~Len~Buong araw na nakatambay lang ako sa kwarto at hindi lumalabas. Hindi narin ako sumasabay sa mga activities na ginagawa nila kaya naman nag aalala sina GrandMom at GrandDad kung ano na ang nangyari sakin.
Pero sinabihan ko naman sila na ok lang ako na hindi kolang trip lumabas at mamasyal kahit na ung totoo is gusto ko nang mangabayo at ikutin ulit ang buong lupain.
Namiss kong mamasyal dito lalo na sa pamilihan. It reminds me of my childhood here.
Walang lakad ang lahat ngayon kaya malamang nandito lang silang lahat sa bahay kaya naman ng ma bored ako sa kwarto tahimik na lumabas ako at tumungo sa kulungan ng mga kabayo.
Kinuha ko si Marcus na kaagad na nagpatangay naman sakin. Hinimas ko ang ulo niya na madalas kong gawin upang makilala niya ako.
"Did you miss me buddy? Because I miss you so much. Tara pasyal tayo sa market."
Kaagad na sumakay ako sa kanya ng masigurong maayos na siya.
Pinatakbo ko si Marcus paikot sa mansion at sa iba pang maaring puntahan dito na minsan ay pinupuntahan ko sa tuwing nangangabayo.
Ng napuntahan kona ang lahat kaagad na bumama ako sa palengke. Iniwan ko naman si Marcus sa tagapangalaga at iwanan ng kabayo bago pumasok ng Palengke para mapakain siya at makapagpahinga.
Nag ikot ikot ako sa palengke at merong mga tao ang nakakilala sakin na binabati ako at tinatanguan kolang naman. I don't even know them kaya bakit ko ngingitian? Close ba kami para ipakita ko sa kanila ang perfect teeth ko?
Napadpad ako sa Ibang pamilihan, kainan at libangan na nag palibang sakin. Masaya naman palang mamasyal ng mag-isa kaya bakit pa ako sasama sa kanila.
"How much is this?" Tanong ko sa babaeng taga bantay ng mga paninda.
Na amaze kasi ako sa design ng t-shirt na sa palagay ko ay babagay sakin.
"250 pesos Miss, kukunin mo?"
"Yes"
Kaagad na binalot niya iyon at at binigay sakin. Inabot ko naman sa kanya ang bayad at kaagad na umalis.
Sunod na pinuntahan ko ay ang mga tindahan ng souvenirs. Maraming nag iibahang desenyo ng souvenirs pero wala akong nagustuhan sa mga iyon kaya naman nag patuloy ako sa paglalakad.
Maraming tao ngayon kasi bagsakan ng mga pamili kaya naman maraming pwesto ang makikita sa paligid. Kaya naman ang mga tao tudo punta doon, punta dito. Pili doon, pili dito ng kung ano anong magustuhan nila.
Sa ilang oras kong pag iikot itong t-shirt lang na may print na emoji ang nabili ko at dahil wala narin lang naman akong bibilhin pa napag desisyon ko nang bumalik.
Napatigil ako sa paghakbang at automatic na nanlaki ang mata. Halos hindi pa ako makapaniwala sa nakita kaya naka ilang beses pa ako ng kurap.
Wala sa sariling humakbang ako ng mabilis at sinundan ang taong iyon.
Sa dami ng tao nahirapan pa akong makalusot ng maayos. Lumiko sa siya kaliwang bahagi kaya dali dali akong tumungo doon.
BINABASA MO ANG
My Actor (COMPLETED)
FanfictionLen is a spoiled by love of her family lahat ng nanaisin niya ay nakukuha at lahat ng gugustuhin niya ay napapasakanya. Lahat ng attention ay nasasakanya hanggang sa dumating ang Isang tao na never siyang tinapunan ng attention. Eugene is an famous...