Kabanata 5

19.5K 313 35
                                    

Kabanata 5

Rassel’s POV

“Isa pa nga pong San Mig Light d’yan!” sabi ko.

“Weak bro! Ako na nga oorder. Antonov nga po.” sabi naman ni Jon.

Yeah, we’re drinking nanaman. Ewan ko ba pero ngayon eh gustong gusto ko ng mag-inom. Gan’to ata talaga pag maraming problema eh.

“Tss, tagal naman ng service niyo dito sa Calci’s Jon!”

“Chillax lang kasi. Gusto mo samahan na rin yung order naten ng chix? Meron sa menu nun dito.” lokong sabi ni Jon na tumatawa pa.

“Kaw na lang pre, yoko mabahiran ng mga babaeng alam mo na.”

“Ge, ako na lang. Haha. Teka, d’yan ka na muna, punta lang ako sa restricted room ko.”

“Hoy, gagawa nanaman ‘to ng lagim. Ge bahala ka.”

Siraulo talaga tong si Jon. Pero, di ko yan pipigilan ngayon, libre kasi ako dito. Sila may-ari ng Calci’s, short for Calcifer. Buti na lang kaibigan ko ‘tong si Jon kasi pag nagugutom ako, libreng libre lang akong pumunta dito at pagsilbihan tulad niya. 

Nakakadalawang bote na yata ako, pero lakas ng tama nung nainom ko. Pero kaya pa naman. Kakayanin, may pasok pa bukas eh. Makikita ko nanaman si.. haay nevermind. Gusto ko ng lumimot at sana nga lang ganun kadali yun. Pero hindi eh. Ang tagal ko siyang gusto, elementary palang. Napakasaklap.

Teka, ano ‘to? May magkakantahan dito sa restau? Kung dati gusto ko maingay, gusto ko naman ngayon eh tahimik at payapa, tapos ganito pa? May mag-iingay? Hay naman, badtrip!

Maka-alis na nga, anong oras na ba? 12:51 am na pala.

I'm scrolling through my cellphone for the 20th time today
I'm reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway

Na-hypnotize ata ako. Ang galing kumanta nung babae. Sa halip na lumayas ako kanina, napaupo ulit ako.

“And for our last song for tonight, this song is dedicated to all the people who are inlove but afraid to show what they really feel. Iniaalay ko po ang kantang ito sa mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi sa minamahal nila ang tunay nilang nararamdaman, na hanggang ngayon ay nagtitiis pa rin sa one-sided love. Pero sana ngayong gabi, kung isa ka man sa mga nakakaramdam niyan ngayon eh, mapangiti kita.” sabi nung singer.

Nagsimula na siyang kumanta. What a great voice!

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin

At di nga siya nagkakamali, dahil ako'y kanyang napangiti.

Dugdug. Teka, bakit biglang ganun yung tibok nito? Baka side-effect lang ‘to nung nainom ko. Tama, baka side-effect lang naman ‘to nun. Di kasi ako sanay inumin yun eh.  

“Hoy! Tulala ka jan bro? Ahh, tinitignan mo yung singer no? Ang galing niya no? Pati ako napatigil sa ginagawa ko eh, ah este, napalabas ako sa restricted room ko.”

“Ohh Jon, and’yan ka pala.”

“Uyy iba na yan. Yiie.” 

“Shhh, wag ka nga. Bumalik ka na dun. Makapag-CR nga.”

“Sus, susundan mo lang yun eh. Alam ko na yang mga ganyang style, dumaan rin ako d’yan. Ge dude, good luck galingan mo.”

“Sira!” sabay punta ko na sa CR.

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon