Kabanata 8
Angel’s POV
“Shhhh wag ka ngang magulo, baka marinig nila tayo!”
“Galingan mo naman kasi sa pagkuha ng pictures nila!”
“Oo na, wag lang kayong mag-iingay please? Ka-careerin ko na ‘to”
Ala-photographer slash paparazzi ako ngayon. At ang aking subjects? Ang Jen-Sel lovers. Tago-tago na parang mga ispiya ang drama namin ng Thugs ngayon. Capture dito, capture doon. Ayaw yata naming palagpasin lahat ng moments nila together no. Eto pala ang dahilan kung bakit ko dinala ngayon ang DSLR ko, eto pala. Magaling, magaling!
“Hala! Nagyayakapan sila oh, Hala, anak ng!” fishy na sabi ni Nick.
“Ehem, nagseselos ka ba brad?” sabi ni Lyssa.
“Hindi ah! Nag-aalala lang ako baka kung anong gawin ng Rassel na yan kay Javs!” pagtanggi pa niya. I really smell something fishy. Haha!
“Sus! Ganun na rin yun. Ikaw ah. May di ka sinasabi samin ah.”
“Umayos nga kayo. Mangilabot nga kayo sa mga pinagsasabi niyo! Si Javs? NO WAY! Saka, ikaw Lyssa, ikaw na rin nagsabing wala kang tiwala d’yan sa lalaking yan diba?”
“Oo nga, pero muka naman palang mabait sa personal eh, saka tignan mo nga, nagtatawanan pa sila habang kumakain ng Dairy Queen. Saka si Javs naman, pag ayaw niya sa isang tao eh gagawa siya ng paraan para makalayo dun. Eh ayan oh masaya naman ang Javs mo, at kung san siya masaya doon na rin dapat tayo.”
“Sabagay, di nga naman mukang manyak yang si Rassel. Mas muka pa ngang manyak si Jendy eh! Hahaha!”
“Pansin ko rin nga!” todo halakhak naman yung tatlo. Ang ingay nila my gaash!
“Ssshh! Pwede ba? Pag tayo nahuli nila dito.” Pagsaway ko sa mga pasaway.
Bumulong sila, “Oo na po. Behave na.”
Ang gaganda ko talaga kumuha ng pictures. Ang best captures ko na siguro eh yung nung sinubuan ni Jendy ng fries si Rassel. Pangalawa, yung magkahawak sila ng kamay na namamasyal. Pangatlo yung inayos ni Rassel yung sintas ni Jendy. Pang-apat naman eh yung magkayakap silang dalawa, at pang-lima eh yung masaya silang naglalaro sa iPad. Haaay, kung nakikita niyo lang ‘to ngayon. Nakakakilig talaga. Nerves!
“Ngayon na ba tayo magpapakita sa kanila?”
“Oo sige, magpakita na tayo, masyado lang tayong tatagal, saka baka matunaw na yang cake na binili natin oh!”
“Oo nga. Hindi pa naman yan masarap pag tunaw. Yung 16 candles Nick? Itusok na naten dito sa cake.”
“Oh heto, samahan niyo akong tumusok.”
“Oy! Iba yan ah. Ayusin niyo naman, sa gilid lang ilalagay. Wag niyong lalagyan yung sa may ribbon ni Hello Kitty, papangit!” parang baklang sabi ni Kit.
Asarin ko nga ‘to, “Wow, galing magdesign ah.”
“Stop the fuck up Gel.” Haha! Pikon ang gurang.
“Okay fine. Haha. Teka, handa na ba kayo? Oh Nick, kabisado mo naman siguro yung ‘Happy Birthday Song’ no?”
“Wag ka ngang epal! Anong tingin mo sakin? Alien? Tara na game”
So eto na nga. This is it. Lalapit na kami sa kanilang dalawa. Sana lang naman hindi kami makaabala sa moment nila no?
“Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Maligayang, maligayang, happy birthdaysayoooo. HAPPY BIRTHDAY JENDY!”
BINABASA MO ANG
Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)
Fiksi RemajaMadalas akong magtaka. Bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, ginagawa pang complicated? Tulad sa isang building, mayroon...