🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 17😎

8 2 0
                                    

~Chapter 17~

~Len~


SECONDS, Minutes, Hours, Days, Weeks, and Month na ang lumipas magmula ng araw na umalis siya at hanggang ngayon ay hindi parin siya bumabalik.

Araw araw ko siyang hinihintay na pumasok sa pintuan ng classroom namin pero walang siya na pumasok.

Araw araw kong hinihintay ang pagbabalik niya pero walang siya na bumalik.

Isang buwan na siyang absent at kung itatanong ko naman sa teacher namin kung bakit absent si Venx wala silang maibigay na tamang sagot.

Nakakainis narin minsan pero wala akong magawa kundi ang mainis mismo sa sarili ko kasi ako naman talaga ang dahilan kung bakit siya tinukso ng ganun at the same time galit din ako sa mga kaklase ko na tumatahimik nalang kapag nakikita ako.

Nag pakawala ako ng malalim na hininga habang naka pangalumbaba sa inuupuan ko.

Nasa keychain lang ang paningin ko at pinakatitigan ko iyon. Pinagmamasdan ko ung mukha ng nerd na emoji na nakangiti. Kahit masungit at suplado siya sakin still namimiss ko parin siya.

Kailan kaya siya babalik? Hindi kaya lumipat na siya ng Ibang school at Iniwan ako dito mag-isa? Hindi niya naba gusto na maging kaibigan ako?

Inaamin ko na kahit ganito ang ugali ko marunong parin naman ako magpahalaga ng mga taong malapit sa puso ko. Hindi ko kasi gusto na baka balang araw mawala nalang sila at basta nalang ako iiwan.

Puno naman ako ng pagmamahal galing sa pamilya ko, lahat nakukuha ko at lahat kilala ako kaya hindi na ako naghahangad pa pero ng makilala ko si Venx parikamdam ko hindi lahat nakukuha ko kaya mas na ingganyo ako na makipagkaibigan sa kanya. Hindi para patunayan na lahat ay nakukuha ko kundi dahil sa nakuha niyo ang attention ko.

I don't give attention to others easily kaya ganun nalang ang ipinagtataka ko kung bakit nakuha ng Isang kagaya niyo ang attention ko in the first place. Malamang siguro dahil sa ugali niya.

Kasi para sakin napaka totoo niya hindi katulad ng iba na nakikipag plastikan sakin para lang maging kaibigan ako ung iba naman papansin. Kaya nung araw na tinarayan niya ako doon ako mas lalong na amaze.

"Alam mo kung hindi lang kita kilala malamang tumawag na ako sa mental para I report ka"

Nabaling ang attention ko kay Alle na nakapanghawakang nakatayo sa harap ko.

"Problema mo?"  Inirapan lang niya ako bago naupo sa upuan ni Daniel.

"Alam mo bestfriend ok lang naman na ma miss mo si Venx kasi namimiss rin namin siya pero malala kana eh. Para kang baliw na minsan sisimangot tapos ngingiti. Sigurado kabang wala kayong relasyon ni Venx?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Paano naman kami magkakaroon ng relationship kung puro pagsusungit ang pinakita sakin nun." Napasimangot ako ng maalala ung mga pagsusungit niya sakin pero sa kabila ng pagsusungit niya sa halip na ikainis ko ikinatutuwa kopa iyon.

Naalala kodin ung mga times na sobrang lapit namin sa isat isa na naging dahilan kung bakit bumibilis ang pintig ng puso ko.

Napahawak ko sa dibdib ko at pinakiramdaman ang pintig ng puso ko. As usual kapag na aalala ko siya nag wawala na naman ang puso ko.

"So ini-expect mo nga! Oh! Ano iyan? Umamin ka nga sakin bestfriend" bumalik ang attention ko sa bag ko kung saan nakasabit ang keychain na napanalunan namin last month.

"Ano naman ang aaminin ko saiyo?" Pinagdiskitahan ko ung emoji na nakasabit sa bag ko at doon itinuon ang pansin.

"Do you like Venx?" Mahinang tanong niya na sapat lang para marinig ko. Napatigil ako sa ginagawa ko at takang napalingon sa kanya.

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon