🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 11😎

6 2 0
                                    

~Chapter 11~

~Len~


PAGKAUWIAN namin sinundo ako ni Rex sa classroom.

Napatingin pa sakin si Venx ng mapansin na hindi ako umaalis sa kinauupuan ko at walang imik na nakamasid kung papano mag si alisan ang mga kaklase namin.

"Len una na ako ah" Paalam ni Alle bago siya umalis at sumabay siya kina Ken at Ynna.

"Ung susi ng kotse mo Len?" Tanong sakin ni Daniel na ikinatingin ko sa kanya.

Kinuha ko naman ang susi ng kotse ko sa bag at inabot sa kanya.

"Ingatan mo ang kotse ko mahal pa yan sa kotse mo."

Sabi ko sa kanya na ikinareklamo naman niya na sana daw mas mahal din ung kotse niya.

Umalis naman siya at kasabay nun ang pag pasok ni Rex sa pinto.

"Let's go"

Kaagad na tumayo ako. Napalingon pa ako kay Venx na ipinagtataka ko kasi nasa harap parin siya ng locker niya gayung wala naman siyang ginagawa dun.

Kinuha sakin ni Rex ang bag ko at siya na ang nag dala nun.

Kaagad na nakarating kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

Nyagmaneho kaagad siya patungo sa bahay namin.

Pagkapark ng kotse sa garahe namin sabay kaming dalawa na lumabas.

"Samahan na kita sa loob"

Kahit wala akong idea kung bakit niya iyon ginawa ay tumango parin ako sa kanya.

"Angeline ano nanaman ang ginawa mo at bakit tinawagan ako ng disciplinary office? Diba nag promise kana sakin na wala ng gulo this year?"

Napa angat naman ako ng tingin kay Mom na nakatayo sa dulo ng hagdan at magkasalubong ang kilay na tumingin sakin.

Hindi ko alam na nakarating pala sa disciplinary office ang nagyari.

Mag sasalita pa sana ako ng pigilan ako ni Rex at siya na ang kuma-usap kay Mommy.

"Tita wala pong ginawa na gulo si Len sa school in fact siya po ung inunahan ng schoolmates namin. Binuhusan niya ng Orange juice si Len at mabuti nalang kasi napigilan ni Len ang sarili niya. She didn't do anything bad Tita so don't be mad at her."

Napayuko nalang ako habang nakikinig sa explanation ni Rex. Paano nalang pala kung wala doon si Rex? Edi sana baldado na ang ugly duckling na iyon.

At sana grounded ako ngayon.

"It's that true Len?" Mom na ikinataas ng tingin ko sa kanya.

"Huh?"

"It's that true that you didn't do anything?"

Ulit niya sa tanong niya na ikinatingin ko sa kanya.

Wala naman akong ginawa diba? Nakipag palitan lang naman ako ng salita pero hindi naman iyon ginagawa kasi sinasabi iyon so I can say that I didn't do anything. Right?

Taas noo akong tumitig kay Mommy bago nag salita.

"Yes Mommy I didn't do anything kasi dumating kaagad si Rex"

"And she poured something on you? Gosh I can't let that happen! Tommorow I'm going to school and tell me who is that girl! She deserve to be punish by doing that to my precious daughter!" Bawat sigaw ni Mommy ay napapa iktad ako at nabibigla.

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon