Kabanata 11
Manang Ging's POV
Nandito kami ngayon ng mga bata sa may malapit sa kusina, may kalayuan sa alagang kong si Rassel, kay Jendy, at dun sa isa pang babaeng mukang maldita. AJ daw ang pangalan.
“Oh ano manang Ging, magkano po ba pusta mo?”“Sige na manang, wag kang mag-alala. Safe ‘tong pustahan natin.”
“Haay kayo talagang mga bata kayo! Pinagpustahan niyo pa yung dalawa. Jusme! Di ba natin sila aawatin? Pero sige, singkwenta ang akin, kay Jendy ija na lang ako, mukang mabait na bata.” Ito talagang mga batang ito.
“Naku manang, bakit? Kahit ayoko sa demonyitang kapatid kong yan, magaling po yan makipag-away. Mabangis yan manang! Pwede na nga yan sa wrestling match eh.”
“Sshhhh, wag kayong maingay. Ayan na mainit na ang sagutan nila! Go Jends!”
“Onga team J.Dy tayo! Nick, Kit, mag-support naman kayo!”
“Ohh ohh sasampalin na si Javs!”
“Relax pre, ayan napigilan ni Rassel oh.”
“Pare, kapatid mo yun? Bakit ganun yun? Dapat sinuntok suntok mo yung tiyan nung nanay nyo nung pinagbubuntis yang babaeng yan eh!”
“Yun na nga eh, kaya nga naging ganyan yan. Hahaha!”
“Mga adik kayo. Oh teka, nandito na ba lahat ng pusta? Kay Jends lima kame, kay AJ isa. Walang samaan ng loob to ah.”
“Teka ija anak, pakigawing bente pesos na lang yung akin. Bibili pa nga pala ako ng gamot sa sakit sa balakang, baka mawalan ako ng pambili.” Sabi ko kay Angel ija. Nangangamba kasi ako. Sayang naman yung pambili ko sana ng gamot.
“Manang, tiwala lang. Magaling yang manok natin. Walang mintis! Jendy po tayo.”
“Teka, isa lang akong kay AJ? Di pwede yun! Dapat kahit man lang isa may kasama ako. Unfair. Kung lilipat naman ako kay Jendy edi wala nang magaganap na pustahan?”
“Oo nga, sige bilang nakatatanda, samahan na kita. Gel, dun na ako sa double-freak. Kahit sukang suka ako dun. Kawawa naman ‘tong si Jon eh.”
“I love her.” Natigil kami ng mga bata nang marinig naming magsalita si Rassel ijo.
“Mahabaging langit! May bagong minamahal na pala ang alaga ko?”
“Tignan mo nga naman. Ang bilis naman! Umamin agad tong si Rassel. Mukang talo tayo Jon.”
“Onga pre. Di ko naman akalain na mahal na ni Rassel si Jendy. Wala naman kasi yang nababanggit sakin na balak niya nang manligaw o ano. Ah ewan ko d’yan, magulo yan eh, parang buhok.. sa ulo. Hahaha!”
“Sira ka pre! Iba pumasok sa isip ko. Wahahaha!”
“Because she is my Best Friend. Kaya AJ, please respect her kung ayaw mong magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan natin. Mahalaga siya sakin, kaya sana respetuhin mo rin siya. Sobrang halaga rin ng araw na 'to saken kaya hanggat maari sana walang mag-aaway okay?!”
Ay, akala ko pa naman. Yung alaga ko talaga oh-oh. Makabili na nga lang muna ng gamot sa sakit sa balakang ko. Haay aray ko po. Maiwan ko muna dito ang mga bata.• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •
Jendy's POV
Pagkatapos ng gabing yun, nagulat ako sa sinabi ni Rassel na "I love her". Halos malaglag yung panty ko dun eh! Maluwag pa naman, masarap kaya yun sa pakiramdam hindi masikip. Nagkabati rin naman kami ni AJ, kaya lang ramdam ko pa rin na parang plastik siya eh. Tss. Ayoko pa naman ng may kaaway, pero sino ba naman kasing hindi mababanas dun sa babaeng yun? May attitude!
Super fast forward na. Bumalik na ulit kami sa condo ng Thugs after 3 months. Basta after nung bakasyon. At, 2nd year na ko! Akalain mo ‘yun?Si Rassel naman, ayun, iniwan na ako. Sobrang lungkot na lungkot nga ako eh nung sinabi niya na kukunin na daw siya ng parents niya sa states at dun na raw siya mag-aaral. Sabi ko nga eh, dito na lang siya magcollege pero sino ba naman ako para pigilan siya diba. Nakakainis, wala ng manglilibre sakin ng bongga at yayakap sakin ng super warm. Haaay. Mamimiss ko talaga yung si Rassel, sana lang diba di niya ko kalimutan. Pero kahit kakaalis lang niya nung last last month, miss na miss ko na yung ungas na yun. Haissh.
BINABASA MO ANG
Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)
Teen FictionMadalas akong magtaka. Bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, ginagawa pang complicated? Tulad sa isang building, mayroon...