Kabanata 33.1

11.2K 195 31
                                    

Kabanata 33.1

Kinabukasan, "I already checked your papers. At salamat naman harinawa dahil walang bumagsak! Kung sakaling meron mahahampas ko talaga kayo!" sabi ko sa kanila.

"Sino pong highest sa buong batch? Sana kami, sana kami, golly gosh, sana kameey!"

"Out of 5 sections, sa inyo ang 2nd na highest. Not bad naman diba guys! Ang gagaling niyo! Ms. Amberluke, congratulations! Ikaw ang highest dito." binati naman ng klase si Franz. Nakakatuwa talaga ang section ito, they’re always united. Lagi rin silang masaya.

"This is a good start for a section E ha. Infairness. Kaya ito ang favorite kong section eh! Franz nako dapat next time 1st na ha!"

"Sino po ba ang highest?"

"Oo nga, sino po yun ng mabugbog na?"

"Tara sugurin natin! Para si Franz na ang highest!" sabi nung mga supportive niyang kaklase.

"Hoy kayo! Maghulos-dili nga kayo! Wag niyong gagawin yun. Ahhh from section A, si Kyle Monteluz."

"Aish. Halimaw talaga yung lalaking yun. Nakakainis, ang yayabang naman ng section A eh."

"Ano ba kayo! Wag nga kayong ganyan! Hindi niyo ba alam na ang section E ang pinaka the best? Oh saken na nanggaling yan ah!" pambobola ko sa kanila. De’joke, pagsasabi ng totoo pala. Haha!

"Ate naman, wag mo na kaming bolahin pa! Wala na, kulelat talaga kami sa kanila. Lagi nila kaming minamaliit."

"Tss. E is for Excellence! Section Excellence! Oh diba! Isipin niyo na lang yan palagi, at isipin niyo rin na section A stands for Section Asungot!" nagtawanan kaming lahat. "Hahaha ssshhh lang kayo ah!" pagpapalakas ko ng loob nila. Para naman masaya ang pag-aaral ng klase. Na kahit dumating yung puntong nada-down o nahihirapan sila, at least masaya sila. Na masayang mag-aral, at yun lang ang dapat nilang isipin.

"Okay, moving on. Hindi muna ako maglelecture ngayon kasi kakatapos lang naman ng exam niyo. Oh teka wait, di ko pa kayo pauuwiin no! 'Tunganga Time' tayo. Sino dito ang nakakuha ng tanong na.. NANINIWALA KA BA SA TADHANA? From your exam? Yun ang pag-uusapan natin ngayon."

Nagtaas ng kamay si Franz. "Ako po."

"Oh Franz! Teka, kunin ko dito yung test paper mo. I'll read your answer."

"Question, Naniniwala ka ba sa Tadhana? Franz answered—Yes. I do believe in destiny. For me, there is destiny because everything in this world are meant for something. Just like the plants, they are meant to produce food for humanity, like the moon and sun to give us night and day, and just like humans that are meant to live and love. Each one of us are destined for something, for someone, and for a purpose. We just have to figure out what is that destiny of ours that's why we, people, are here to live life.'"The class applauded.

I smiled. "Very well said Franz. Pero, I think I would disagree."

"Why? Bakit po? Mali po ba yun? Ganun din po ang tingin ko eh?" samut'saring reaksyon nila.

"Kasi para saken, There is no such thing as destiny, it does not even exist. The real thing is, there are two hearts meant for each other, meant to love each other, and meant to be together."

Lahat sila’y naguluhan. "Ate parang medyo naguluhan kami, kasi diba sabi mo po walang destiny pero sinabi mo rin po na there are two hearts MEANT for each other? Hindi po ba parang contradicting yun?" takang-takang pagtatanong ng klase.

"Parang ang iniisip ko kasi eh wala naman talagang tadhana, kasi halos lahat, o siguro yung ibang tao eh hanap nang hanap ng destiny nila. Destiny daw. Pero meron nga ba nun? Kasi kung destined sila, bakit may mga magkarelasyon na kahit ilang taon na naghihiwalay pa rin? May mga mag-asawa na kahit may mga anak na nga eh nagagawa pa ring maghiwalay. Ang naiisip ko kasi, mayroong isang tao na nasa paligid ligid lang na magmamahal at magmamahal sayo, pero hindi mo siya matatawag na destiny mo kasi ang tadhanang yan ay wala naman talagang kasiguraduhan. Walang may alam kung destiny niyo ang isa't isa. Kaya sa tingin ko, walang tadha-tadhana. Pagkakataon lang."

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon