Kabanata 31.2

11K 194 25
                                    

Kabanata 31.2

"Hala galit ba siya? Hmm. Ah heto! Nick'knacks!" Halos mahulog naman ang panga ko dun at biglang napaharap kay Javs. Hawak hawak niya ang isang pack ng Knick'Knacks snack at nakangiting nakatingin sa akin.

Hindi ko napigilan kaya niyakap ko siya. Kami ni Lyssa yakap-yakap siya ngayon na puno ng pagtataka. "T-teka, m-may nasabi ba akong masama?"

"Nagbibiro ka ba Javs? Wala! Sobrang pinasaya mo ako dahil jan." Tinuro ko yung Knick-knacks snack. "Tara kainin na natin!" sabi ko kay Javs, at tinawag ko na rin ang barkada.

Kwinento namin kay Javs ang lahat lahat. Sinimulan ko saken, yung highschool days namin. Hanggang college. At hanggang sa napunta kami sa condo at ngayon nga'y sobrang tibay na ng pagkakaibigan. Sa sobrang haba ng kwentuhan namin, mukang napagod si Javs, ikaw ba naman maoverload agad ng kwento diba kaya pinagpahinga na namin siya. At masasabi kong, Javs is still Javs. Yung tawa niya, yung paraan niya ng pagsasalita, yung mga expressions niya sa muka, yung galaw niya.. ganun na ganun pa rin. Maaaring nakalimutan niya ang maraming bagay, pero hindi niya pa rin nakakalimutan.. kung paano maging si Jendy.

Nakita ko si Rassel, tulala sa pinilakang tabi. Kaya naman nagkumpulan naman kami dito sa sala sa room, opposite side nung kama ni Javs.

"Rassel." combo chorus naming lahat sabay upo sa sofa.

Tumingin lang si Rassel samin na mukang kinagat ng king ipis yung mga mata niya at hanggang ngayon ay maluha luha pa rin. I know, this is really a sad situation for him, for Javs, for all of us.

At dahil alam kong hindi pa makakausap ng matino si Rassel, nag-open na lang kami ng ibang topic, syempre sa pangunguna ko.

"Ano na kayang nangyari dun sa Kate na yun no?" pagtatanong ko. Sa totoo lang wala naman akong pakialam sa kanya, wala lang talaga akong maisip na ibang pag-uusapan sa mga panahong ganito.

"Ako alam ko. Wala na yun dito." (Kit)

"Pano mo nalaman? Saan naman?" (Gel)

"Siguro nung nalaman niya ang nangyari kay Jends, nagmadali na yun umalis palayo." (Kit)

"Oo tapos diba nakasakay siya sa kotse pero biglang nabunggo sa isang 12 wheeler jeep tapos sumabog kaya tumilapon siya sa alapaap.." (Jon)

"Tapos sumabit sa windmill, nagpaikot-ikot.." dagdag ko.

"Tapos nastuck lang dun at pinagtutuka ng uwak!" (Gel)

"Hindi yun! Diba nagpaikot-ikot? Tapos tumilapon nanaman sa kung saan, hanggang sa nahulog siya sa gitna ng ilog at dagat kaya pinag-agawan siya ng mga buwaya at pating.." sabi ko.

"Tapos dedo na?" (Lyssa)

"Hindi pa panget! Atat naman ikaw eh! Pero diba nga pinag-aawayan pa siya ng pating at buwaya, kaya naunahan tuloy sila nung octopus! Pinilipit siya hanggang sa hindi na makagalaw kaya biglang nagsidatingan ang iba pang lamang dagat! Pinagpyestahan ng mga jellyfish under the sea! The end." Sabi ko. HAHAHAHA!

"The end na agad yun? Nadedo ba? Dapat dinagdag mo, napaliligiran rin ng mga sawa, tutok na tutok sa kanya mala-paparazzi. Sa sobrang takot niya, dun siya nadedo." hirit pa ni Kit.

"Ha? Eh bakit ng dahil sa takot kaya nadedo? Di na lang nilapa nung mga pating, buwaya, octupus, jellyfish, at sawa?" tanong ni AJ.

"Ehh AJ, hindi naman tayo ganun kasama diba. Ang bait bait natin para isipin na ganun ang kahihinatnan niya." sabi ni Gel. Tama korekek!

"Sus nahiya pa kayo. Oh eh bakit hindi na lang ganito, nabaliw siya dahil sa pagkakonsensya , dinala sa mental, pero nakatakas, nagpalaboy-laboy hanggang sa nahulog sa imburnal pero swerteng nakasurvive pa rin kasi may sumagip sa kanyang kapwa baliw, pero dahil nga wala na sa pag-iisip tinulak ni Kate yung baliw kaya siya naman ang nahulog sa imburnal.." (AJ)

"Tapos, tumakbo ng napakabilis palayo sa kahabaan ng Edsa kaya naging sanhi ng pagkabuhol-buhol ng traffic, dumating ang mga pulis, at sa sobrang takot nanaman niya eh sumigaw ng 'TULONG' kaya biglang dumating si Batman to save the day." sabi ni Angel. Wahaha! Enjoy ‘to!

"Then, sinagip naman siya ni Batman, dinala sa rooftop ng pinakamataas na building sa dito bansa. 'You're saved now miss' sabi kuno ni Batman at umalis na, pero dahil sa sobra namang pagkatuwa ng baliw na si Kate, kumuha siya ng bato at nilunok ito para sana sumigaw ng Darna, pero sa kasamaang palad, nastuck sa esophagus niya, na-out of balance siya kaya yun, nahulog sa rooftop."  sabi ni panget, aba ayos rin pala 'tong baby ko eh.

"At biglang sumabit sa poste ng Meralco, nakuryente, tapos.." dagdag ni Jon.

"Ano na? Tagal naman niya madedo!" sabi ni AJ.

"Ganun daw talaga pag masamang damo, matagal ang buhay.. wag natin siyang patayin sa isip natin, nakakaawa naman. Ganto na lang, diba nakasabit na sa mga wire ng kuryente, stuck na siya dun, at patuloy pa rin siyang nagingisay. The end." Sabi ni Kit.

"Aww.. tapos na? I want more! Hahaha!" sabi ko.

"Aalis na ko papuntang states."

"ANO?"

Ano kamo ang sabi ni Rassel?

"Aalis ako. Pupunta na akong states." ulit niya.

"Wag mong sabihing handa mong iwan si Javs dito? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa kanya, iiwan mo lang siya bigla? Ng dahil lang sa hindi ka na niya maalala?" sabi ko. Di ako makapagpigil eh. Bakit naman kasi niya yun gagawin, ngayon pa.

"Oo nga. Gosh, Rassel, you're being immature!" AJ said.

Bigla siyang humarap samin na kanina'y nakayuko.

"Immature? Immature bang matatawag itong paggawa ko ng isang napakabigat ng desisyon? Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, gugustuhin niyo pa bang magpakilala kay Jendy?

Anong sasabihin ko? Jendy, ako si Rassel, best friend mong nanggago sayo. Yun ba? Ganun ba ang gusto niyong ipakilala ko sa kanya? Ha? Sabihin niyo nga saken! Ayoko nang masaktan pa siya ulit, ayoko na siyang mahirapan pa, hindi ngayon ang tamang oras para humarap ako sa kanya, alam kong baka hindi niya lang makayanan pati na rin ako.

Kagagaling lang niya sa problema tapos dadagdagan ko nanaman? Ang hirap hirap tanggapin na kaya nasa ganyang kalagayan siya ngayon ay.. NANG DAHIL SAKEN! Dahil saken! Naiintindhan niyo ba yun?

Sa tingin niyo ba gusto kong siyang iwanan? Kung pwede nga lang magpasurgery ako at idikit ko na siya saken para kahit kelan hindi na kami maghiwalay! Ang sakit sakit! 

Maaaring nakalimutan niya yung mga masasakit na nasabi at nagawa ko sa kanya, pero ang puso niya, hindi niyo ba naisip? Maaaring ganun kabilis nakalimutan ng utak niya ang lahat, pero ang puso niya.. ang puso niyang pinahirapan ko matatagalan bago maghilom.

Gusto ko siyang maging masaya, pero hindi pa ngayon kasama ko. Siguro nga ay isa itong karma sa akin, pero wala naman akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Ngayon, gusto ko lang na ayusin muna ang sarili ko para pagdating ng panahon, baka sakaling matanggap na ako ni Jendy, at sa pagbalik ko, handang handa na akong harapin siya na kahit ipagtabuyan niya ako, ok lang, basta pinapangako kong hindi na ako ang Rassel na mahina. Gagawin ko ang lahat mapatawad lang niya ako at sana.. 

Sana mga panahong yun, mahal niya pa rin ako."

Lumapit kaming lahat sa kanya na ngayon ay humahagulgol. Niyakap siya ni Gel, pati na rin nina Lyssa at AJ.

"Pero Rassel, malay naman natin matanggap ka ni Javs ngayon? Sa palagay ko kasi kung merong isang taong higit niyang kailangan ngayon, ikaw yun." sabi ko ng mahina kay Rassel.

"Hindi Nick. I need to do this. I will give her space. I will give her freedom. Mula nung magkakilala kami, nagulo ko ang buhay ni Jendy, to think na umabot hanggang dito. Na nung naging magbest friend kami, naging mas komplikado ang lahat, na ang tahimik at masayang buhay ni Jendy ay nauwi lang sa ganito.

Gusto kong maramdaman niya naman ang buhay na walang iniintinding best friend sa araw-araw niya, na wala siyang iniintinding isang Rassel. Kaya guys.." sambit niya habang patuloy na lumuluha.

"Ibinibilin ko sa inyo si Jendy ha? Wag niyo siyang pababayaan please? Wag na wag rin kayong magkukwento ng tungkol sa akin. At kung sakaling.." lalo pa siyang umiyak kaya hinawakan ko na sa balikat.

"Kung sakaling may mahalin siyang iba, wag niyo siyang pipigilan. Basta gawin niyo ang lahat para hindi siya malungkot ha? Kung may problema sabihan niyo ako. At isa ko pang pabor, sana balitaan niyo ako ng lahat ng nangyayari kay Jendy. Pakiusap lang.

Pangako, babalik ako. Babalikan ko si Jendy. At sana lang hindi pa maging huli ang lahat."

Shoot. Rassel, I salute you.

*end of flashback*

Nagvibrate naman ang cellphone ko. [ Nick, help. ]

 

Akalain mo ‘yun? Nagulat ako sa nagtext. It’s been a long time. I wonder, paano kaya magtatapos ang storya ng dalawang ‘to? Kumbaga sa teleserye, isa ako sa masugid na nakaabang. Nagtataka rin ako, bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, kelangan pang maging complicated? Kita niyo na, pati yung tanong ko medyo magulo. Makapagloving-loving na nga lang kasama si panget.

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon