Kabanata 33.2
Waaa. Inaantok pa ako. Sabadong sabado gigising ako ng maaga. Napuyat kasi ako lalo kagabi pag-iisip nung mga sinabi ni Franz saken. Destiny. Oo nga no, pano mo nga rin naman malalaman na destiny mo yun kung hindi mo aalamin? Aish. Minsan pro ako dun sa pananaw ko nung una, minsan naman gusto kong kontrahin. Ayy ewan!
Punong-puno rin ang aking schedule ngayon my gash!
7 am - Photoshoot with Jon ngayon for a magazine.
11:30 am - Shoot naman ng endorsement ng Milkis with Nick.
2 pm - Diretcho sa #HashThug store kasi ako ang nakatokang bumisita ngayon doon.
2:45 pm- Pupunta naman ako sa get together ng aking minamahal na fans ngayong tanghali, tapos tapos..
4:30 pm - Autograph signing kami ng Hash Thug sa MOA.
7:30 pm - Excited ako dito kasi pupunta kami ulit sa condo! Kasi nainvite ulit kaming magperform sa SATURDAY NIGHT LIVE. Nung nag-aaral pa daw kami, lagi kaming tumutugtog doon.
9 pm - pagkatapos ay direcho na ako sa last stop ko, shooting with Mond sa t.v series naming 'Dalhin mo ako sa Langit'. HAHAHAHA! Joke lang syempre. Secret na muna kung anong title, basta hindi yun.
Di pa yan tapos kasi bukas namang Sunday, may aattendan kami nina Gel, Lyssa, at Nick na Kpop Cosplay. Tapos the rest of the day tomorrow eh rehearsals na para sa concert.
HASSLE OVERLOAD!
5 am palang. Dadaan muna kasi ako sa The Academy kasi naiwan ko doon yung script ko. Shunga eh.Nagmadali akong pumasok sa faculty room, binuksan ang locker ko at.. may nahulog na papel? Oh no, Death Note? Wag naman ho!
Pinulot ko ito at binuksan at binasa ang sulat.
Babe-best, you are like time. Time doesn't stop ticking, and so my love for you.
- R.J.C
WTFudge? Who the heck is R.J.C ? And pano niya naipadala itong sulat sa locker ko?"Oh Javs, nandito ka rin pala? Oh, nakuha mo na pala yang sulat. Hinulog ko yan sa locker mo kahapon, may nagpadala kasing messenger niyan dito eh. Sino daw yan?" Ah si Nick pala ang naglagay.
"H-ha? Ah eh, w-wala lang 'to. Fan lang nagbigay. Sige Nick, una na ako ah. Kita na lang tayo sa set mamaya."
"Sige. See you Javs!"Creepy. R.J.C? The who? And mahal daw niya ako? Wow. What a great way to start the day.
Days have passed quickly, everyday merong sulat sakin si Mr. Misteryoso na si RJC. At everyday din, hindi siya nauubusan ng sasabihin sakin to express his love for me. Kinikilabutan na tuloy ako.
But I think I can connect that RJC to the guy in my dreams. Parang ang lalaking nagpapadala sa akin ng mga sulat at ang lalaking nasa panaginip ko palagi at laging bumabalik na ala-ala sakin ay iisa lang. Is it possible? Na iisa nga lang sila? Kasi last night, napanaginipan ko nanaman yung lalaking yun, and this time tinawag niya akong Babe-best. At sa lahat ng mga sulat ni Mr. RJC, tinatawag niya rin akong Babe-best. Grabe naman na kung coincidence lang 'to.
Pero kung hindi man sila iisa, at kung papipiliin ako sa dalawa, I'll go with Mr. Panaginip na kaysa kay Mr. Sulat. Ewan ko ba, I feel more comfortable kay Mr. Panaginip, everytime na napapanaginipan ko siya, ang saya saya ko.Sana nga mga past memories ko yun na muling bumabalik.Kaya nga minsan, gustong gusto ko nang matulog ng maags para makipagtagpo kay Mr. Panaginip! Bwahahaha. Mr. Panaginip, please come now to reality.
On the other hand, sweet rin naman si Mr. Sulat, yun nga lang siyempre di mo pa rin maiaalis sa akin ang kilabutan kasi bigla bigla na lang sumulpot yung mga sulat niya.
Haaay. Para akong tanga no? Naiinlove sa isang lalaki sa panaginip? At parang ang dating ngayon ay nililigawan ako ng isang Mr. Sulat. Langya, malala na nga yata ako. Pero at least, less hassle ang mainlove sa panaginip no! Haha!
Okay now, I'll open my locker nanaman. And shoot, meron nga nanamang sulat
Babe-best, handa na akong harapin kang muli. Please, meet me in—this sunset. Okay lang kahit hindi ka pumunta, naiintindihan ko, pero maghihintay pa rin ako. I'm sorry for all. Mahal na mahal kita Jendy. See you.
