Kabanata 14
Kinagabihan, nagdecide kaming magbonfire. Perstaym ko ito kaya excited ako.
Sa bonfire, may sari-sarili kaming mundo. Sila Kit, AJ, Angel, at Jon, parang nasa debate contest, dada nang dada. Si Nick at Lyssa naman bat ang seryoso ata nila? Tas kami ni Rassel, eto naglalaro ng Ketchup. (Yung game na, jack-en-poy tapos kung sinong talo papaluin sa kamay ng malakas hanggang sa maging mapula na dahil sa palo.) Tawa jan, tawa dito.
Pero maya-maya, nag-walk out si Nick?I mean umalis siya papalayo. Bakit kaya?
Parang may iba akong nasesense eh. Ah ewan ko ba sa sarili ko... parang galit siya saken.
Hala. Nabubuang nanaman ako. Pero di kasi ako mapakali, kaya sinundan ko na siya.
Si Nick, nasa may dalampasigan, nakatingin lang sa dagat, parang ang lalim ng iniisip. Nilapitan ko na. "Uyy Nick-knacks! Andito ka lang pala. Bakit ka umalis doon?" wala siyang imik.
"Uyy Nick-knacks, kausapin mo naman ako. May problema ka ba?" Hala! Anong ginawa ko ba? Nikakabahan na ako.
"Huy Nick!" inaalog ko na siya sa braso niya. "Anong problema?"
"ALAM MO KUNG ANONG PROBLEMA KO? IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!""Hala bakit? Anong ginawa ko Nick? Wag kang magalit. Kalma!"
"MARAMI! MARAMI KANG GINAWA! IKAW ANG PROBLEMA KO!"
"Eh ano ngang problema mo sakin?"
"NAGSESELOS AKO!!!" Nagseselos si Nick sakin? Bakit? Hala bakla ba siya? Naiinggit siya sakin? HALA!“Ano?”
“Wala. Kalimutan mo na.” Ngek? Gandang kausap talaga neto.
“Ano? Sabi mo nagseselos ka eh diba? Kanino? Saken?”
“Wala nga! Kalimutan mo na nga sabi!”
“Ehh! Ano nga yun? Sabihin mo na! Dali na! Papilit ka lang eh.”
“Tss. Nagseselos nga ako.”
“Bakit naman?”
“Nagseselos ako kasi ma..”
Mahal kita. (Nick)
"Kasi ano... ma.. ma... masaya ka. Yun. Nakikita kitang masaya kaya naiinis ako." Binelatan pa niya ako. Anak ng tupa talaga tong lalaking ‘to eh no?! Ayaw akong nakikitang masaya? Adik.
“Baliw ka talaga kahit kelan. Bwiset ka akala ko kung ano na! Kinabahan ako sayo alam mo ba yun ha?! Sinigawan mo pa ako.”
“Haha. Sorry Javs. Gulat ka ‘no?! Halika nga dito!" Ginulo niya yung buhok ko, kinurot yung ilong ko at inakbayan ako.
“Hay nako Nick’knacks. Di ka pa rin nagbabago. Dakilang mambubwisit ka talaga. Akala ko nga bakla ka eh! Hahaha”
“ANO? Anong bakla?”
“Eh kasi nagseselos ka sakin, akala ko naiinggit ka saken, kaya akala ko tuloy bakla ka! Hahaha. Hindi ba?”
Kinurot ng bongga yung dalawa kong pisngi. “Ikaw ang baliw Javs, ako? Bakla? Halikan kita jan eh ano?”
“Hahalikan mo ako? Kaya mo? Ha? Ha?” sabay nilalapit ko yung muka ko sa muka niya. Kala niya matatakot ako sa kanya ha!
“Aba, sinusubukan mo ako ah!” Hinawakan ako sa dalawa kong pisngi. At nilalapit yung muka niya saken. Hala, itutuloy niya nga?
“Ano ha? Game?” sabi niya at ngumiti. Mga 3 inches na lang yung layo ng muka namin. Hala huwag naman. Binabawi ko na yung pananakot ko sa kanya. Ow my gash.
Waaaaah! Ang lapit namin as in! Ramdam na ramdam ko yung hininga niya. Mabango. Yung akin rin sure naman akong mabango kaka-toothbrush ko lang bago kami magbonfire eh. Tapos tapos tapos, ang gwapo pala ni Nick-knacks pag malapitan? Pag tinitigan mo pala siya ang gwapo niya ha. In fairness. Ngayon ko lang narealize.
BINABASA MO ANG
Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)
Teen FictionMadalas akong magtaka. Bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, ginagawa pang complicated? Tulad sa isang building, mayroon...