LEN'S POV
Buong magdamag akong umiyak sa Condo. Umuwi kaagad ako pagkatapos ng nangyaring iyon.
Zack wanted to talk to me pero pinagtabuyan ko siya. Mike, Daniel , Hoper and Alle. Silang lahat pinag tabuyan ko. Gusto kong mapag isa. Gusto kong dibdibin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Naging selfish ba ako? Kasi sarili kolang ang inisip ko. Hindi ko siya hinayaang mag explain. All I care was myself. Iniisip kolang na nasaktan ako na ako ang naging kawawa na ako ang niloko.
Hindi ko man lang naisip na may pinag dadaanan din siya na mahirap din ang lahat sa kanya.
All I think was myself!
Humagulgul ako ulit sa pag iyak. Niyakap ko ang unan ko hanggang sa nakatulugan kona lang ang lahat ng iyon.
Kinaumagahan hindi ako pumasok nanatili lang ako sa condo at nag mukmuk. I don't feel going outside.
Iniisip ko ung sinabi niya na babalik na siya ngayong araw.
"Len wala kabang balak na pigilan si Eugene?" Hindi ko pinansin si Alle sa halip humalukipkip lang ako sa kama.
"Oh ano daw?" Dinig kong boses ni Hoper ng tanungin niya si Alle pagkalabas ng kwarto ko.
"Ayaw magsalita eh"
"Sige hayaan mona natin siya." Zack at sinara ang pinto ng kwarto ko.
Sa ilalim ng kumot nagsimula nanaman akong umiyak.
Hawak hawak ko ung keychain na binalik niya sakin at iyong keychain ko.
Makalipas ang ilang minuto dinalhan ako ni Hoper ng pagkain na kaagad kong tinanggihan.
"Len, kahapon kapa hindi kumakain. Hwag naman ganito oh."
"Ayoko talaga Hoper pasensiya na" sabi ko sa kanya at nag talukbong ulit ng kumot.
Silang tatlo nalang ang nanatili dito sa tabi ko dahil sinamahan ni Daniel si Eugene pauwi ng Pilipinas.
"Oh ano?" Boses iyon ni Alle
"Ayaw parin talaga." Mababakas sa boses ni Hoper na parang disappointed siya.
Magsisimula nanaman sana akong umiyak ng hinila ni Alle ang kumot ko.
"Ano ba Len?! Buong araw ka nalang bang ganito? Mag mumukmuk at iiyak? Maawa ka naman sa sarili mo! Isipin mo naman kaming mga kaibigan mo na nandito para saiyo."
"Alle kasi-"
"Kasi ano? Una pinagtabuyan mo ung tao! Nung nag effort para mapatawad mo pinagtabuyan mo parin! Tapos ngayon iiyak ka na parang ikaw pa itong dehado. Hindi lang ikaw ang nahirapan Len! Hindi lang ikaw ang nag dusa! Wala ka doon ng mga panahong sinisisi niya ang sarili niya! Wala ka ng mga panahong down na down na siya! Kung ikaw ang sarap ng naging buhay mo dito pwes para sabihin ko saiyo! Nagdusa lang naman ng limang taon si Eugene! na depressed siya at muntik nang magpakamatay! Tapos ikaw anong ginagawa mo dito? Sinisikap na kalimutan ang taong nabaliw na saiyo. He's life was hell ng wala ka! Len! Mabuti nalang at nandoon kami para tulungan at damayan siya kaya hwag kang umiyak diyan na parang ikaw pa itong nag dusa ng husto!"
BINABASA MO ANG
My Actor (COMPLETED)
FanfictionLen is a spoiled by love of her family lahat ng nanaisin niya ay nakukuha at lahat ng gugustuhin niya ay napapasakanya. Lahat ng attention ay nasasakanya hanggang sa dumating ang Isang tao na never siyang tinapunan ng attention. Eugene is an famous...