Kabanata 9

17K 286 49
                                    

Kabanata 9

Nick’s POV

“Ohh kalma boy, ang puso mo baka malaglag, di ko yan masasalo. Hahaha. Aish sino ba naman kasi tong tumatawag.”

Parang nabasag yung eardrums ko dun kahit mahinang sabi niya langg yun. Parang sumabog rin yung pantog ko dun. At parang pinana yung ulo ko pero nakaiwas ako tapos yung puso ko ang natamaan.

Ewan ko ba, nung mga nakaraang araw eh nakakaramdam ako ng kung anu-ano lalo na kay Jendy. Tss, di ko akalain. Pero siguro wala lang ito. Joke lang to ng sarili ko. Nainis ako sa sinabi ni Javs saken, lalo na nung malaman kong si Rassel pala ung tumatawag sa kanya. 

“Edi sagutin mo na! Punyemas naman, babatukan ko talaga yang si Rassel pag nakita ko ulit yan!”

At humiga na ulit ako at nagtakip ng unan sa muka. Haaay, talagang makakatikim sakin yang si Rassel pag nalaman kong pinaglalaruan niya lang si Javs. Makatulog na nga lang. Mawawala din ‘to bukas. Tama, tama.

• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ • 

Jendy’s POV

Nandito kami ngayon sa Starbucks ni Rassel, pa-frappe frappe. Hihi!

"Oy Rassel! Kelan ka pala ga-graduate?"

"March syempre! Lahat naman ganun diba? Alangang July?"

"Aba natututo ka nang sumagot sagot ah. Apir tayo d’yan! Magandang improvement yan, at nakakataba ng puso na may natututunan ka saken." Binatukan niya ko.

"Oh pati yun, marunong ka na! Kahapon lang tayo nagkakilala at naging friends pero ang galing mo na. Very good talaga Rassel."

"Hahaha sira ka talaga! Babae ka ba talaga?"

"Wow mag-doubt ba naman? Baka gusto mong patunayan ko sayo? Ano ha?"

"HAHAHA! Bakit parang mali?! Oh sige nga pano mo naman papatunayan? Hahalikan mo ako?”

"Ah ganun! Gusto mo talagang makatikim no?! Halika dito, hahalikan kita ng walang humpay hanggang sa mawalan ka ng labi at pumangit ka!" seryoso ako. Joke! 

"Woo katakot naman yan. Sige na ikaw na panalo. Pero mamaya na lang yung kiss ah, madaming tao dito. Wag tayong PDA."

"Sira ka! Pero seryoso na, honor student ka ba?"

"Bat mo natanong? Ahm oo, top 2 ako nung unang grading period pero dahil nagloko ako at pa-absent absent nung mga nakaraan eh naging top 8 na lang."

"Aww saklap. Ang shunga mo naman, one step to the top ka na pinakawalan mo pa, at nalaglag ka pa."

"Yun nga eh, sayang."

"Eh kasi wag mo munang intindihin ang kung ano ano pati yang si Kate mo. Graduating ka dre, mag-aral kang mabuti." sabay higop nung whip cream. Ubos na yung frappe eh.

"Parang ikaw pa yung bumaba ah? Affected masyado! Bakit, ikaw top ka rin ba nung grumaduate?"

"Ahmm, oo."

"Wow ano?"

"Ah eh. Ano, nakakahiya eh wag na."

"Ano nga?"

"Sige na nga.. top 1."

Nagulat naman siya at biglang tumawa "WEH? Valedictorian ka?"

"Mahirap man paniwalaan pero oo. Tanong mo pa kay Nick, salutatorian ko yun samin eh. Wala lang sa muka ko, muka kasi akong tatanga tanga. Hahaha." Totoo naman kasi. Wala akong ganun ka-confidence sa sarili ko. Self-esteem ba.

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon