Kabanata 1

38.9K 610 126
                                    

Waaaah! Palapit siya nang palapit! 
Hahalikan niya yata ako.

Anong gagawin ko?

1. Suntukin siya sa muka? (Naku wag. Ang gwapo niya di ko kaya.)
2. Sipain siya where it hurts the most? (Hala wag din, sayang ang future generation naming dalawa. JOKE!)
3. Hintayin lang siya?
4. Magpakipot kunware. (Conservative lang ang peg.)
5. O takbuhan na lang siya? Sabay punta sa C.R. at doon maglabas ng nag-uumapaw na kilig?

Hay bahala na nga. Di na ko nakatiis. "Uy bakit? Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin ng singlagkit ng napakalagkit na kanin. Lalo pa siyang lumapit sakin kaya magkadikit na ang mga ilong namin. Pakiramdam ko unti-unti na kong nilulunok ng lupa ngayon. Pumikit ako dahil nakakaduling na sa sobrang lapit. Ramdam na ramdam ko ang mabango niyang hininga.  

Eto na.. I’m ready.

♪ Kraaang! ♪

AY PUCCANG PANOT! Ang epal ni alarm clock. Yun na eh. Pambihira. Ang sarap ibato ng paulit-ulit hanggang sa masira at mawalan ng tunog. Sarap ipalapa sa malandi eh. Panira ng panaginip.

Dagdag pa ng kabadtripan, puyat na puyat na nga rin ako kagabi dahil sa mga assignments na yan tapos ang ingay ingay pa, though it's their purpose. Pero kahit na, pinutol talaga yung happy moment ko sa panaginip eh.

Hassle talaga. Bakit ba ganito ang buhay college? Daming chenelyn. First year pa lang ako ang hirap na, at ang malala first sem pa lang rin ‘to.

Magsisimula nanaman ang isang panibagong araw ko sa aming university. Unang taon ko dun at ang course ko ay Internal Auditing. Accountancy talaga dapat ang kukunin ko kaya lang walang direct na course na yun, kailangan i-take muna yung Internal Auditing then may option na ituloy yun sa Accountancy. Galing no? Daming echos. Biro lang. Ginusto ko ‘to eh, at kung palaring makaabot, why not? Gora! 

Mahirap, pero nasanay na rin naman ako. Nasanay na mabugbog ng pagod.

Ako si Jendy Javier. Baliw, balahura, at dyosa ng kakyutan. Praning at its finest. Singer-singeran at frustrated na artista. I’m 15 years old. Masaya na ako sa regalong Cherifer at Growee, asset ko ang legs kong maganda ang shape, makulit, artistahin (paulit-ulit lang), at higit sa lahat ayoko ng may kaaway kasi di ako makatulog. Isip bata, kahit 15 na ako feeling ko 13 pa lang ako. Pero pag mga seryosong usapan naman, matured na ako d’yan. Obsessed din ako kay Hello Kitty. Laitin mo na ako ng kahit ano, kahit pangit, balasubas, mukang paa, pandak, at kung ano pa man, wag lang malandi. Kinikilig ako, natural naman kasi yun, pero yung malandi? NO WAY. Baka gusto mong malagyan ng bubblegum ang anit ng ulo mo.

Masaya rin naman ang lovelife ko. Single kasi ako. Nagka-BF na ako? Syempre naman.. hindi pa.  At never pa rin akong nainlove. Kinikilabutan lang ako sa mga love love na yan eh. Tapos gusto ko lang, lahat masaya. 

Pagkatapos ng klase’y nagpahinga ako’t nagmeryenda. Sobrang stressed lang naman kanina dahil midterms namin. Binuksan ko ang Facebook ko para maghunting ng gwapo. Joke lang, titingin lang ng notifications.

Sa news feed ng FB ko, biglang bumulaga ang status ng aking crush. Haha harot. Pero abnormal daw naman kasi ang walang crush. Natural na ngang siguro.

Hindi ko naman totally crush ito, parang admire lang, nagwapuhan ganyan. Hindi ko naman kasi talaga siya kilalang kilala. A total stranger siya para sakin. Ang alam ko lang eh ang pangalan niya, na gwapo siya, gwapo siya, at gwapo siya.

Paano ko nga ba siya naging crush at nalaman ang name niya?

At some time nung August, may nag-add saken sa FB. Hindi ko naman na tinitignan yung profiles ng mga nag-aadd sakin kaya accept lang ako nang accept. Friendly eh. Biglang may nag-chat. Teka, sino na nga ba to? Ah, eto yung nag-add saken kanina.

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon