🤓ᜋ᜔ᜀ: CHAPTER 10😎

6 2 0
                                    

~Chapter 10~

~Len~

PAGKAPASOK ko ng classroom kaagad na tinungo ko ang upuan ko at nangunot ang noo ko ng makitang may box sa ibabaw ng mesa ko.

Kaagad na kinuha ko ito at napalingon sa mga kaklase kong nag-uusap usap.

"Hey guise nakita niyo ba kung sino ang nag lapag nito sa upuan ko?" Tanong ko sa kanila at ini-angat ang hawak kong box.

Sabay sabay naman silang napailing bilang sagot sa tanong ko.

Napaisip naman ako nang kung sino ang maaaring naglapag nito ng mapansin ko ang naka ipit na note sa gilid nun. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

Hey fake girlfriend,

     You tell me na nanakawan ka kahapon and as a good fake boyfriend of yours I brought this for you. Hindi man ito katulad ng bigay saiyo ng GranMom mo mas mahal naman ito kaysa sa dati mong cellphone.

P.S: Sana naman hwag mo nang ipanakaw to. By the way have a good day.

Pagkabasa ko sa sulat kaagad na binuksan ko ang pagkaka wrap nito. Paano niya nalaman na dito ang classroom ko? May inutusan ba siya?

Kaagad na bumungad sakin ang box ng cellphone na kung saan nakalagay ang brand na Oppo A9.

Oh my gosh this is the latest brand of Oppo!

Nilabas ko kaagad sa lalagyan ang cellphone at pagbukas ko updated na iyon tinignan ko ung contacts at merong Isang number lang na naka register doon.

Napangiti ako ng mabasa ang pangalan niya sa contacts ko.

Kaagad na tinawagan ko iyon pero ring lang ng ring.

"Hmm...baka may ginagawa."

Kibit balikat kong sabi bago niligpit ang kalat sa itaas ng mesa ko.

Tinapon ko sa basurahan ung wrapper tapos ung box ng cellphone ay pinasok ko sa ilalim ng mesa ko.

Kinalikot ko ung cellphone at kung saan saan napadpad.

Naka installed narin ang facebook, messenger, instagram at iba pa kaya ang pag log in nalang ang ginawa ko.

Nag selfie din ako para subukan ang camera nito at ang masasabi ko lang.

"Cool!"

"Cool ang alin?"

Napalingon ako sa nagtanong at nakangiting pinakita kay Alle ung bago kong cellphone.

"Bumili ka ng bago?"

"Na ah" umiiling na sabi ko sa kanya.

"Eh nasaan na iyong dati mong cellphone?" Tanong niya at kinuha sa kamay ko ang cellphone.

"Ninakaw kahapon" simpleng sabi ko habang nakapangalumbaba na nakatingin sa kanya.

"Ano! Nanaman? Bakit? Papano?"

"Hwag mo nang tanungin basta ninakaw nalang bigla."

"Impossible naman yata yang sinasabi mo"

"Hoy teh walang impossible sa magnanakaw. Ninanakawan nga ang bahay na may security na at napapaligiran pa ng pader ako pa kayang nasa labas ng school na naka tayo hindi mananakawan?"

"Sa bagay may point ka pero sinong bumili nito?"

Napangiti naman ako ng maalala siya.

"My fake boyfriend"

My Actor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon