🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 04😎

17 1 0
                                    


~Chapter 04~

~ Len~


2ND DAY sa restaurant nasa labas na ako at mag ha hatid ng mga order sa bawat mesa ang trabaho ko ayoko sana kasi tinatamad akong mag buhat ng mabibigat kaya lang wala na akong magawa kasi iyon ang pinalit ni Mommy sa trabaho ko bilang tagahugas.

Na awa siguro si Mommy sa kalagayan ko kagabe kaya siya na ang na kiusap na hwag na ako sa kusina.

Kagabe kasi hindi na ako naka baba para mag hapunan dahil sa sobrang pagod na naramdaman kaya umakyat daw si Mommy sa kwarto ko sabi ni Hoper at tinignan ako dun.

Si Mommy narin siguro ang nag palit ng damit ko kagabe kasi pag gising ko kinaumagahan naka pantulog na ako.

Naging maganda naman ang gising ko kaya ngalang grabing gutom naman ang naramdaman ko pag gising kaya dali dali akong bumama para kumain.

Ngayon nagsisimula na ako sa trabaho ko.

Ilang mesa narin ang na puntahan ko para sa mga inorder nilang pagkain.

Meron nag b-breakfast meron naman na nag d-desert lang.

I think I'm enjoying this one. Na-kaka-aliw kasing mag hanap ng table number kahit d pa naman gaano ka rami ang tao.

"Len table 15!" Sigaw sakin ni Daniel na kaagad ko namang sinunod.

Binuhat ko ang tray na may lamang pagkain at hinanap ang table 15.

Nang mahanap ko ito kaagad na lumapit ako doon.

"Table 15?"

Napalingon naman sakin ang Isang babae at lalaki bago tumango.

"Here's your order Ma'am Sir" sabi ko at nilapag isa isa ang inorder nila. Naayos narin naman ang plate, spoon, fork at glass of water sa table nila at sadyang pagkain nalang ang kulang para completo na. "Enjoy your food" kaagad na nag excuse ako pagkalapag ko sa pagkain nila.

Sumunod naman na hinatiran ko ng pagkain ang table 18 follow by 21 ang so on. Marami rin kasi kaming nag s-serve ng pagkain kaya hindi masyado nakakapagod at staka nakakatawa kasi puro magagaan ung inaatas sakin at ung sa Ibang kasama ko sa kanila na ang mabibigat.

Ang sabi kasi nila

"naku Miss Len hindi bagay saiyo ang mag buhat ng mabibigat kaya ako na" sabi nung Isang server ng kukunin ko sana ung may order na may malaking bowl.

"Oo nga kami na sa mabigat ikaw nalang sa magaan" segonda naman nung isa at kinuha ang susunod na order na medyo may kabigatan din dahil marami rami ang laman nun.

"Mukhang bumabanat kayo sa pinsan ko ah?"  Eksena ni Rex bago sunod na kumuha ng iseserve niya.

"Naku hindi naman po pinapagaan lang namin ang trabaho niya. Sige hatid ko lang to."

At nag si alisan naman sila sa harapan namin.

"Malakas karin ba dun sa loob kahapon?" Tanong niya sakin na ang tinutukoy ay ang kusina hindi kona pinag isipan pa ang isasagot sa kanya kasi kaagad ako nagsalita.

"Puro busy sa pagkain ang mga tao dun kaya hindi ako malakas dun dito lang." Sabi ko sabay kindat sa kanya na ikinatawa naman niya.

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon