Chapter 27: Fearless

145 22 8
                                    

[A/N: Hello! Di ko kayo ghinost! :D]

Eunbi's

"Hoy, Mingyu! Are you the one preparing this lunch all this time?!" Gulat kong sabi.

Unti-unting nawala ang gulat na ekspresyon sa mukha niya at bumalik siya sa madalas niyang ipakitang pagsimangot.

Hindi siya sumagot at lumapit lang sa akin saka akmang kukunin ang lunch box pero nailayo ko ito agad. "So ikaw nga?!" Natatawa kong sabi ngunit nanatili lang siyang seryosong nakatingin sa akin. "Don't try to deny it! Huling-huli ka na!"

"Give it to me." He said, gritting his teeth.

"Why? But this is for me!" I said, pouting.

"Give it to me." Pag-ulit niya, halatang tinatago pa ang hiya dahil sa nalaman ko.

"Mingyu, don't you know that it's rude to take something you've already given?"

Sandali siyang napaiwas ng tingin saka mahinang napatawa nang walang laman saka napahawak sa batok niya. "Bakit mo naman naisip na para saiyo 'yan?!" Katwiran niya. "Ibigay mo na sa akin habang wala pang ibang nakakakita."

Wala sa loob niyang inilahad ang kamay pero imbis na ibigay sa kaniya, napangisi lang ako at niyakap pa ang lunch box. "It's okay. I won't tell the boys naman," Pag-ngisi ko. Diretso ko siyang tiningnan saka tinapik-tapik ang balikat niya. Hindi siya gumalaw at tumitig lang sa akin kaya mas lalo akong napatawa. "Ganito mo pala tratuhin ang ayaw mong maging kapatid?!"

Napakunot ang noo niya. "Ano?!"

"You're acting harshly towards me telling no one wants me to be their sister but you're secretly preparing lunch for me? Is that cold aura of yours a facade? You do like me, don't you?!" Nakangisi kong sabi.

Kunwari pang masungit pero pinaghahanda pala ako! Ano naman kayang sikreto ni Wonwoo na sungit-sungitan 'din sa akin?! Hindi kaya siya 'yung nag-iiwan ng isang basong gatas sa labas ng kwarto ko every night?!

"Nababaliw ka na," Tila nandidiri niyang sabi pero hindi nito natinag ang mapang-asar kong ngiti. "Kung ayaw mong ibigay, ikaw nalang mag-abot kay Hansol."

"Hindi ko alam kung anong pwedeng ibigay sa iyo in return. Should I make breakfast for you? Or should I call you brother from now on? Kapalit naman ng mga lunch na pinaghirapan mo?!" I pouted.

Muli siyang napatawa ng walang laman. "Hindi kaya ikaw ang may gusto sa akin?"

"Don't try to change the topic if you have nothing else to say! You've been busted. Case closed," Sagot ko at umirap. "Anyway, thank you, Mingyu. Effort appreciated!" Sabi ko saka ibinigay ang pinaka-plastik kong ngiti. Hawak ang lunchbox at tumbler ko, taas-noo akong lumabas ng kusina.

Hindi ko mapigilang hindi mapangisi tuwing maaalala ko 'yung nangyari kanina. The foolish look on Mingyu's face! