Kabanata 22.2

12.6K 216 17
                                    

Kabanata 22.2

Alam niyo yung feeling na gusto mo na siyang hawakan sa bewang at yakapin ng mahigpit at amuyin yung leeg niya at halikan siya sa pisngi, sa ilong, sa noo, sa labi, sa lips, sa labi, sa lips at sa lips ulit? Alam niyo ba yung pakiramdam na ganun? Kasi kung hindi pa… SOBRANG HIRAP MAGPIGIL! Look, lalaki ho ako, may mga bagay na alam mo na, kapag umiral mahirap ng i-control at mga bagay na kinakailangan ko rin naman kahit paminsan-minsan lang.

“Rassel, galaw galaw naman! Saka bat parang di ka nahinga? Bakit ba?” nilapitan niya ko. Medyo lumayo naman ako sa kanya baka kung ano pang magawa ko eh.

“H-ha ah wala wala.”

“Eh bakit di ka makatingin sakin? Saka, bat ka lumayo ng upo? Dito ka nga lika dito, para ka talagang nasisiraan na ng pag-iisip!” OO NASISIRAAN NA TALAGA AKO! AT BAKA MAMAYA EH MADALAW NIYO NAKO SA MENTAL! 

“Ahm ano kasi... wala nga. Sige na magpatuyo ka lang d’yan.”

“Sus! Anong problema ha?” hinawakan niya ko sa muka at tinapat sa muka niya, face to face kami ngayon pakingshet!

“Wu-wala nga Jendy naman. Natahimik lang may problema agad?”

“Gaya gaya ka naman ng dialogue eh!” hindi ako kumibo dahil feeling ko nanigas na ako. Hindi ko malaman ang gagawin. Bakit pa kasi sumama ako sa kanya dito gayong alam kong kaming dalawa lang.

“Rassel? Anyare sayo? Teka nga, bakit ka pinagpapawisan? May lagnat ka ba?” hinawakan niya yung noo at leeg ko, chineck kung may lagnat nga ba ako, at para naman akong nakuryente nung hinawakan niya ako. “Nyek, wala ka namang sakit eh.”

Bigla naman siyang nag-evil smile? “Rassel, may masama kang iniisip saken no?” Napalunok naman ako dun. 

“H-ha wala ah! Wala nga! Wala nga sabi eh!”

“Hahaha! Eh bakit todo ka magdahilan d’yan? The art of being defensive and guilty. Chill lang. Ang init no? Gusto ko na ngang maghubad eh, okay lang ba Sel?” nag-super evil, grin, smile, smirk siya. Lahat na. Shet.

“Ohh teka h-huwag Jendy. W-wag uy.”

“Hubarin ko na ah?” pinagkakatuwaan nanaman ako ni Jendy. Huhuhu! Bakit nagawa pa niya akong asarin?

“Jendy kasi wag! WAG! WAG SABI PLEASE WAG!” bigla kong nakita si baby Pepe. “Saka si baby Pepe oh, bata pa siya makikita ka niyang nakahubad” sabi ko na lang.

“BWAHAHAHAHA! Nagha-hyperventilate ka Rassel. Natutukso ka no? WAHAHAHA! Grabe, kaya ko palang manukso?! Wow!”

Nang biglang.. nagblack-out. Napalunok ako ng malupit. 

“Uwaaaa ang dilim! Ang dilim!” napatalon siya saken at napakapit yung braso niya sa leeg ko. AS IN BUHAT BUHAT KO NA SIYA. Nakaupo siya sa lap ko at nakahawak naman ako sa bewang niya. ETO NA NGA BA ANG SINASABI KO EH! ETO NA NGA! Pero hindi, kaya ko ‘to. Wala akong gagawin kay Jendy dahil nirerespeto ko siya. Kahit halik di ko siya hahalikan. Pramis peksman!

“Malamang Jendy, nagblack out eh.” Di ko alam kung saan siya nakaharap kasi wala talaga akong makita, pati siya. Black na black out talaga.

“Wow ah binabar—.”  

Our lips met. Shit. Siguro nung biglang humarap saken si Jendy hindi niya alam na muka ko na pala yun paglingon niya.

Aalis na sana siya sa halik pero pinigilan ng traydor kong kamay. Bakit di ko makontrol yung kamay ko?! Hinawakan ko ang pisngi ni Jendy kaya di siya nakaalis. I’m kissing her sa way na alam ko, yung natutunan ko sa ferris wheel na gentle, soft, at mabagal. It’s the best way of kissing believe me.

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon