Akalain Mo Yun?

104K 982 248
                                    

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

PROLOGUE

Love is so unpredictable.

Hindi mo alam kung anong susunod na mangyayari, kung ano nga bang binabalak ng 'tadhana' kuno sayo, at kung anong plano ng L.O.V.E. na yan sa buhay mo.

Friendship is easy to catch, but it is a matter of possession that is really hard to let go.

Magkaibigan na kayo eh, sobrang close. Alam mong meron siyang mahal na iba, at kung saan siya masaya doon ka, suportahan mo, tulungan mo.

Pero bakit nung okay naman na ang lahat, everything's settled, parang masaya naman na sila, bakit parang bigla naman akong nakaramdam na nag-iisa na lang ako?

Na loner na ako. Na nagawa mo na yung part mo na tulungan yung bestfriend mo para mapasakanya yung mahal niya. Pero ako kaya?

Kailan ko rin mahahanap yung para sakin? Meron nga bang hahanapin? Meron nga bang dadating?

There is no such thing as destiny, it does not even exist. The real thing is, there are two hearts meant for each other, meant to love each other, and meant to be together.

Pero sadya talagang malupit at mapaglaro yang sinasabi ng maraming 'tadhana'. Tinulungan niya akong hanapin rin kung sino ang para sakin, tulad ng pagtulong ko sa kanya, pero ang nangyari’y tinutulungan niya rin pala ang sarili niyang mas ma-attach sa akin.

Na ang dating nakaw ko lang ng tingin, na naging laman ng isip, at naging tibok ng puso ay naging mas katotohanan lahat.

Ayoko siyang mahalin dahil alam ko namang hanggang kaibigan lang talaga. At ang pangit lang tignan na, bestfriends in a relationship?

Pero ano ‘tong sinasabi niyang siya pala ang matagal ko nang hinihintay? Na ako pala ang totoo niyang love? Na all this time nag-iintayan lang pala kami?

                                         

Akalain Mo ‘Yun?

• ˚ •˛•˚ *  • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Copyright © 2012 by pixieblaire
All Rights Reserved.

 

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon