🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 20😎

9 2 2
                                    

~Chapter 20~

~Eugene~


"I'm sorry Len, I will never go back again...Never, Goodbye and thank you."

After I say those words binaba ko kaagad ang tawag. I did it! Nagawa kong mag paalam sa kanya as Venx at alam kong nasaktan ko siya.

Sa totoo lang kasi wala naman siyang kasalanan at hindi naman ako naging affected sa mga tukso na iyon sa halip siya pa nga ang inaalala ko kasi baka siya ang tuksuhin ng dahil sakin.

I left that day pero hindi ko naman inakala na sasabay pala sa problema ko ang bagong project ko kaya sa halip na bumalik tumungo akong Manila at nagtrabaho.

Pinag isipan kong mabuti ang disisyong gagawin ko at alam kong iyon lang ang nakakabuti pero hindi ko alam kung papano sabihin sa kanya ang katutuhanan. Naduduwag akong magsalita kasi baka kamuhian niya ako at layuan.

Kaya minabuti ko nalang na hayaang isipin niyang magkaibang tao si Venexion Funtevella at Eugene Murano para wala ng problema.

Pero ng marinig ko kanina kung paano siya makiusap na bumalik na si Venx parang dinudurug ang puso ko, nasasaktan akong marinig na umiiyak siya at nakikiusap na bumalik na ako sa katauhang hindi kona ulit bubuohin. Katauhang itinago kona dahil puro kasinungalingan lang iyon lahat. Katauhang humuha sa attention niya at katauhang nagustuhan niya.

Sa katunayan nagseselos ako sa sarili ko at the same time nagagalit din sa disisyong nagawa ko. Bakit ko hinayaan na paniwalaan niya ang kasinungalingan?

Kung hindi ba ako nag disguise mapapansin kaya niya ako? If destin to happen it will.

Isang oras na ang nakalipas simula ng sagutin ko ang tawag niya at hanggang ngayon hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Bumangon ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto. Naglakad lakad ako sa labas ng mansion kung saan napakaganda sa pakiramdam ng simoy ng hangin.

Malamig sa katawan na parang hinihili ka nito. Habang naglalakad nilibang ko ang sarili sa mga alitaptap na nagliliparan. I saw fireflies in TV but I didn't know na ganito sila kagandang tignan sa malapitan lalo na kapag gabe.

Ang liliit lang ng size nila pero mapapansin mo talaga sila dahil sa umiilaw nilang katawan.

"Beautiful"

Nasabi ko ng sinubukan kong humuli ng isa. Hindi naman ako nahirapan sa paghuli dahil marami ang nagliliparan sa paligid na siyang nagbibigay ng maliit na liwanag sa madilim na gabe.

Pinakatitigan ko ang alitaptap na nahuli ko sa kamay ko na naghahanda sa paglipad at ganun nga ang ginawa niya.

Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa nawala iyon sa paningin ko. Naglakad lakad pa ako hanggang sa napadpad ako sa lugar na kung saan nakarinig ako ng lagasgas ng tubig.

Sa curiosidad na kung anong meron doon. Sinundan ko ang maliit na daan na magtutungo sa hinahanap ko at doon natagpuan ko ang isang waterfalls na pinaliligiran ng mga alitaptap.

Namangha ako sa angking ganda nito kahit na walang bwan. Lumapit ako sa tubig at lumusong doon. Napaka lamig ng tubig na siyang nagpagaan sa pakiramdam ko. Napansin ko naman ang Isang papag doon sa gilid kaya nilapitan ko iyon at doon naupo saglit.

Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa nahiga nalang ako doon sa papag habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit na kay sarap pagmasdan.

Napakaaliwalas ng langit na pakiramdam mo ay wala kang mapapansin na problema doon. Perpekto itong tignan sa kalangitan at walang sagabal kahit ni Isang ulap.

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon