Kabanata 27
January.
"Babe-bestieee! Una na ko ah. May photoshoot pa kami ni Mond eh. Dito ka muna ha!"
"Sige." Hmm, bakit parang ang tamlay ni Rassel?
Umalis na ako, at pinaandar ang kotse ko. Kotseng hiniram ko! Haha. Company car 'to kaya pinag-iigihan ko magdrive. Si Rassel, siya lang naiwan sa condo ngayon dahil busy kaming lahat. Himala nga yata kasi wala siyang lakad. Pero sabagay, kailangan rin nga naman niya ng day-off.
[Rassel calling.]
(Oh Sel?)
(J-Jendy.)
(Baket?)
(Hmmm.)
(Ano nga? Teka, ano bang nangyayare sayo?)
(Ah eh.. w-wala. Sige ingat ka ha.)
(T-teka may problema ka ba? Rass—.)
[Call Ended.]
Boses may sakit siya. Kupal talaga yun, hinayaan lang ako umalis eh alam naman niyang may sakit pala siya. Akala ko kasi nag-iinarte lang kanina. Siguro nga may sakit yun. Naku naman. Pano 'to?
Bumalik ako sa condo. Baka kung ano pang mangyare sa kanya. Bumili na rin ako ng meds at pagkain kasi siguradong wala kaming naiwang pagkain dun sa unit.
Dumiretcho agad ako dun sa sala, dun kasi siya nakahiga ngayon. Hinawakan ko yung noo niya. Tsk, nilalagnat nga.
"Sel naman! Bakit mo ko pinaalis, tignan mo nga nilalagnat ka pala. Mamaya niyan malala ka na pala tapos wala ka man lang kasama dito. Pag masama pakiramdam mo sabihin mo agad para di naman ako mag-alala sayo. Haay naman. Oh inumin mo na 'to bangon ka muna." Pinainom ko na sa kanya yung gamot. After nun tubig syempre.
"Jendy. Binalikan mo ko."
"Malamang! Konsensya ko na lang pag nadedo ka tapos ako ang huling taong nang-iwan sayo dito."
"Yun lang ba talaga ang dahilan?"
Binatukan ko nga. "Kahit may sakit ka, kaya pa rin kitang batukan. Ano pa bang gusto mong marinig? Baliw ka!"
Ngumiti siya sakin. "Thank you. Bumalik ka na dun, kaya ko naman eh. Mas importante yung lakad mo ngayon. Sige na ok lang talaga ako."
"Sus nagdrama pa. Kaya nga kita binalikan eh, tapos papaalisin mo naman ako ngayon?! At isa pa, mas importante ka saken." Tinignan lang ako ni Rassel at biglang niyakap. "Oyy! Wag ka nga! Wag ka naman manghawa Sel!" pagpupumiglas ko sa kanya.
"Ayaw mo nun, pareho tayong masama ang pakiramdam kaya magsama tayong magpahinga dito." Bigla niya kong hinila, kaya nakapatong na ko sa kanya dito sa sofa. Di naman as in patong, partly lang, medyo nasa gilid ako. TEKA NGA! Bakit ko nga ba dinidescribe?!
"Oy! Tigil-tigilan mo ko! Abnormal ka. Pinapahamak mo pa ko eh. Saka ayoko ng ganung posisyon utang na loob Sel! Bawal!" sabay tayo ko mula sa sofa.
"Bakit bawal? Yakap lang naman eh. Sige na oh. Dito ka ulit. Uurong ako para makahiga ka."
"Ang sikip sikip na nga d’yan sa sofa papahigain mo pa ko. Saka makakasama sayo yun."
"Sus! Sa yakapsul nga ako gumagaling eh. Sige na babe-best! Please?"
"Rassel, iba na ngayon. May Kate ka ho. Baka nakakalimutan mo."
"Oo nga pala. Nakalimutan ko." Hala siya? "Pero hindi pa naman kami eh."
"Kahit na, nililigawan mo naman siya eh. Dun na rin yun papunta. Asan nga pala siya? Siya ang dapat nag-aalaga sayo ngayon eh. Matawagan nga."
Tinawagan ko si Kate pero nasa commercial shoot daw siya ngayon. Important daw yun sa kanya kaya hindi siya pwedeng umalis. Ako na lang muna ang magbantay sa bespren ko. Grabe.
BINABASA MO ANG
Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)
JugendliteraturMadalas akong magtaka. Bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, ginagawa pang complicated? Tulad sa isang building, mayroon...