Kabanata 25.1
Jendy’s POV
“Jendy, sama ka sakin mamaya, ipapakilala ko sayo si Kate. Samahan mo ako ha! Gusto kong ikaw ang unang makaalam na pumayag na siyang ligawan ko siya.”
“Ha? Osige, s-samahan kita. Naks, congrats Sel! At last, pumayag na siya. Sabi naman sayo eh, wag ka lang susuko. Sigurado ako, magiging kayo rin ni Kate. Bagay na bagay kayo.” sabi ko kay Rassel habang pinipilit na ngumiti at maging happy para sa kanya.
“Dy, sigurado ka ba talagang ayos lang say—.”
“Ano k-ka ba! Ayos lang no! Saka, matagal na yun. Diba nga sabi natin kakalimutan na natin?! Wag mo kong alalahanin, parang sira naman ‘to." sabay akbay ko na lang sa kanya para hindi maging awkward. "Basta ba, wag mo kong kakalimutan na ako ang best friend mo ah!”
Niyakap niya ako tulad ng lagi niyang ginagawa. “Salamat Dy. Never ko yung kakalimutan no! Mamaya, sisiguraduhin kong magiging magkaibigan kayo ni Kate.” Sana nga Rassel, sana nga kaya ko siyang maging kaibigan.
“Pero bago yun, baka nakakalimutan mo, may misyon pa tayo mamaya.”
“Ayy oo nga pala, yung kay Nick. Oo sige, dun muna tayo tapos pagkatapos diretcho na tayo kay Kate.”
Here at 5th floor.Pinaghandaan talaga namin ang gabing ito. Lalo na kami ni Nick. Bibigyan namin ng birthday na hindi niya makakalimutan si Lyssa.
Lahat kaming Thugs bukod kay Lyssa, si Rassel, pati sina AJ at Jon naka-ready na.
“Guys, ayos na talaga? Nick, Rassel, at Jon, yung guitars niyo ah. Angel and Kit ayos na no?! AJ, ikaw ang papalit kay Lyssa ngayon kaya galingan mo d’yan sa maracas ah!”
“Yep Jends, ok na ok na. Sunduin mo na si Lyssa sa baba. I-blindfold mo ah!”
“Osige copy! Nick ikaw, galingan mo ah. Kaya mo yan. Sige, baba na ko.”
Bumaba na ko sa 3rd floor, sa unit namin. Naabutan kong nag-aayos si Lyssa. Pinalabas kasi naming may photoshoot kaming Hash Thug ngayon.
“Tara na Lyssa. Pero kelangan mo daw magblindfold.”
“Ha? Eh bakit naman?”
“Kasi ano, kasi surprises daw ang theme nung photoshoot kaya, nakablindfold ka. Ako, ako yung kunware eh mangsusurprise kaya hindi ako magbablindfold.”
“Ahh ganun ba. Kelangan ngayon agad?! Sige na nga.” at nilagyan ko na ng blinfold si Lyssa. Buti na lng medaling utuin ang bruha.
Bago kami lumabas sa unit namin niyakap ko muna si Lyssa. “Happy Birthday bruha! Sana maging happy ka na ha. Yung gift ko sayo, mamaya na, gusto ko ako huli magbibigay sayo. Sa ngayon, magphotoshoot muna tayo saka tayo magcelebrate. Wish ko, sana mula ngayong gabi, magkalovelife ka na!” which is mangyayari na talaga. “I love you bruha! Ang tanda mo na. Eww. Haha!”
“J.Dy naman! Ang daya mo, kaya mo lang yata ako binlindfold para di ako makaiyak eh! Salamat ha. I love you rin bruha ka!”
Pagdating namin sa 5th floor, nakapatay na ang ilaw. Mga heart-shaped candles lang ang makikita mo sa paligid. Iniupo ko si Lyssa sa nag-iisang table sa gitna. Kaharap ang stage na sa ngayon eh natatakpan ng kurtina. And on my cue, eh magbubukas at magiging hudyat ng simula ng surpresa.
Tinanggal ko na ang blindfold ni Lyssa. Pagkatanggal ko, punong-puno ng pagtataka ang muka niya. “Trust me you’ll love this. Happy Birthday ulit Lyssa. Smile. GUYS READY!”
[Heart On Fire – Jonathan Clay]
♪I'm falling in, I'm falling down
I wanna begin but I don't know how
To let you know, how I'm feeling
I'm high on hope, I'm reeling ♪
And I won't let you go, now you know
I've been crazy for you all this time
I've kept it close, always hoping
With a heart on fire
A heart on fire ♪
BINABASA MO ANG
Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)
Roman pour AdolescentsMadalas akong magtaka. Bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, ginagawa pang complicated? Tulad sa isang building, mayroon...