Kabanata 19

13K 233 22
                                    

Kabanata 19

Kinabukasan, nakita ko si Lyssa sa ilalim ng puno sa buhanginan, nag-iisa. Mukang malalim ang iniisip. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para kausapin ko siya.

"Uyy LayLay! Kumusta?" lapit ko’t sabay upo sa tabi niya.

"Oh J.Dy! Ayos naman ako. Ikaw?"

"Ayos lang rin. Kelan paba hindi. Eh bakit pala nag-iisa ka? Mukang may iniisip ka ha! Ayieee, sino yan? Ha? Share mo naman saken! Daya mo, tagal na nating di nagsasabihan ng sikreto."

"Ngek! Wala naman akong ishe-share eh. Ako may iniisip? Wala ah! Asa!"

"Sus. Sigi, sabi mo eh."

Katahimikan. Nakatingin lang kami sa payapang dagat.

Hanggang sa napagdesisyunan ko ng itanong sa kanya na, "Lyssa, mahal mo si Nick no?" Halatang gulat na gulat siya sa tanong ko. Pero umiwas din siya ng tingin agad saken.

"Ha? Ano? Si Nick? H-hh-hindi ah!"

"Eh bakit ka nauutal? Lyssa, alam ko yun. Nararamdaman kong mahal mo si Nick. Sigurado akong hindi niya alam. Bakit hindi mo na lang sabihin kay Nick?"

"Nasisiraan ka ba? Bakit ko sasabihin? Nakakahiya naman yun!"

"Huli ka. Sabi ko na nga ba eh."

"Aww shocks! Mali. Joke ko lang pala yun J.Dy. Kalimutan mo na."

"Wala na, touch move na. Wala ng bawi. Ano ka ba Lyssa, wag kang mahihiya, kapag may mahal ka dapat singtigas ka ng earth's crust. Lahat handa mong gawin para sa mahal mo. 

Sa love, ang umatras talo. Dapat go lang nang go. Hamakin mo ang lahat for love. Once your heart starts beating for a person, never think twice to let go because love is not meant to be wasted. Minsan ka na nga lang mainlove eh diba tapos hahayaan mo lang na masayang.

True love is rare, if you'll ignore it, you'll regret it. Alam mo Lyssa, natutuwa nga ako sayo eh, kasi natutunan mo ng magmahal. At konting tumbling na lang sobrang posibleng mahalin ka rin niya."

"Salamat J.Dy ah. Pero, hindi ko naman siya mapipigilan kung may iba siyang mahal."

"ANO? May ibang mahal si Nick? Sino? Sinabi niya sayo? Ayos yun ah. Di man lang nagsasabi. Actually, pareho kayong dalawa, malihim. Bagay nga kayo!" Tumahimik nanaman si Lyssa. I understand her. Sabagay, mahirap nga naman kasi kapag one-sided love. Nick naman kasi eh, ang arte, andyan na nga si Lyssa, naghahanap pa rin ng iba? Tch.

"Don't worry Lay. I will find a way. Ako ang magiging cupid niyo. I'll assure you that."

Pagsapit ng gabi, nandito kami ngayon ni Nick-knacks sa likod ng rest house. Sa open garden. Nakahiga kami sa damuhan, at nanonood ng mga stars sa kalawakan.

"Ang ganda ng mga stars no." 

"Oo nga. Parang ikaw lang."

"Mas cute ako sa kanila. Tsk."

"I know. Haha. Javs, may sasabihin ako sayo."

"Yep, ano yun?"

"Wag kang magagalit ah."

"Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi baka layuan mo ako pagkatapos eh."

"Tss. Di nga. Pramis. Ano yun?"

"Javs, mahal daw kita."

"Ha? Sino nagsabi? Ayos ah. Daw?"

"Sabi ko.  Nahiya lang ako. Sensya."

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon