🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 09😎

8 2 0
                                    

~Chapter 09~

~Len~


Saktong pagkauwian kaagad na tumakbo ako palabas.

"Hey! Len uwi kana? Paano ang gift natin kay Ken? Hoy"

Sigaw sakin ni Alle ng mapansin akong papalabas na.

"Ikaw nalang muna ang kumuha."

Sagot ko sa kanya.

"At staka pakisabi sa kanya bukas ko nalang kukunin ung sakin. Bye!"

Pahabol ko pang sigaw at kumaway pa ng patalikod sa kanya.

Pagkababa ko ng building kaaagd na tinungo ko ang parking lot at hinanap ang kotse niya.

Hindi ako ng nagdala ng kotse ngayon kasi makikisabay ako sa kanya.

Kaninang umaga sinadya ko talagang makisabay sa kung sino mang pinsan ko ang mapadaan sa bahay kaya ngayon hindi ako sasabay sa kanila kasi kay Venx ako sasabay.

Ang ganda ng plano ko diba? Sana lang talaga hwag na niya akong hilain palabas ulit ng kotse niya katulad ng ginawa niya kahapon kasi wala akong balak na sumakay ng taxi.

I hate taxi maniwala man kayo at sa hindi.

Nang mahanap ko kung nasaan ang kotse niya napangiti ako at kaagad na lumapit doon.

Sumampa ako sa hood ng kotse niya habang nag hihintay sa kanya.

Nauna kasi ako sa kanyang lumabas ng classroom para mauna ako dito kaya lang ang tagal ng Lolo niyo. Mabagal yata mag lakad.

"Len!"

Napalingon ako sa tumawag sakin at namataan ko si Ken na papasok ng kotse niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya na pasimpleng tumitingin sa relo ko.

"Nasabi sakin ni Alle na bukas mo nadaw kukunin ang gift ko saiyo. Teka hindi ka paba uuwi? Ano sabay ka sakin?"

"Na ah! May hinihintay ako" sabi ko kasabay ng pag tap sa hood ng kotse na inuupuan ko.

"Ahhh...Sige una na ako saiyo"

"Bye bye" Kumaway ako sa kanya at kaagad naman na umalis ang kotse niya.

Nadaanan din ako ng mga pinsan ko na pilit akong pinapasakay sa kotse nila pero ayaw ko talaga.

Nag hintay na rin lang naman ako ng matagal kaya susulitin kona para naman may sense ang pananatili ko dito ng matagal.

Pagakalipas ng matagal na minuto hindi lang minuto kasi oras na doon namataan ko na siyang naglalakad patungo dito.

"Finally dumating ka narin."

Sabi ko kasabay ng pagpatunog niya sa kotse niya. Umalis ako sa pagkakasampa sa hood ng kotse niya bago humarap sa kanya.

"Anong ginagawa mo diyan?" Takang tanong niya at pinasok sa back seat ang bag niya.

"Hinihintay ka"

Maikling sabi ko at tinungo ang kabilang pinto ng kotse niya at binuksan iyon.

"Lock?"

Reklamo ko ng hindi ko iyon mabuksan.

Napatingin ako sa kanya at nakikiusap na buksan niya ung pinto.

"Pasabay. Wala na kasi akong kasabay na umuwi eh."

"Ayoko" Sabi niya bago pumasok ng kotse niya.

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon