~Chapter 05~~Len~
Humihikab na pumasok ako ng banyo para maligo. It's 6 am palang ng umaga pero nagising na ako dahil sa tunog ng alarm clock na seneat ko kagabe.
It's Monday at alam niyo na kung anong meron ngayon. Well kung hindi niyo alam ipapaalam ko sa inyo pero later na.
Tulog pa ang diwa ko nang pumasok sa banyo pero nawala iyon ng maramdaman ang katamtamang lamig ng tubig na dumadaloy sa katawan ko.
Hindi pa sana ako babangon kanina dahil sa sobrang pagod na naramdaman dahil maraming customers kahapon ang restaurant dahilan kung bakit wala akong oras na magpahinga ni pag bisita nga or pag puslit lang sa VIP section hindi kona nagawa kasi sunod sunod na iyong order na dumadating kaya naman nag pa sundo nalang kami pagka uwi namin.
Matapos kong maligo kaagad na Inabot ko iyong bath robe at sinuot sa katawan ko.
Pagkalabas ko nang banyo nadatnan ko ang Isang katulong namin na ina-ayos ang uniform ko sa kama.
"Ma'am Len heto napo ung uniform mo tapos nandiyan narin po ang gagamitin mong school shoes. Tapos pinapasabi ng Mommy mo na bumama ka na daw pag katapos."
"Sige ako nang bahala dito salamat"
Kaagad naman siyang nag excuse sakin at lumabas ng kwarto ko.
Nag blower muna ako ng buhok para matuyo bago tinungo ang closet para kumuha ng underwear at Isang cycling shorts panloob na kaagad ko namang sinuot at sunod naman na sinuot ko ang white long sleeve then ang skirt na hindi aabot ng tuhod ko ang haba.
Sunod na inayos ko ang necktie na kulay red na may stripes color na black and white na kapares sa kulay ng skirt ko.
Matapos kong maayos ang necktie sunod na sinuot ko ang black coat na may linings na white sa bawat edge nito na cocompleto sa uniform namin and charan!
Makikita rin sa coat namin ang logo ng school ganun din sa white long sleeve at sa necktie na suot namin.
Mayaman ang school kaya maraming ka artehan.
But wait may last part pa at iyon ay ang black long sacks na may design na white three lines sa bandang tuhod.
Naupo ako sa kama para ma isuot iyon.
Bago lumabas ng kwarto syempre sinuot kona ang school shoes ko then nag lagay narin ako ng light make up sa mukha ko bago bumaba.
"Good morning Daddy Good morning Mommy"
Bati ko sa kanila pagkapasok ko ng dining room at humalik sa pisngi nila.
"How's your sleep?" Dad na nagbabasa ng news paper as always habang humihigop ng kape.
"Maayos naman kaya lang ina-antok parin ako." Sabi ko habang inaayos ang table napkin sa hita ko.
Nag pasalamat naman ako sa katulong namin na nag lagay ng fresh orange juice sa baso ko.
One thing is hindi ako nahihiyang mag sabi ng thank you sa katulong namin kasi sinanay ako ni Mommy.
"I'm so sorry baby kasi pinag trabaho ka namin. It's for your own good naman and I have a reason for doing that you need to socialize sa iba para hindi ka mahiya. Years from now me and your Dad will train you to manage our business so don't be mad at us ha" Mommy na malambing na nagpapaliwanag sakin.
"Don't worry Mom I understand. I know it's was my fault. Mahirap at nakakapagod ang trabaho pero nag enjoy naman po ako."
Whaaaa! hindi na talaga ako mag papahuli next time.
BINABASA MO ANG
My Actor (COMPLETED)
FanfictionLen is a spoiled by love of her family lahat ng nanaisin niya ay nakukuha at lahat ng gugustuhin niya ay napapasakanya. Lahat ng attention ay nasasakanya hanggang sa dumating ang Isang tao na never siyang tinapunan ng attention. Eugene is an famous...