~Chapter 12~
~Len~
KAKASABI ko lang sa kanya na manatili sa tabi ko pero matigas din ang ulo ng Isang to.
Naku kung hindi lang ako inis at naaawa sa kanya kanina kopa siya sinakal!.
"Diba sinabi ko naman na manatili ka sa tabi ko? Bingi kaba kanina?"
Sa halip na pansinin ako nanatili parin ang tingin niya sa librong kanina pa niya binabasa.
Argghh! He and his book is so annoying!
"Hoy kinakausap kita hindi moba ako narinig? Bakit umalis ka kanina ng hindi ako kasama? Paano nalang kung balikan ka ng mga nun? Hindi kaba nag iisip? Diba sinabi ko naman na stick with me? Mahirap bang intindi-"
"Pwede ba tumigil ka?"
Natawa ako bigla dahil sa pampuputol niya sa sinabi ko. Gosh nakakaloka!
"Nagsasalita pa ako kaya bakit ako titigil?"
"Psh" react niya bago nag lagay ng earphones.
Aba! Ayaw ba niya talaga akong kausapin? Naiinis naba siya sakin? Aish! Paano ko malalaman kung siya lang naman ang nakaka-alam!
Seryosong tinitigan ko siya na nagbabasa parin ng libro. Maganda ba ung binabasa niya? Ayaw na niya kasing i-alis ung mata niya doon eh.
Dumukwang ako palapit sa kanya para makita kung ano ang binabasa niya.
Ng mapansin niya sigurong titingin ako kaagad niya iyong inilayo sakin.
"Patingin lang ang damot mo naman" Bumalik ako sa pagkakaupo ko at ng ibinalik niya ang tingin sa libro mabilisang dumukwang ako ulit sa kanya upang tignan iyon pero bigla akong dumulas sa pagkakatukod ko sa mesa kaya sumubsub ako sa braso niya.
"Aw!" Daing ko pero bigla siyang tumayo kaya ang jending sumalampak ako sa inupuan niya.
"Ano ba! Tsk diyan ka na nga!" Inis niyang sabi sakin bago nag lakad palayo. Bakit ang sungit sungit talaga niya tapos idagdag mo nang suplado pa.
"Bestfriend ok kalang?" Ramdam ko ang pagtulong sakin ni Alle na tumayo.
"Oh insan napano ka? Ok kalang?" Daniel ng makita akong ganun ang posisyon.
Ng maka-angat ako ng tingin doon ko sila sinamaan. Obvious naman na hindi ako ok itatanong pa talaga?
"Mukha ba akong ok? Sige nga sabihin niyo sakin kong ok lang ako? Aww ang sakit ng ilong ko" Reklamo ko at hinawakan ang ilong ko.
"Oh my gosh!" Biglang taranta ni Alle ng makita ang mukha ko.
"Hey!" Kaagad akong dinaluhan ni Daniel at hinila palabas ng Classroom at patakbong tinungo ang elevator para bumama ng building.
Habang nasa elevator panay naman ang punas niya sa ilong ko na dumugo pala.
"Ano ba kasing ginawaga mo at bakit magkaganito to?"
"Wala!" Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Anong wala? Dumugo ang ilong mo pero wala lang?"
"Aish tumahimik ka nalang kaya! At staka ok na ako kaya hwag kang OA diyan"
"Eh sa dumugo iyong ilong mo kaya sinong hindi magiging ok nun?"
"Ikaw kaya tahimik na!"
"Tsk. Teka hwag kang magalaw" Napangiti nalang ako kasi hindi maalis ung pagkakunot ng noo niya habang pinupunasan ung ilong ko.
BINABASA MO ANG
My Actor (COMPLETED)
FanfictionLen is a spoiled by love of her family lahat ng nanaisin niya ay nakukuha at lahat ng gugustuhin niya ay napapasakanya. Lahat ng attention ay nasasakanya hanggang sa dumating ang Isang tao na never siyang tinapunan ng attention. Eugene is an famous...