~Chapter 08~~Len~
PAGKAPASOK ko ng classroom unang taong nakita ko ay si Venx.
Nakaupo na siya sa upuan niya at may hawak na libro.
Tahimik siyang nagbabasa at walang paki sa mga kaklase naming nag iingay dahil nasa tenga na naman ang earphones niya.
Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang may pumigil sakin.
"Nasa kabilang classroom sina Ynna at Ken tara puntahan natin."
Lilingon pa sana ako kay Venx kaya lang hinila na ako ni Alle palabas.
"Wait lang makahila ka naman parang hindi mo sila na kita ng Isang taon."
"Eh kasi may pasalubong ako kay Ken kaya bilisan mo."
Pagkatigil namin sa harap ng section BMB kumatok kaagad si Alle.
"Bakit?" Salubong samin ng Isang student na nag bukas ng pinto.
"Pwedeng papasok?"
Alle at nilakihan naman niya ang pagbukas ng pinto.
"Salamat!"
Masayang sabi niya tapos hinila na ako papasok.
"Ken ang pasalubong ko!"
Kaagad na bungad niya ng makapasok kami.
"Hey Len! Nice to see you again!" Ken at staka sinakal ako sa pamamagitan ng pag pulupot ng braso niya sa leeg ko.
"Mark Keyen Bertañio pag ako nakawala sa sakal mo babayagan talaga kita."
"Paano tayo mag kakafuture kung babayagan mo ako?" Sabi niya bago ako pinakawalan. Inayos ko naman ang nagusot kong uniform bago humarap sa kanya.
"Che! Pasalubong ko nasaan na?" Sabi ko ng nakalahad ang kamay sa harap niya. Sanay na ako sa mga biro niya kaya minsan hindi ko nalang pinapansin.
"Oo ung sakin din teka nasaan si Ynna?"
"Ayun sa harap ng locker niya." Sabi niya at napatingin naman ako kung nasaan ang lockers.
Napangiti ako sa kanya na busy sa harap ng locker niya at may inaayos na kung ano.
Nag tip toe ako palapit sa kanya at ng nasa likuran na niya ako kaagad na yumakap ako sa kanya.
"I miss you bestfriend" masayang sabi ko bago kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya bago siya humarap sakin.
"Len! Oh my gosh"
Nag yakapan kami sa harap ng locker niya well wala naman paki yan samin. I'm referring to locker.
"Kumusta kana?" Tanong niya habang hawak ang kamay ko.
"Well ito walang pinagbago parin eh ikaw?"
"Kita mo naman diba? Still ako parin"
"Halata nga. Tanggalin mo nayan kasing salamin mo at mag contact lense ka nalang"
"Hindi ako sanay! Teka kasama moba si Alle?"
Tanong niya kaya napalingon naman ako sa dalawa na busy sa kakabangayan tungkol sa regalo.
"Alam mo Ken nakaka inis kana. Paasa ka talaga kahit kailan" nakabusangot na sabi ni Alle habang palapit samin.
"Na miss kita Ynna! Ikaw lang wala nang iba I mean kayo lang pala ni Len ang na miss ko wala ng iba. Ung iba diyan extra nalang kasi paasa naman."
Tumatawang napa akbay naman si Ken kay Alle.
BINABASA MO ANG
My Actor (COMPLETED)
FanfictionLen is a spoiled by love of her family lahat ng nanaisin niya ay nakukuha at lahat ng gugustuhin niya ay napapasakanya. Lahat ng attention ay nasasakanya hanggang sa dumating ang Isang tao na never siyang tinapunan ng attention. Eugene is an famous...