Kabanata 12
Jon's POV
"Kuya, tama na please. Wag mo nang saktan si Jon. Kuya pleaseeee stop."
"Eh tarantado tong gag*ng ‘to eh! Alam naman niyang matagal mo na siyang mahal, ni minsan di niya pinansin yang nararamdaman mo. Ayokong nasasaktan ka ng tulad lang ng gag*ng ‘to!"
BOOOG!
"Pero kuya, parang awa mo na. Wag mo nang gawin yan. Lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa mo ehh! Tanggap ko naman kuya ehh, kaya ko namang maghintay. Kami na lang ni Jon ang mag-uusap. Itigil mo yan please, nagmamakaawa na ako sayo."
"Tss, sinabi ko naman sayo dati diba na tigilan mo yang kahibangan mo? Pero ano? Nauwi pa sa ganito. Pag nakita ulit kitang nagmumukmok at umiiyak sa bahay, baka kung ano ng magawin ko dito sa tarantadong 'to. Baka magkaroon ka pa talaga ng dahilan para iyakan. Halika na, UUWI NA TAYO!"
"Pero kuya, hindi natin siya pwedeng iwang ganito."
"Anong sinabi ko? UUWI NA TAYO. Sakay sa kotse!"
Heto ako ngayon, nakalupasay sa sahig ng isang eskinita. Nabugbog lang naman. Ang saya diba?! Di na ko lumaban, ayoko eh. Di ako marunong? Tsk, siga yata ‘to. Ah basta, ayoko lang talaga. Baka kasi pag pinairal ko ang galit ko, eh hindi lang yung lalaking yun ang masaktan ko, kundi pati na rin si Kate. Tsk. Oo, kuya niya yung nambugbog saken, pakiresbakan niyo naman.
Ohh teka. Bakit may mga unggoy na paparating? Ahh este, mga sigang parang may magkakasama sa frat. Shit. Wag mong sabihing... gusto nila akong paglaruan?! Makaalis na nga, injanin ko na lang tong mga to."Hep hep hep..."
"Hooray?" sabi ko. Shit nagawa ko pang magpilosopo? Patay ako neto. Ang tanga mo Jon!
"Ayos ‘to pre. Namimilosopo. Banatan naten." Patay.
"Teka, akala ko kasi naglalaro kayo ng hep hep hooray. Sorry naman. Ge alis na ko."
"Ohh teka boy. Teritoryo namin ‘to, kami ang magsasabi kung kelan ka aalis dito.""Bakit? Binili niyo na ba ‘to? Patingin nga ng titolo." Ohh yes, nandito na lang rin ako edi sagut’ sagutin ko na ‘tong mga unggoy.
"Ah yun ba? Ano mga pre?" nagngisian naman sila sakin. "Kita mo ‘to?" pinakita yung kamao niya. "Eto ang titolo."
BOOG! Nasapak nanaman ako."Hoy mga gung gong. Pwedeng chumupi away na kayo. Chupi chupi! Jon ayos ka pa ba? Hoy lumaban ka naman."
"Ahhh miss, pwede wag kang mangialam, di ka kasali dito. Umalis ka na bago pa kami makapag-isip ng masama sayo."
"Edi mag-isip kayo ng masama, kung meron kayong mga isip. Kung wala edi wag."
"ABA! Sumasagot. Matapang. Yan ang mga gusto kong manok. Miss, sama ka na lang samin."
"Jon, d’yan ka lang ah. Papasabugin ko lang mga muka nitong mga to." At saka niya niresbakan na parang action star ang mga dugong na sumira ng gwapo kong muka.
"Aray. Aray."
"Wag mong hawakan d’yan. Napuruhan d’yan eh."
"Ayyy sorry, halika na, may kotse ka ba? Baka bumalik pa yung mga yun, ayokong pakasigurado Jon."
"Di ko dala kotse ko eh. Sige tara."
Dinala at inakay naman niya ako sa kotse niya. Grabe, ang lakas ng babaeng 'to. Halos magpabuhat na nga ako sa kanya eh. Hahaha. Uyy chansing din yun! Ayy joke lang!Sa kotse, "Ohh wag kang gumalaw. Ginagamot ko lang 'tong mga sugat mo. Sabihin mo lang sakit pag masakit."
"Hindi ayos lang, salamat nga pala ha."
"Sa paggamot ko ba sayo o pagsagip ko sayo?"
"Pareho. Thank you ng marami Angel."
"Sus, wala yun. Sisiw naman yung mga yun sakin eh. Sisiga siga wala naman palang binatbat!."
BINABASA MO ANG
Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)
Fiksi RemajaMadalas akong magtaka. Bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, ginagawa pang complicated? Tulad sa isang building, mayroon...