🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 14😎

8 2 0
                                    

~Chapter 14~

~Len~

Isang buwan na ang nakalipas simula ng mangyari ang bagay na iyon ang bagay na naging dahilan kung bakit nag kakilala ang pamilya ko at ang pamilya ni Eugene.

Isang buwan narin ang nakakalipas ng maging magkaibigan kami ni Venx. Kahit na mag kaibigan na kami ganun parin ang turingan namin.

Siya bilang masungit at suplado na nerd ako naman bilang isang makulit na dyosa. Charrroottt lang pero totoo.

Ok narin ang issue ni Eugene at laking pasalamat ko kasi hindi na nasundan ang litratong iyon.

Kagaya nga ng sabi niya lilipas din ung balita at after three weeks unti-unti ding nawawala ang mga usap usapan.

"Ano oras ung game niyo?" Tanong sakin ni Ken na nakasuot ng varsity uniform. Kasali siya sa basketball team at sa aming apat kaming dalawa lang ni Ken ang kasali sa Varsity Games. Nasa Volleyball game ako at maya-maya na ang laro namin.

Third day of Intramural na kasi ngayon at dahil intrams open ang school for the other school na gustong manuod.

"Kami na ang susunod kaya wish me luck" last game na namin versus grade 11 kaya championship na.

"Don't worry bestfriend I c-cheer ka namin mamaya."

"Yeah at lalakasan ko ang cheer ko para marinig mo total mamaya pa ang game namin."

Ng pumasok ang kabilang team which is the grade 11 team kaagad na nagsigawan ang mga nanunuod na grade 11.

"Sige guise pasok na ako doon." Kumaway ako sa kanila at pagkatalikod ko bumangga ako sa isang tao.

Kaagad na nahawakan niya ako sa magkabilang siko para ma balance ang katawan ko at hindi matumba.

"Dahan dahan lang kung saan saan ka nalang kasi bumabangga eh" Ngumiti naman ako sa kanya bago tinapik ang balikat niya.

"Ok lang at least saiyo naman ako bumabangga" Sinamaan naman niya ako ng tingin na ikinatawa ko.

"By the way cheer mo naman ako oh kinakabahan kasi ako parang ayokong tumuloy doon."

Napa irap naman siya sakin na ikina taas ng kilay ko.

"Ayoko ko"

"Hala! Baka matalo ako niyan sige na"

"Ayoko nga eh"

"Eh. Sige na kahit Isang good luck na ok na ako dun"

"Psh bahala ka" Napasimangot naman ako ng lampasan niya ako.

"Bakit ang sungit mo nanaman? Tsk parang Isang good luck lang naman eh"

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko pero napatigil ako ng marinig ang sinabi niya.

"Good luck" Nilingon ko siya pero naglalakad na siya palayo patungo sa mga bleachers.

Napangiti ako bago tinakbo pababa ang bleachers.

Pagkarating sa ibaba kaagad na sumama ako sa mga ka team ko at pumila kami.

As to start the game nakipag kamayan kami sa kalaban namin.

First six ako at dahil matangkad ako nasa block area ako naka pwesto.

Pagka whistle ng referee nagsimula na ang game. The first ball is ours hanggang sa nagtuloy tuloy na ang laro.


~Venx~


"Venx halika ka dito"

Tawag sakin ni Alle ng bestfriend ni Len. Tumungo naman ako sa tinuro niyang upuan.

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon