Eunbi's
I woke up late but smiling. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nangyari kagabi o dahil sa we have no classes for today.
Dapat pala hindi ko masyadong iniisip para nangyayari. Nakakaawa nga lang dahil si Seungkwan pa and his failing grades ang naging problema. I shook away the thought of him crying. Hindi dapat ako makonsenya. Hindi naman ako 'yung nagpa-iyak. As long as hindi sila magkabati-bati, that's victory for me.
Sinulit ko na ang araw. Lumabas ako saglit para kumain. Wala akong nakitang ibang tao bukod sa helpers so baka umalis silang lahat. Nanuod ako ng kung anu-ano sa Netflix hanggang sa magutom ulit ako.
I fixed myself a bit then walked outside. Time to get some snacks. I pouted when I saw someone watching TV at the living room. Hindi lang pala ako ang nandito.
From the back, hairstyle and broad shoulders, I can clearly say it's Jeonghan. Dumiretso na ako sa kusina at hindi siya pinansin, kahit he's also watching the same movie I'm watching bago lumabas.
"Hello."
Nagulat ako sa boses niya pero tinuloy ko lang ang pagbukas-sarado sa mga cabinets, hoping to see some chips.
"Anong hinahanap mo?"
"Potato chips."
"Ubos na. Nakuha na ni Chan 'yung natira."
I immediately stopped, nagpagpag ng kamay saka humarap sakanya. "Ooh. Sayang." I'm craving for some chips. Ayoko namang lumabas at bumili.
Ngumiti naman siya. "May gagawin ka ba?" My brows arched. "Samahan mo akong bumili ng bagong libro ni Seungkwan."
❦
"Alam mo ba 'yung librong pinunit ni Wonwoo?" Tanong ko nang makapasok kami sa bookstore ng mall. Hindi sana ako papayag na sumama sakanya pero I need to look like I'm concerned about the issue.
"Hindi sinadyang napunit ni Wonwoo," Pagtatama niya pa sa akin, parang alam na alam ang sinasabi, kaya napailing nalang ako. Binalik ko ang hawak kong libro saka tumingin sakanya. "English novel 'yun."
"How can you be so sure?!"
Para akong batang nakasunod sakanya habang nagpapalipat-lipat siya ng shelves.
Tumango siya nang hindi lumilingon. "Hindi siya namamansin pero sinilip ko 'yung binabasa niya." Yumuko naman siya para tingnan 'yung mga librong nasa baba.
Kumuha ako ng libro at sandaling binasa.
"What I mean is... paano mo nasabi na hindi sadya ni Wonwoo ang pagpunit?! Ikaw 'yung nasa baba. Nasa malayo ako pero kitang-kita kong maraming punit. Sigurado akong that was intentional."
Tumayo na siya ulit at lumipat ng shelf habang nakahawak ang isang kamay sa baba na parang nag-iisip. "Found it!" Sabi niya saka may tinaas na libro, ignoring what I've said. "May gusto ka bang bilhin?"
Hindi nalang ako nagsalita para gantihan siya. Lumabas na ako at doon na naghintay nung pumunta siya ng counter. I was unconsciously watching him trying out some pens sa stand habang nakapila. Napaiwas nalang ako ng tingin nang bigla siyang mag-thumbs up na parang tinatanong kung ayos pa ba ako dito.
Paglabas niya, may dala na siyang paper bag. "Gusto mong mag-ikot o kumain muna?" Alok niya saka tumingin sa paligid.
"Umuwi na lang tayo." Today isn't my shopping day. Nandito ang mga clothing store na favorite ko pero wala ako sa mood mamili kasi I was supposed to be in my bed lang at nagpapakasawa manuod!
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at umakbay. "Kain na lang muna. Gutom na 'ko." Sabi niya kahit wala naman akong pinili sa inalok niya at humawak sa tyan.
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...