- R.J.CH-how did he know my name? Ngayon niya lang binanggit ang pangalan ko. Oh my! Hindi kaya siya na nga yun? Shet.
At dahil gusto kong malaman kung sino siya, I drove as fast as I can right after class. Pumunta ako sa lugar na sinabi niya.
I saw a guy standing and looking at the sunset. Shocks, ang gwapo ng likod niya. Ay anu ba naman 'to, nagawa ko pang magpantasya! Hoo, ano kayang itsura niya?I walked towards him. I stopped. I think I'm now only 10 steps away from him.
Nagsalita na ako. "R.J.C?"
Shet, haharap na siya.*Kraang*
Ay putakte! Bwiset na alarm clock ito! Panira ah?Makikita ko na yung itchura ni Mr. Sulat eh! Ayun na eh. Hay naman.
Ibig sabihin, wala pala akong Mr. Sulat ngayon sa katotohanan? Tama, kay Mr. Panaginip lang daw kasi ang puso ko.
Ay tungaks ka Jendy. Eh napanaginipan mo rin si Mr. Sulat eh, ibig sabihin Mr. Panaginip rin pala siya. Eh baka nga naman kasi iisa lang sila? Haay, ewan! Ginulo gulo ko na yung buhok ko sa sobrang pagkalito.
Pero isa lang ang nasisigurado ko ngayon.. the guy in my dreams, is the guy of my life. I love him though I still don't remember him, what's his name, what's his face, and what's his relation with me.
And mind you all, ang hirap magmahal ng isang lalaking pamisteryoso. Joke! Pano ko ba nasasabing mahal ko na agad eh napapanaginipan ko nga lang. Baka mamaya, multo lang pala yun sa panaginip ko. Or maybe a figment of my mind. Kaloka!Si AJ biglang pumasok sa aking kwarto. "Uyy girl, kain na! Tanghali ka nanaman gumising! Start na ng rehearsals niyo diba? Ano pang ginagawa mo jan?"
"Aww shet oo nga pala. I forgot. Anong date na ba ngayon?"
"Hmm wait, di ko rin alam. Haha.. Let's see here sa calendar." Kinuha niya yung phone niya. "Ahh August 6! 1, 2 ,3.. oh 72 days before your birthday!"
"Huwaw! Bilis mo naman magbilang!"
"Engineer eh.” Dila epek pa, edi siya na! Haha!
"Jendy intayin ka na lang namin sa baba!" At lumabas na siya ng kwarto ko.
Hmmm. August 6 na pala. Ang bilis. Ngayon kasi ang start ng rehearsals namin para sa birthday concert ko.
Pagbaba ko sa sala sinalubong ako ng barkada. "Good morning-noon Jends!" bati ni Kit, ngumiti ako at dumiretcho agad sa kusina kung saan naroon sila.
"Javs, may nag dumaang messenger dito kanina, may package sayo."
"Ha? Kanino galing?" teka parang déjà vu 'to ah? AY! Parang ganto yung panaginip ko ah.
"Di namin alam eh. Tignan mo na lang, andun sa mesa sa sala." sabi ni Nick na ngumunguya pa ng sandwich na isunubo ni Lyssa. Inlababo.
Package? Pumunta ako sa sala para kunin yung package. Nakabalot pa kaya binuksan ko.P-penguin? With s? Penguins? Dalawang cute na cute na penguin ang bumulaga sa akin. Wieeeee. ANG KYOT!
May note din na nakalagay.
To the girl who stole my heart.
- Babe-best
Halos matumba ako sa aking kinauupuan. Sampal sabunot combo ang ginawa ko sa sarili ko, and this time.. hindi na ako nananaginip. Totoong may nagpdala na nga sa akin ng sulat. Totoo si Mr. Sulat! Aba, at may additional pang penguin. Dalawang penguin. Taray, elegante pala 'to.
While I'm looking at the two penguins, I smiled. Kasi now I know that, the guy from my dreams is real. Nandito siya. Now do this means, we can continue our love? Chos ang drama ko. Pweh!
Anyway, I hope to see him earlier soon. Kung pwede nga lang ngayon na. Pero, tignan na lang natin. Dadahan-dahanin ko ang pagkilala sa kanya, tulad ng dahan-dahan niya ring pagpapakilala sa akin.Akalain mo ‘yun? Someone’s introducing himself to me. Seems like knocking on my door, eh? Si Mr. Sulat o si Mr. Panaginip ka man, I am sure that you are really a something to me. Someone in my life. At sana, iisa lang kayo.
BINABASA MO ANG
Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)
Roman pour AdolescentsMadalas akong magtaka. Bakit kaya lahat ng nagmamahalan, sumusuong pa sa malubak na daanan? Eh meron namang shortcut. Lahat naman ng complicated pwedeng maging simple. Eh bakit ang simple, ginagawa pang complicated? Tulad sa isang building, mayroon...