Kabanata 18

13.2K 241 15
                                    

Kabanata 18

Jendy’s POV

Ang sarap pakinggan ni Nick. Kahit hindi siya yung literal na magaling talagang kumanta, pero pwede ng mangharana. 

Sa totoo lang, ngayon ko lang din siya nakitang kumanta. Mali. Narinig pala. Nakikita pa ang boses? Loka lang. Kapag siguro ibang babae ang kinantahan niya ng ganito, nako baka mahalikan ng babae si Nick ng wala sa oras. Ang cute kasi ng lalaking 'to eh, ang puti puti, mas maputi pa sakin. Yung mata niya ang sarap titigan, yung ilong niyang pagkatangos-tangos, ang sarap kurutin. Yung pisngi niyang masarap pindut’pindutin. Yung lips niya na masarap halik—OOPS! Stop na! Jendy, gabing gabi pa naman nanghahalay ka. Pikachu yan, what a term!

Pero in short, gwapo at cute 'tong si Nick-knacks. Medyo muka siyang korean. 

Sa totoo lang nung unang kita ko d’yan, nahumaling ako eh! Kasi ibang iba na rin ang itchura niya, lalong gwumapo. Tapos nasa kanya na rin yung mga gusto ko sa lalaki: matangkad, maputi, matalino, talented, responsible, joker, pala-ngiti, mabait, pasaway, protective, mahilig mangyakap, malambing, at syempre gwapoOops teka, hindi siya perfect, sadyang marami lang talaga siyang attributes. Hohoho.

Pero siyempre nung una lang yun, kasi nung tumagal eh naging magkaibigan kami. Magbarkada pa nga eh. Pero ni minsan eh hindi naman ako nahulog sa kanya, muntikan pa lang siguro. Pero buti di naman na natuloy, kasi ayoko. Okay na ko sa pagkakaibigan naming dalawa. 

Saka isa pa, may Rassel na ako eh.

Hala! Lumabas ba talaga yun sa bibig ko?

Paglingon ko sa kaliwa, si Lyssa ba yun? Medyo may kadiliman kasi, tapos nasa under the tree pa kami. Di ko pinahalata kay Nick na pasimple akong tumitingin sa gawi kung nasan si Lyssa. Naconfirm kong si Lyssa nga! And umiiyak siya? Umiiyak nga ba siya? Pero bakit naman siya iiyak? Namamali lang siguro ako ng tingin.

Wait... parang alam ko na. Matagal ko na ring napapansin na parang may gusto si Lyssa kay Nick. Ewan ko ba, ang lakas lang ng pakiramdam ko. One thing’s for sure now, I’ll figure it out.

• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Lyssa’s POV

April 19. Rassel & Nick’s birthday. 

Waaa. Kaarawan na ni Nick. Sigurado akong magugustuhan niya ‘tong regalo ko.

Ngayong araw, naghanda lang naman kaming lahat, dami nilang niluto. Birthday rin kasi ni Rassel, pero napili nilang samin-samin na lang yung pagsasalo. So ang nangyare sa rest house lang. Pero nagswimming naman kami nung hapon.

Kinagabihan,inuman. Baka iniisip niyo bulakbol kami, hindi po ah. Occasionally lang naman kami umiinom. Ewan ko lang yung mga lalaki. Nakapaikot kaming lahat, nakalupasay sa sahig.

Labasan na rin ng gift ngayon kung sinong may regalo. Nauna na si Jendy, kasi siya lang naman may regalo na parehong meron yung dalawa.

Binigyan niya si Rassel ng CD. Hindi ko lang nakita kung anong CD yun nasa opposite side kasi siya.

Si Nick naman binigyan niya rin ng.. shocks. Bakit pareho pa kami ng regalo kay Nick? Binigyan niya ng album ng The Script si Nick. Yung self-entitled album nila na kauna-unahang album ng The Script. Sabi ko na nga ba, dapat yung latest na lang binili ko, yung ‘#3’ o di kaya yung ‘Science & Faith’.

Ang saklap naman. Ganun na ba talaga kailap sakin ang pagkakataon? Naichapwera nanaman ako. At ang sakit pala. Eh kung sabihin ko na lang kaya sa kanya? Waaa di ko kaya. 

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon