~Chapter 15~
~Len~
NAKAHIGA ako ngayon sa kama ko at nakatulalang nakatingin sa kisami.Iyong nangyari kanina. Totoo kaya iyon? O baka guni guni ko lang?
Napahawak ako sa noo ko at nararamdaman ko parin ang malambot niyang labi doon.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko kaya napatakip nalang ako ng unan sa mukha at doon nagsisigaw.
Oh my gosh! Kinikilig ako! Bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko, di naman ako ang pag-ibig mo magkaibigan lang naman tayo!
Tinampal ko ang sarili ko kasi napapakanta na ako dahil sa pinag-iisip ko.
Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo sa harap ng salamin.
Mas lalo akong namula ng makitang namumula ang mukha ko.
Kinikilig akong talaga! Beket nemen eh!
Dahil sa kalandian ko hindi kona napansin ang cellphone kong tunog ng tunog kanina pa.
"Hello?"
Nakangiting bungad ko sa tumawag sakin. Hindi ko na nga natignan kung sino ang caller.
"B-Bakit ang saya mo yata?"
Napakurap kurap ako at tinignan ang caller ID ng cellphone ko. Oh my gosh si Eugene! Akala niyo si Venx no? Psh ewan koba diyan sa pambato niyo hindi ako trip tawagan kapag gabe. Tinanong ko naman kung bakit at alam niyo ang sinabi?
Buong araw na nga kitang kasama tatawagan pa kita?
Kaya hindi kona pinilit kasi kung tumawag iyon ngayon baka pinatayan ko lang siya ng tawag o di kaya ay denedma.
"Hey! Earth to Len! Nandiyan ka paba?"
"Ha?! Ah oo nandito pa ako, ano nga iyong sinabi mo?"
"Sabi ko, pwede kaba bukas?"
Bakit niya natanong? Yayain ba niya akong makipag date bukas?
"Ah wala naman kaming pasok bukas sa Lunes pa kaya may tatlong araw kaming pahinga, bakit mo natanong?"
"Papasama sana ako saiyo kung pwede lang ba? Si Ate kasi eh inutusan akong kumuha ng litratong kakailanganin niya para sa report nila."
"Bakit hindi siya ang kumuha? Bakit ikaw pa?"
"Eh kasi may aasikasuhin siya sa Manila ngayon kaya sakin humingi ng tulong"
"Ah si Inna talaga. Sige deal bukas pero sunduin mo ako ah. Teka anong oras?"
"8am nandiyan na ako"
"Saan ba yang kukunan ng litrato?"
"Sa Jaro Plaza daw at staka paturo nadin ng daan"
"Haha. Naliligaw ka parin ba dito hanggang ngayon?"
Mahigit Isang buwan na siya dito pero naliligaw parin siya.
"Eh sa hindi ako mahilig gumala dito eh kagaya mo?"
"Oo na! Ako nang pala gala"
Singgal ko sa kanya na ikinatahimik namin bigla.
"Hindi ka paba matutulog?"
"Matutulog na sana kung hindi ka tumawag"
"Tsk! Sige na nga matulog kana bukas nalang."
Magsasalita pa sana ako kaya lang binaba naman niya ang tawag kaya nilapag ko nalang ang cellphone ko at bumalik sa paghiga sa kama. Nag bibiro lang naman ako pero tinutoo talaga. Lalaking iyon!
BINABASA MO ANG
My Actor (COMPLETED)
FanfictionLen is a spoiled by love of her family lahat ng nanaisin niya ay nakukuha at lahat ng gugustuhin niya ay napapasakanya. Lahat ng attention ay nasasakanya hanggang sa dumating ang Isang tao na never siyang tinapunan ng attention. Eugene is an famous...