Kabanata 34

12.7K 234 92
                                    

Kabanata 34

Drumroll, it’s October! Here at Angel's store. Hindi yung burger store ah, basta yung fashion store ni Angel.

Shopping muna with Angel. Pero, hindi ako libre dito. Kumag yang babaeng yan eh, ayaw ako ilibre kasi buraot daw ako. Pero may discount naman kaya pwede na rin.

Naghiwalay muna kami ni Gel sa pamimili kasi minimeeting niya muna yung mga staff niya doon. Ako naman, busyng-busy pamimili ng kung anu-ano, until something caught my eyes.

A necklace.

Best friend necklace. Heart shaped siya, tapos may hati sa gitna. Hmm, gusto ko sana nun kaya lang wala naman akong best friend na kahati ko dun. 

Hmm, bahala na nga, ang ganda kasi eh. Kunin ko na nga.

Akmang kukunin ko na sa stall yung kwintas nang biglang may kamay pang nakisabay sakin pagkuha.

Nagkatinginan kami ni kuyang singkit.

DUGDUG.

"Jends!" Lumingon ako sa tumawag sa akin na si Gel.

"Sorry natagalan, may napili ka na ba dito?"

Hindi ko muna sinagot si Gel at lumingon ulit dun sa lalaking nakasabayan ko pa pagkuha nung kwintas.. pero biglang nawala.

I felt something so unusual. Napakalakas ng tibok ng puso ko, sobrang ramdam ko yun. Nang magtama rin ang mga mata namin kahit konting segundo lang yun, parang buong mundo ko ang tumigil. Kung natitigan ko lang sana siya ng mas matagal, baka masabi ko pang parang siya si Mr. Panaginip.

Pero ang mas lalo kong ikinababahala eh, parang kakilala ko yung taong yun, at para bang kay laki ng papel niya sa buhay ko. Nyemas yan, bakit ba ako nagkakaganito? Epekto na siguro 'to ng mga teledramas, sobra na akong naimpluwensyahan.

 

• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Rassel's POV

Habang bumibilis ang pagdaan ng oras, lalo akong kinakabahan.

Iisa-isa kong binibilugan ang mga numero sa aking kalendaryo. Sinimulan kong magparamdam kay Jendy nung August 6. At sobrang saya ko naman kasi natuwa daw si Jendy nung nagpadala ako sa kanya sabi sa akin nina Nick, alam naman kasi nilang nandito na ulit ako, kaya ngayon, tinutulungan nila ako sa mga plano ko. Hay napapangiti ko si Jendy araw-araw, pero yun nga lang hindi niya alam na ako yung nagpapadala sa kanya lagi kasi hanggang ngayon hindi pa rin naman niya ako kilala.

Malapit ng maubos yung 143 penguin stuffed toys na binili ko. Hindi naman sa tinatadtad ko ng penguin si Jendy, sadyang tinatadtad ko lang talaga siya ng pagmamahal ko. Hihihihi!

Nandito kami ngayon ng barkada sa Jewelry Shop, including Jendy. Naging kami na nga pala ulit. Ikakasal na kami bukas. Imbitado kayo. Punta kayo ah.

Syempre ilusyon ko nanaman yun. Nandito kami sa Jewelry shop, pero totoo ngang kasama si Jendy, pero ako nakatago muna dito sa isang sulok.

"Jendy, favor naman oh." sabi ni AJ kay Jendy, ang babaeng mahal ko.

"Oh sure ano yun AJ?" sabi ni Jendy, ang babaeng mahal ko.

"Ipili mo naman ako ng wedding ring oh." Sagot ni AJ kay Jendy, ang babaeng mahal ko.

"Oh eh bakit ako pa? Eh kasal mo yan diba? Si Angel nga oh, busyng-busy na pamimili! Pati si Lyssa at Nick, ng engagement ring naman." sagot ni Jendy, ang babaeng mahal ko.

"Eh kasi ano.. ahm, gusto ko kasi ikaw ang pumili. Dali na! Yung maganda para sayo, yung favorite mo sa mga yan, yung ring na gusto mo sanang wedding ring mo sa kasal, uunahan lang kita." sabay belat ni AJ kay Jendy, ang babaeng mahal ko. Thanks AJ, ang galing mong magpalusot!

"Hahahaha, salbahe ka ah! Sige na nga." At nagsimula namang pumili ng sing-sing si Jendy, ang babaeng mahal ko.

Nakapili na si Jendy. Kitang-kita kong gustong-gusto niya yung pinili niyang sing-sing kasi malabituin na rin kung kuminang yung mga mata niya. At kilala ko si Jendy, kapag may gusto siyang isang bagay... makikita mo talaga sa ekspresyon niya ang pagkatuwa niya.

I miss her so much, gustong-gusto ko siyang yakapin ngayon pero kailangan ko munang pigilan ang sarili ko. Tulad na lang nung nakaraang linggo, nakasabay ko pa siyang kunin yung kwintas sa shop ni Angel, kasi di ko rin mapigilang hindi tignan yung kwintas, buti na lang dumating bigla si Angel at tinawag si Jendy kaya naman nagkaron ako ng pagkakataon na magtago.

Hayaan mo Jendy, malapit naman na. 

Teka, nakailan akong sabi ng Jendy? Apat no? Eto, lima na. Si Jendy, ang babaeng mahal ko. Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng pinakamamahal ko. Mas okay ng paulit-ulit kaysa hindi mo nailalabas ang nararamdaman mo.

Last one, Si Jendy Javier ay mahal na mahal ko. Period. No erase. Locked. Putol susi.

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon