Kabanata 21

13.2K 231 31
                                    

Kabanata 21

Jendy’s POV

Tagal naman ni Rassel-bebs! Nilalamok na ko dito oh! Tch.

“Hayy sa wakas! After ilang millenium nakabalik ka rin!”

“Sorry Dy natagalan! Binili ko pa kasi to oh, nakyutan ako. Para sayo pala.” Wow! Ang cute!

“Ang cute nga!!!”

“Haha buti nagustuhan mo. Pinag-iisipan ko nga kung yan ba ang bibilhin ko o yung bear. Pero mas trip ko yang penguin. Buti na lang gusto mo rin yan.”

“Common na yung bear. Dami dami ko ng ganun sa bahay eh. Teka, anong pangalan ni Penguin?”

“Sige bigyan natin siya ng pangalan. Hmm...”

“Rara? Kamuka mo kasi Rassel eh!”

“Grabe. Muka na ba kong penguin sa paningin mo? Haha. Wag! Baka maging kamuka ko na nga yan!”

“Ayaw mo pa eh ang cute cute nga ni Penguin. Pe...”

“Dugtungan natin yung… Pe...”

“Ayun! Pepe!” Ang kyut nung naisip ko. Mwahaha!

“Parang di naman maganda pakinggan! Jendy talaga oh! Wag mo kong impluwensyahan sa mga ganyang bagay!”

“Baliw! Pa-inosente ka pa! Basta, siya na ngayon si Pepe! Sel, say hi to Pepe! Pepe yakapin mo si Sel dali.”

“Dy naman! Iba naiisip ko tae, lalo na dun sa ‘Pepe yakapin mo si Sel’! Baliw ka!” saka kami nagtawanan.

“HAHAHA! Oo nga noh? Pepe, oh ikiss mo na lang si Sel.” Ikiniss ko si Pepe sa pisngi ni Rassel. Si Rassel naman medyo lumayo. Iba kasi iniisip niya eh! Haay kaloka!

“Tama na please. Pepe behave! Dy, hawakan mo ng maiigi si Pepe baka mawala yan. Ayy itabi mo na lang si Pepe d’yan sa bag mo.”

“Hahaha. Pepe behave? Behave naman si Pepe ah!” nagtawa pa kami lalo. Grabe ang saya neto! “Langya. Tama na nga. Stressed na si Pepe. Sigi tago ko na siya.”

“Hooo. Yan, nakahingang malalim na ko." Maya-maya pa’y sumeryoso ata bigla sa pagitan namin ni Rassel. “Dy..”

"Oh yes ano yun?” Ano naman kayang sasabihin neto?

"Sana naging damit na lang ako." Ha?

"Ano? Bakit mo naman naiisip ang bagay na yan? Pambihira! Rassel, sa lahat ng pwedeng maging, damit pa?"

Baliw 'tong bespren ko ah. Damit daw? Kung ako sa kanya, maggo-globe na lang ako. Para abot ko ang mundo. Pweh! Kumo-cornflakes nanaman ako. HAHAHA!

"Para kahit minsan.. i-try mo kung bagay ako sayo." Napatulala naman ako dun. Para daw i-try ko kung bagay kami? Earth's core, swallow me now! 

Pero bigla siyang, “HAHAHAHAHA!” nagtawa. Face palm!

“Nice Jendy! Sobra ka namang nadala! WAHAHAHAHA! Ang cute mong magtaka!" Aba’t! Humagalpak bigla ng tawa? Aish. Akala ko pa naman sincere siya. Isa pa Jendy, magpaka-assuming ka pa, baka makonyatan ka ni donya Angelica at magaya kay Facundo! Korny ko nanaman. Tara kape. 

"Ahh ganun. Banatan pala ang gusto mo ah. D’yan ka na nga! Bwisit ka!" Tumayo ako at nag-walk out. 

"Uyy Dy! Teka lang, ang tampuhin naman neto!" Sinundan niya ako at hinawakan ako sa braso.

Lumingon naman ako sa kanya. "Oh? Bakit?"

"Galit ka ba? Sorry na oh."

"Ha? Bakit naman ako magagalit? Haha. Lika na nga, uwi na tayo."

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon