Kabanata 32

11.6K 205 25
                                    

Kabanata 32

Rassel's POV

Passengers, please fasten your seatbelts.
Arriving at NAIA station.
Paparating na sa NAIA station.

Wow. Parang LRT lang ah?

HELLO PHILIPPINES! At last, I'm back!

4 years ago, I made a very hard decision. And that is to leave the only girl I love the most. Lumisan man ako, iniwan ko naman ang puso ko dito. Kaya ngayon pakiramdam ko, nabuhay ako ulit mula sa matagal na pagkakahimlay. At handang handa na akong harapin sila.

Sobrang bigat para sa akin na iwan siya dito sa loob ng apat na taon. Pero naisip kong mas makabubuti naman ito para kay Jendy, pati na rin sakin. Kung magpapakilala agad ako sa kanya nung mga oras na yun na nagising siya sa ospital, maguguluhan lang siya. At lalong magiging masakit para sa kanya kung malalaman niya agad ang lahat, ang lahat ng katarantaduhan kong nagawa.

At isa pa.. natatakot akong hindi niya ako matanggap kung sakaling malaman niya ang lahat.

Gusto ko siyang sumaya sa piling ko. Pero nung araw na tinanong niya kung sino ako, doon ko napagtanto na hindi pa yun ang tamang panahon.

Siguro nga ay isang malaking ganti sa akin ang pagkalimot ni Jendy. Nagsilbi iyong isang napakalaking parusa para sa akin. Pero naging isang malaking pagkakataon rin yun para ayusin ko ang buhay ko.

Bago ko iwan si Jendy, ipinangako kong babalik ako. At sa pagbalik ko, hindi na ako ang Rassel na ubod ng katangahan noon.

Nanirahan ako sa states kasama sila mama. Ang pamilya ko. Sinabi ko sa kanila ang lahat, at lubos kong pinagsisisihan yun.

Nagsikap ako. Nag-aral. Madami na rin akong trabahong pinasukan doon, at nakapagtapos ng hakot ang maraming parangal. Magkatulungan kami ngayon ni papa sa aming business. Gusto ko pagbalik ko dito, maipagmamalaki ako ni Jendy, na pagdating ng araw maibibigay ko sa kanya ang langit at lupa, kahit na ang dyamante at ginto sa sangkalupaan, na lahat handang handa kong ibigay kay Jendy. Na para kapag kasal na kami at nagka-anak, hindi hindi siya makakaranas ng hirap at problema.

Yun ay kung.. tatanggapin niya pang muli ako sa buhay niya.

Inayos ko ang buhay ko. Ngayon naman, aayusin ko ang pagmamahalan naming matagal ng naudlot.

Sa loob ng apat na taon, natutunan kong pahalagahan ang buhay. Dati ang pananaw ko lang, just always go with the flow, pero ngayon para sakin, ang lahat ng ginagawa ko ay may pinag-aalayan ako.

A life with purpose.

Now that I'm with success, syempre kulang pa rin yun kung ang nagsilbing inspirasyon mo ay hindi mo pa kapiling.

At napatunayan ko rin nga na totoong.. Love is so unpredictable.

Love never fails to make us happy, but it also never succeeds to make us free from pain.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita kami ni Jendy noong isang taon. Sa states, sa isang concert stadium.

Nagpasama sa akin ang kapatid kong si Remy na manood ng concert ng idol niyang si Taylor Swift. Sa pila sa concert, hindi ko inasahang matatanaw ko doon ang babaeng minsan nang kumalabit sa puso ko at magpahanggang ngayon nama’y ang siyang nagpapatibok pa rin nito. Nakapila rin siya para manood ng concert. Hindi ko na inialis mula noon ang tingin ko sa kanya. I miss her big time! Gusto ko siyang yakapin nun pero hindi ko magawa. Kasama niya kasi si Mond, at syempre asa naman akong kilala niya pa ako.

“Kuya kuya! Sinong tinitignan mo? Kuya kuya!” Remy wag kang maingay. Nako! Ang ingay nitong kapatid ko. Straight na rin siya magsalita at lalong dumaldal.

“Wala. Wala. Shhhh ka lang.”

“Si ate Jendy! Si ate Jendy yun kuya no? SI ATE JENDY NGA! ATE JENDY!” bigla siya tumakbo sa kinaroroonan nila Jendy. Kahit pala kapatid ko, hindi pa rin nalilimutan si Jendy.

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon