Kabanata 4

21.2K 347 29
                                    

Kabanata 4

Kit’s POV

“Hey guys, you all ready? Galingan natin. Kaya natin ‘to. Go go go! Yung pinractice natin, mas itodo niyo pa this time okay? Lalo ka na Jendy, give your best shot. Wag kabahan. Nandito lang kami, take away your worries.”

Nagsimula nang magsalita yung MC, "Good evening,  angels and gentlemen! I now finally welcome you to the very much awaited and our very first.. Saturday Night Live!"Nagkaroon naman ng isang wagas na sigawan at hiyawan ng mga estudyante.

"Now that’s a massive response! Kaya naman hindi ko na papatagalin pa ito. To start with, let’s all prepare a round of applause to the, Hash Thug Band!”

6 days ago, nung nagpa-Welcome Party ang aming condo, nakaisip kami ni Gel na mag-organize rin ng ganong klaseng event at nauwi nga kami sa SNL o Saturday Night Live na tuwing sabado syempre, kitang-kita naman.

Nung nakaraang Wednesday naman, pinatawag ko lahat ng singers, dancers, performers, para igrupo-grupo sila. Sa dancers, hinayaan ko na silang magdecide kung pano ang magiging groupings. Sa singers naman, pinakanta ko sila isa-isa para makita ko talaga kung sinong gagawing Head Singer or Vocalist na magiging part ng band ko na nung time na yun eh ako pa lang ang member. Syempre naghahanap pa kasi ako. At para fair, pinaboto ko lahat nung mga nakinig sa kanila.

Si Jendy, ang kinanta niya nun eh yung, “Nag-iisang Bituin” ni Angeline Quinto! Hayuup! Nung una nagpipigil ako ng tawa kasi, si Jendy? Seryoso? Kakanta ng ganung kanta? Pero sheet of paper lang, ang galing pala talaga niya. Sa liit niyang yun, san kaya nangagaling boses nun? At di nga ako nagkakamali dahil siya ang napiling head singer. Yung mga natira naman, ginawa kong meron sa blending of voices, meron ding yung parang divas ang dating, meron ding pang-minus one, etc.

Kaya lang ang naging malubhang problema ko nun, kulang kami sa mga marurunong tumugtog ng instruments. At sa di ko inaasahang pangyayari, eh napilitan akong pag-auditionin ang mga halimaw kong roommates.

Mamaliitin ko na sana sila eh, pero nagkamali ako. May talent rin palang tumugtog ang mga balahurang ‘to.

Jendy – guitar and vocals (si lead vocalist, mantakin mo yun?)

Ako – drums (pero pwede rin akong mag-guitar pag ayaw ni Jendy at pag di nman kelangan ng drums.)

Angel – keyboard               

Nick – beatbox (may drums na nga, may beatbox pa. Haha!)

Lyssa – maracas (hahahaha! Wag maliitin yan, mahirap kaya yan. Kasi ano, ahm, kelangan sabay rin sa song depende sa blendings ng band nyo. Oha!)

“Okay, buo na ang ating banda! Galingan nten ah!” sabi ni Nick.

“Sus, beatbox ka lang naman eh. Maririnig ba yun eh may drums naman? Tch” sabi naman ni Lyssa.

“Hahaha! Nakakatawa ka talaga no? Sino kayang maracas saten?" pang-aasar ni Nick.

“Leche ka! Pag ikaw talaga nagkamali ng beat, pagtatawanan talaga kita.” ganti naman ni Lyssa.

“Ehem ehem, lead singer here.” mapalokong sabi ni Jendy. Kinotongan nga namin. 

“Teka, may band na nga, pero anong name ng band nten?” tanong ni Angel.

Akalain Mo Yun? (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon