🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 23😎

6 1 0
                                    


LEN'S POV


Nagtaka ako ng makitang inihatid ni Hoper si Alle sa classroom kung kayat panay ang tuksuhan at sigawan ng mga kaklase ko.

Pagkalapit niya sa upuan niya mabilis na hinila ko siya patungo sa upuan ko.

"Hoy! Ano iyon ah! Kailan pa kayo nag kasundo ng pinsan kong iyon? May hindi kaba sinasabi sakin Alle?"

Tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa gilid kung nasaan si Daniel bago hinila ako palabas ng room. Tumigil kami sa gilid at hinarap niya ako.

Hindi siya nag salita kung kayat tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano tinangay naba ni Hoper ang bunganga mo kung kayat natahimik ka diyan?" Tanong ko na ikinapula niya. Hmm... something's not right here.

"Nag usap kami ni Hoper nung isang araw?" Panimula niya.

"Tapos?"

"He wants to help me with Daniel"

"Anong klaseng tulong naman iyan? Ano? Aagawin niya ung nililigawan ni Daniel para ikaw ang pamansin ganun?"

"Hindi!, Hindi ganun iyon?"

"Eh ano? Nakakapag taka kasi talaga eh! Dati panay bangayan kayo ngayon naman parang close na close na kayo sa isat isat. May pa hatid hatid pa sa classroom na parang nili- oh my gosh! Nililigawan kaba niya?" Sigaw ko na mabilis ikinalaki ng mata niya sakin na parang pinapahiwatid na tumahimik ako.

"Ung totoo?" Pabulong kung tanong na tinanguan naman niya. Oh my gosh! This is freaking unbelievable.

"Paano? Bakit? In what way? And why?" Sunod sunod kong tanong na ikinatampal naman niya sa noo.

At iyon ngs ikinuwento niya sakin ang pinag usapan nila.

Hoper like her and he wants to get her over him by helping her and by courting her. Like oh my gosh hindi talaga ako makapaniwala na all this time may gusto pala si Hoper kay Alle?

Sa kabila ng mga panunukso niya kay Alle noon may tinatagong lihim pala iyon?

Nakakapagtaka lang kasi talaga eh. Paano kung hindi magustuhan ni Alle si Hoper, paano kung hindi mag work ang plan nila? Kawawa naman ang pinsan ko. Luhaaang matatalo sa huli.

"Bakit ka pumayag sa kalukohan niya?"

"Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?"

"Kahit na Alle, mahirap kalimutan ang first love, paano kung hindi mag work? Paano si Hoper? Masasaktan mo ung tao Alle"

"Eh paano naman ako?" Naluluha niyang tanong.

"Gusto konang mag move on sa kanya Len, at nandiyan si Hoper na handang tulungan ako."

"Pero gagamitin molang siya Alle, gagamitin molang siya para makalimutan mo ang feelings mo para kay Daniel. Hwag ganun, kung gusto mo talagang mag move on hwag kang mangdamay ng iba."

"Eh bakit ikaw ba?" Balik niya sakin sa lahat ng sinabi ko sa kanya.

"I'm doing my best to find him. At hindi kona dinadamay si Eugene dito."

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon