Chapter 5: Lie Again

553 63 8
                                    

Eunbi's

Napahawak ako sa sintido ko paglabas ng kwarto. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa nasobrahan ako ng tulog o lalagnatin na ako. Okay naman ako nitong nakaraan. Sadyang ang pagbabait-baitan lang ang bago sa akin.

Gosh! Ito na ba 'yung side effect?!!

"Ayos ka lang?"

Nagulat ako nang makita si Hansol sa harapan ako. Umayos naman ako ng tayo. "Oo naman. Bakit hindi?" Pilit kong ngiti.

"Sigurado ka?"

"Oo nga!" Pagpupumilit ko.

Ngumiti naman siya at mukhang naniwala na sa sinabi ko. Napatitig ako sandali sakanya. "Oo nga pala, umalis sila Kwan ngayon kaya walang ibang tao dito sa bahay. Aalis rin ako kaya makakapag-pahinga ka." Paalam niya at bago pa ako makasagot, nakababa na siya ng hagdan.

Base sa itsura niya, mukhang magjo-jogging. Nagdadamali ata?

Well, gaya ng sabi niya, wala daw ibang tao so makakapag-day off ako! Pipihitin ko palang ang doorknob ng kwarto ko para pumasok ulit nang may pinto namang bumukas. "Good morning! Nandito ka pala." Seungcheol greeted with a cheeky smile. Napabalik ako ng tingin sa pinto ko at napakunot-noo. Akala ko ba umalis sila?!!

"Morning." Tipid ko nalang ngiti at papasok na sana pero bigla siyang tumakbo at pinigilan ako sa pagbukas ng pinto.

"Wait!" Nakahawak siya sa kamay ko kaya mabilis ko itong inalis. Napangiti naman siya at nag-sorry. "May gagawin ka ba ngayon? Samahan mo naman ako, oh?"

"Saan?"

"Eunbi naman. Ako ang unang nagtanong."

"Ano naman? Ako ang balak mo isama kaya ako ang dapat sagutin. Malay ko ba kung saan mo ako dalhin!" I defended.

"Ganon?" Tawa niya. "Sa gym."

"Hindi ako nagg-gym. Sorry," Bored kong sagot at bubuksan na ulit ang pinto pero bigla niyang hinarang ang katawan niya. "Kuya ka nga talaga ni Seungkwan. Tsk!"

Nagtaas-baba siya ng kilay habang hindi parin mawala-wala ang ngiti. Proud na proud pang pare-pareho silang makulit!

"Wala ka namang gagawin dito, eh! Sige na! Sandali lang!" He pleaded as he pouted his lips. Hindi ako nadadala ng kahit anong pagpapa-cute dahil nabi-bwiset lang ako sa mga gumagawa nun lalo na kapag trying hard. "Sige na! Sige na! Sige na!"

Napabuntong-hininga nalang ako at napapikit sandali. Problema ba niya at parang hindi makakarating ng gym kapag wala ako?! "Saan ba 'yun?! Malapit lang ba?!"

"Oo dito lang 'yun sa village," Ngiting-ngiti niyang sabi bago buksan ang pinto ng kwarto ko. Tinaas pa niya ang kamay niya na parang pinapapasok na ako. "Sige bihis ka muna and I'll wait for you downstairs."

I sighed. Goodbye my almost rest day!

"Eh basketball gym naman pala 'to!" Reklamo ko habang nakadungaw sa bintana ng Honda Civic niya. Bumaba na siya at pinagbuksan pa ako ng pinto.

"Oo nga. Ano bang sabi ko?"

"Akala ko gym na mage-exercise!"

"Nakakapag-exercise 'din naman kapag nagba-basketball," Katwiran niya. Urgh! Oo nga naman. Pero mas lalong ayaw ko nang bumaba. I'm not into any sports at ayaw na ayaw ko pa sa basketball. Ilang beses na akong napahiya nung junior high ako dahil sa sport na 'yan. "Come on. Magsisimula na 'yung laro." Sabi niya habang inaayos ang pagkakasabit ng bag niya sa balikat.

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now