Chapter 29: Let's See

102 21 7
                                    

Warning:
Profanities on the way.

Eunbi's

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag-presintang maghugas ng mga pinagkainan. Nung una ay hindi pa pumayag sila Dad pero hinayaan narin ako kalaunan. Pero kung sila payag sa gusto ko, hindi naman ako nilulubayan ng mga maid na nakatulong ko magluto kanina.

"Don't worry, Manang. Hindi naman ako makakabasag. Naghuhugas 'din ako ng plato nu'n." Pagpupumilit ko pero napailing sila. Kung kanina ibinigay na nila ng kusa 'yung apron sa akin, ngayon naman ay ayaw na nilang ibigay at tinago pa ang gloves. May mga topak 'din 'tong mga katulong dito. Manang-mana sa mga amo.

"Magpahinga nalang po kayo."

"Manang, gusto niyo ba mawalan ng trabaho?" Taas-kilay kong sabi sa kanila. Ang kukulit kasi! Sinabing ako na nga dahil parte parin 'to ng plano ko! "Kayo na po muna ang magpahinga. Ngayon ko lang naman 'to gagawin. 'Wag kayong selfish."

"Ma'am Eunbi kasi –"

Nagpamewang nalang ako saka sila nilakihan ng mata. May trust issues 'din ba ang mga 'to?! Maya-maya naman ay inilabas na nila ang apron at ang gloves kaya sinuot ko na ito. Nang mailagay na nila ang lahat ng mga plato at kubyertos sa lababo, nagsimula na akong maghugas.

"Sinong demonyo ang sumapi sa'yo?" Napahinto nalang ako sa ginagawa nung may magsalita. Pinagpag ko ang kamay ko saka nilingon ang nagsalitang si Jihoon.

Nakasandal ang likod niya sa pader habang naka-krus ang mga braso at ang isang binti ay nakatupi at nakatapak sa pader, tila lahat ng bigat niya ay sinasalo ng kaniyang isang paang nakatapak sa sahig. Puno ng pagdududa ang mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.

"Excuse me?! I'm on the good side! 'Wag mo akong itulad sa'yong papasa bilang kakambal ni Lucifer!" Sabi ko saka siya inirapan bago bumalik sa paghuhugas.

"Eighteen years narin. Matagal-tagal na."

Napakunot naman ang noo ko saka siya pinasadahan ng tingin. "That's so rude of you, Jihoon! Imagine how unfair to Soonyoung to have a lousy twin brother!"

Napatawa siya ngunit wala itong kabuhay-buhay. "Sa akin hindi patas ang mundo." Simpleng sagot niya sa akin pero parang may malalim na pinaghuhugutan.

Napailing nalang ako. "Ganiyan ba dapat kapag member ng banda? Sentimental?"

He chuckled. "Nagpapalibre ka ba?"

"Huh?!"

"'Yung tanong mo, para-paraan. Halatang nagpapalibre sa gig. Hindi mo malalaman ang tanong sa sagot mo dahil hindi kita dadalhin sa bar. Asa ka." Nakatalikod ako pero nararamdaman kong pangisi-ngisi na siya kaya tuluyan ko nang hinubad ang gloves ko saka siya kunot-noong hinarap.

"Hindi ganu'n ang ibig sabihin ko! Tinatanong ko lang kasi ang corny mo kaya! Tsaka asa ka rin! Hinding-hindi na ako babalik sa bar niyong maasim! Pwe!"

Siya naman ang napakunot-noo.

"Oo! Ang asim kaya ng bar niyo! Puno ng lasing at pawisang mga tao. Super gross!"

"Sarili mo lang ang naamoy mo."

"Hindi! Bar niyo 'yun! Ilang beses sa isang taon niyo ba nililinis 'yun? Hindi kayo nandidiri sa amoy? Gosh! I will never go back to that place again! Maalala ko palang 'yung mga bouncers naiinis na naman ako!" Reklamo ko nang maalala ko kung paano ako ipagtabuyan nung mga bantay doon. "Kung ako sa'yo Jihoon, mag-aaral nalang ako ng mabuti kesa tumambay sa lugar na 'yun! Bakit 'di mo gayahin si Soonyoung na pumapasok –"

"Sakit mo sa tenga. Hindi ko kailangan mga pangaral mo. Maghugas ka nalang." Kunot-noo niyang sagot saka biglang lumabas. Hinabol ko pa siya pero bigla nalang siyang nawala. Napabuntong-hininga nalang ako saka napapadyak sa inis. Bwiset talaga 'yun!

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now