikissing scene. HAHAHAHA! Angal sapak! But naisip ko rin, parang friends with benefits kami ah. YUCK! Utang na loob lang. Pero bunga lang yun ng pagmamahalan kayo naman oh. Pagmamahalan ng magbest friend! Tanggapin na natin ang katotohanan.
Dahil rin tuloy doon, nagugulo ang isip ko ngayon at parang hindi na normal ang kondisyon ng puso ko. Bakit of all people kay Rassel pa? Na bestfriend ko? Ayun ngayon ang ikinababahala ko, baka tuluyan na kong mahulog sa kanya. At ayokong umabot ako sa ganun.
Tuluyan na kong nakatulog. Mawawala rin ‘to. Pagsubok lang ito ng mapaglarong buhay. Maaayos din ang lahat.
Pagmulat ko,oh asan ako?
“Oh gising ka na pala.” Nagulat ako kay Rassel na kumausap sakin. Lumingon ako sa likod ng passenger’s seat wala yung Thugs. Kaming dalawa lang ang magkasama dito ni Rassel sa kotse.
“Di na kita ginising, ang sarap kasi ng tulog mo eh. Sina Lyssa at Angel ang nagpalit ng damit mo.”
“Talaga? Hindi ikaw?” pabirong sabi ko. I’m still keeping the closeness between us. Hindi ako nagpapakita ng pagkailang o pagkahiya sa kanya. I’m showing the usual Jendy sa kanya. Petiks lang. Chill. Best friend ko ang kausap ko hindi stranger na dapat katakutan o kahiyaan.
“Hahaha. Ah ganun gusto mo ako ang magpalit sayo? Sige maghubad ka, bibihisan ulit kita.”
“Wag na. Gabi na eh. Bukas na lang. Hahaha! Teka nga, san mo nanaman ba ko dinala? Anong lugar ‘to?”
“Wag ka na magtanong. Tara ipapasyal kita ngayon.” Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako.
Napagtanto kong nandito pala kami ngayon sa Star City. Wow! Nakakamiss magpunta dito.
Sinakyan namin lahat ng rides ni Rassel. Nagkandahilo-hilo na nga ako eh pero buti naman hindi ako nagsuka. Ang pinakana-enjoy namin eh yung Jumping Star, Star Flyer, Surf Dance saka yung Wild River. Pati rin pala sa Snow World. Kunware wala akong asthma.
Nagpahinga muna kami. Sobrang nakakapagod pero ang saya.
May nakita kaming mga kumakanta at tumutugtog. Maraming nanonood, para tuloy silang isang attraction doon.
Laking gulat ko naman nang biglang nilapitan ni Rassel yung mga tumutugtog. Binulungan niya ito, at maya-maya eh binigay sa kanya yung gitara at humarap sa mikropono. Kakanta si Rassel?
“Look oh si Rassel yan diba? Yung facebook prince? OMG!”
“Go baby babe! Rassel ang gwapo mo!”
BINABASA MO ANG
Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)
Teen FictionMadalas akong magtaka. Bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, ginagawa pang complicated? Tulad sa isang building, mayroon...