~Chapter 18~
Happy 18th birthday to my friend Ms. Reader. This chapter is for you hope you like it!
~Len~
NAGUGULUHAN parin ako sa nararamdaman ko hanggang ngayon. Nalilito ako kung sino ba talaga ang mas gusto ko sa dalawa. Noon hindi ko naman problema ang ganito pero bakit ngayon nahihirapan ako simula ng dumating sila sa buhay ko.Noon ayaw ko naman sa ganito pero bakit ngayon nandito na ako sa ganitong sitwasyon. Anong gagawin ko para hindi mahirapan? Iiwas ba ako? Pero paano? Naging kaibigan ko nadin sila kaya mahirap para sakin ang iwasan sila.
Naiinis padin ako kasi hindi na muli nag text sakin si Venx. Tinitext ko siya pero walang reply na galing sa kanya. Na ikwento ko narin na iba na ang nakaupo sa upuan niya kaya kailangan niya ng bumalik at ang dami na niyang na miss na lessons pati exams na miss na rin niya.
Nag sorry na ako ng ilang beses sa kanya kung iyon ba talaga ang dahilan pero wala akong matanggap na reply. Tinitext kodin siya na gusto ko nang kumain ng kwek-kwek kaya lang wala akong mayaya. Nahihiya din kasi ako kay Eugene mag yaya.
Baka pag lumabas siya na hindi balot na balot pagkaguluhan pa siya at mabalita nanaman. Mga reporters pa naman sa ngayon ay uhaw na uhaw sa balita pakiramdam mo one year hindi naka salap ng balita.
"Ma'am Len may bisita po kayo sa baba"
Nangunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ng katulong namin. Bisita? Sino namang bibisita sakin ng hindi ako sinasabihan? Or tinitext man lang?l
Nakapantulog pa ako na lumabas ng kwarto at tumungo pababa. Sa sala naabutan ko sina Mommy at Isang lalaki na kaedaran ko lang ang kausap niya. Nagtatawanan pa sila na akala mo parang ang close na nila kahit ilang buwan palang naman silang nagkakilala.
Tumikhim ako pagkarating ko sa kanila at sabay silang napalingon sakin. Dumapo ang tingin ko sa kanya at isang ngiti ang bumungad sakin. He also mouthed 'good morning' to me.
"Oh nandiyan kana pala. Bakit nakapantulog kapa? Mahiya ka naman sa boyfriend mo. Batang to sige na maiwan kona kayo kailangan kopang I meet ang ka meeting ko." Mommy at doon kolang napansin ang suot niyang dress na hapit na hapit sa katawan niya. My mommy looks younger than her age whenever she wear dresses. Kahit ano namang suot ni Mommy mukha parin siyang dalaga kung tignan.
"You look beautiful Mom." Puna ko sa kanya na ikinangiti niya ng tudo.
"You too kahit naka pajama kalang. By the way enjoy sa date niyo. Mwahh" hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pintuan.
"What did you tell her?" Kaagad na baling ko sa kanya ng matiyak na wala na ang Mommy ko.
"Tell what? Wala akong sinabi sa kanya na kahit ano tungkol satin ah" Pagdadahilan niya sa tanong ko sa kanya. Napa-irap nalang ako bago naupo sa tabi niya.
"Oh anong mukha yan? Bakit ayaw mona sakin?" Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil dun.
"Special kaba? Makasabi ka feeling mo special kana hoy! Kay aga-aga anong ginagawa mo sa pamamahay namin?" Nangalumbaba naman siya sa sofa at may papikit-pikit pang nalalaman.
"Boring sa bahay at staka gusto kong subukang lutuin ung natutunan ko dito kasi nandito ka nang sa ganun may katulong ako."
"Aba naging personal alalay mo pa yata ako ngayon. Umuwi ka na nga. Kung ano ano pinagsasabi mo sa Nanay ko"
BINABASA MO ANG
My Actor (COMPLETED)
FanfictionLen is a spoiled by love of her family lahat ng nanaisin niya ay nakukuha at lahat ng gugustuhin niya ay napapasakanya. Lahat ng attention ay nasasakanya hanggang sa dumating ang Isang tao na never siyang tinapunan ng attention. Eugene is an famous...