🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 24😎

4 1 0
                                    

LEN'S POV

Nakasandal ako ngayon sa balikat niya habang magkahawak kamay na pinagmamasdan ang mga batang nag lalaro sa paligid.

Isang oras na kaming ganito pero ayaw ko talagang bumitaw o lumayo sa kanya. I really miss him.

"Sana hwag kanang lumayo ulit! Wala akong paki sa sasabihin ng iba basta hwag mona akong iwan ng ganun ganun nalang. Alam mobang mababaliw na ako sa kakaisip kung nasaan kaman?" Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at pinakatitigan ang mga mata niya.

Ang bagay na ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ang kulay ng mga mata niya na kapag tumatama sa sinag ng araw pansin talaga ung pag ka brown niya. Purong brown ang kulay ng mga mata niya at wala iyong halong itim sa gilid hindi katulad ng sa akin.

Kaya naman gustong gusto kong pagmasdan ung mga mata niya sa kabila ng salamin niya.

"Kailan ka nag pa brace ng ngipin?" Tanong ko sa kanya.

"Matagal na hindi kona nga maalala kung kailan eh."

"I love it!"

"Really?"

"Yeah and your eyes too...masyadong nakaka attract sa iba kaya hwag mong aalisin ang salamin na yan." Sabi ko at bumalik ulit sa pagkakasandal sa balikat niya.

"Yes ma'am" sabi niya at staka hinimas ang ulo ko na ikinapikit ko.

Sana hindi na matapos ang araw na ito. Kaya lang nung sumapit ang hapon kailangan na niya akong ihatid pauwi dahil pagabe na.

Nang tumigil ang kotse niya sa labas ng gate namin hindi ako kaagad nakagalaw para lumabas.

"Sige na labas kana"

"Pero natatakot ako." Humarap ako sa kanya bago tumitig sa gate namin.

"Papasok kalang naman ng bahay niyo eh."

"Hindi iyon ang iniisip ko. Paano kung mawala kananaman bigla. Paano kung hindi nanaman kita makita? Natatakot akong iwan mo ulit. Ayoko nang mangyari iyong dati Venx."

Lumungkot ung mukha ko kaya hinila niya ako palapit sa kanya at kinulong sa mga bisig niya.

"Don't worry, pag naka uwi na ako tatawagan kita! Pangako yan at bukas magkikita pa tayo kaya sige na."

"Sigurado ka? Paano mo ako matatawagan niyan kung nawala ang cellphone mo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya ng kumawala ako sa yakap niya.

Tinitigan niya ako sa mga mata bago ngumiti ng matamis sakin.

"Give me your phone" mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko at inabot sa kanya.

May tinawagan siya sa cellphone ko and then suddenly nag ring ang bago niyang cellphone.

"Oh ayan kaya hwag kanang mag alala. Sige na pumasok kana ng bahay niyo.

"Sigurado ka ha!"

"Promise, I'll call you later" at pinakita pa niya sakin ang cellphone niya.

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon