Kabanata 25.2

11.6K 193 20
                                    

Kabanata 25.2

Kapag kumisap ako, siguradong babaha na ang luha ko. Hindi nila ako pwedeng makitang umiiyak. Ayoko ng makagulo pa sa kanila.

“Jendy!” Bigla akong napalingon sa tumawag saken mula sa likod ko.

“M-mond.” Napatayo ako at paglingon ko sa kanya sabay ang pabuhos ng mga luha ko. Nakatalikod na ako ngayon kila Rassel, at kitang-kita ni Mond ang pag-iyak ko sa harap niya. 

“Rassel, una na kami ni Jendy." sabi niya habang nakatitig pa rin sa aking nagpipigil ng iyak. "Ano, urgent lang. Tungkol sa bands. Ako na maghahatid sa kanya.” Kinuha na niya ang bag ko sa upuan at hinila na ako papalayo.

Isinakay niya ako sa kotse niya. Hindi kami nagsasalita. Umiiyak lang ako nang umiiyak. Hindi ko na talaga kayang pigilan ‘to. Baka ikamatay ko pa pag kinimkim ko ang sakit.

Nakatigil lang kami dito sa tapat ng restaurant. Nakita kong lumabas na rin sila Rassel at Kate na magkahawak pa ng kamay. Masayang nagtatawanan at napakasweet sa isa’t isa. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa makasakay sila sa kotse ni Rassel at saka umalis na.

“M-mond.”

“Yep? Iihi ka Jends?”

Hinampas ko na lang siya ng bahagya. “Bwisit naman ‘to. Wag mo na kong patawanin. Wala ako sa mood.” Tingin ko sa kanya na nagpupunas ng luha.

“Di naman kita pinapatawa eh. Tinatanong kita. Seryoso kaya ako. Ano ba yun Jendy?”

“Daldalin mo nga ako. Anong ideal girl mo?”

“May balbas.”

“Hahahaha! Baliw!”

“Bakit lagi ka na lang umiiyak?”

Eto na seryosohan moment na. Nakakahiya kay Mond, lagi ko na lang siyang iniiyakan. Nadadamay pa tuloy siya sa magulo kong buhay. “Ha?! Balak ko kasing mag-artista, bukas na bukas din mag-aacting workshop na ko.”

“Di ka papasa.”

“Ano? Sama naman neto.”

“Di ka papasa sa acting, ngayon pa lang di na kapani-paniwala ang acting mo eh. Pano yan?”

“Edi hindi.” Huli ako dun ah.

“Mahal mo siya diba?! Pero may mahal siyang iba kaya ka nasasaktan ng ganyan.” ARAY.

“Aray naman. Sige lang, ipamuka mo lang saken. Pano kung mahal ko nga? Wala naman akong magagawa, nandito na ‘to eh. Ang natitira na lang eh kalimutan ko na ‘tong nararamdaman ko bago ko pa ikamatay.”

“Anong wala? Meron pang natitira. Ang aminin mo sa kanya at ipaglaban yang nararamdaman mo.”

“Alam naman niya eh. 2 months ago, nagkaaminan na kami. Pero napili naming mag-let go dahil hindi tama. Hindi tamang mainlove sa isa’t isa ang mag-bestfriends. Na baka hindi naman talaga love ang nararamdaman namin. Baka hindi pa kami sigurado.”

“Eh ano ngayon ang nangyayari sayo? Dahil sa pag-let go niyo, lalo ka lang nasasaktan. At isa pa, yan ba ang hindi sigurado? Eh kahit ako, nasisigurado kong mahal mo talaga siya. Jendy, kahit kelan walang mali sa love. Ang pagsasabi mo na hindi kayo pwede eh parang pagsasabi rin na hindi kayang sumikat ng araw. Walang bawal bawal dun Jends. Ano naman kung magbestfriends kayo? Yung iba nga enemies nagkakatuluyan eh, kayo pa kayang BEST OF FRIENDS?! Tsk. Mga tao nga naman, lalong pinapakomplikado ang mga bagay na napakasimple.”

Hindi na ako nakaimik. Parang pinutol ni Mond yung dila ko kasabay ng mga salitang binitawan niya. Tinignan niya lang ako, at niyakap ko naman siya nga matagal. 

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon