Kabanata 15

15K 250 17
                                    

Kabanata 15

Lyssa’s POV

Si Nick pumasok na sa room. “Oh ang saya mo ata?” 

“Oo panget, sobra!” Ang laki ng mga ngiti niya. Sarap ipinta at idisplay sa exhibit. 

“Dali share mo sak—HOY ibaba mo nga ako! Oy Nick baliw ka ibaba mo ako!“ Buhatin ba naman ako ni Nick at umiikot ikot? 

“Sorry ang saya ko lang kasi. Magsaya ka na lang rin d’yan para saken.”

“Halata nga fre! Bakit ka nga kasi masaya ha?”

“Mahal daw ako ni Jendy.”

“ANO?” Boom. Totoo nga. Tulad ng narinig ko kanina sa labas ng kwarto namin. Nagsabihan sila ng ‘I love you.’

Mukang di naman na ata kailangan ng tulong ko ni Nick eh. Si Jendy talaga, malihim. Ni hindi man lang nagsabi saken, akala ko Rassel forever siya. Bakit ganun. Teka, bat ako nalulungkot eh dapat masaya ako diba?! 

“Ang totoo niyan, nagde-daydreams lang ako. Ako ang nagsabi sa kanya ng ‘I love you’. Eh nagulat siya, kaya tinanong niya ko ng ganito" nag-acting pang parang siya si J.Dy.

"‘Ha? I Love You?’ kaya sinagot ko siya ng ‘I love you too’. Kaya ang dating sa kanya, joke ko lang yun. Haay Lyssa. Ok sana kung totoo na eh. Matulog na nga lang tayo. Good night panget!” sabay gulo sa buhok ko at higa sa kama niya.

“Sige matulog ka na nga. Panget ka rin!” sa kabaliktaran.

Di naman pala. Kinabahan ako dun. Teka, bakit parang ang saya ko bigla?. Masama ‘to. Tinamaan na yata ako. Shocks! 

“Uyy Lyssa! Bilisan mo panget, baka di natin sila maabutan niyan eh!” Nandito kami ngayon sa fair. At grabe lang, makapanget wagas? Makapagmadali parang walang bukas? Kung di ko lang ‘to mahal di ko ‘to pagtiya-tiyagaan eh.

Anong sabi ko?! Mahal? Erase Erase. Grabe, nanuno ata ako, kung ano ano naiisip ko at lumalabas sa bibig kong ‘to. Hooo.

“Opo master. Bibilisan na.”     

Nagmamadali kami ngayon ni Nick. Stalker lang naman ang acting namin ngayon. Sinusundan namin sina J.Dy at Rassel sa kung saan sila pumunta dito sa resort. Lakad lakad, tago dito, tago d’yan. Ang hirap.

Pinaopen na nga rin pala nila Rassel sa public itong resort, dahil na rin napagdesisyunan naming lahat na mas masaya kapag maraming nakikitang tao. Na mas masaya rin pag nakikihalubilo ka sa iba. Sawa na daw kami sa pagmumuka ng isa’t isa, pero ako, kay Nick lang hindi. Joke.

Ang daming pailaw dito. Ang dami ring mga batang naglalaro, may mga couples rin dito kainggit. Marami ring bilihan ng kung anu-ano, kahit san ka lumingon meron. Parang Timezone nga eh na nilagay sa beach. Dami ring pagkain. Pero sa halip na matuwa ako, naiinis lang ako. Bakit? Kasi lahat ng bilhin ni Nick para kay J.Dy, bigla na lang naming makikita na binilhan na siya ni Rassel kaya ang nangyari, saken na lang napapapunta yung mga binili ni Nick.

Tulad nung cotton candy na kulay green, yung stuffed toy at eye glasses at bracelet na puro hello kitty, yung wallet na domo, yung guitar pick na hindi ko naman alam kung anong gagawin ko dun dahil hindi naman ako naggigitara, yung cute na slippers, yung casing ng Samsung Galaxy Young na hindi ko rin magagamit kasi naka iPhone 4s ako, yung unan na natitiklop, yung mini fan na pambata, at marami pang iba!

Grabe. Buti na lang may dala akong bag mailalagay ko pa lahat ng yan at maitatago ko sa kanila. Ang masaklap pa, nagmumuka na nga akong alalay, muka na rin akong pangtira-tira. Ang sakit. Ano pa bang magagawa ko? 

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon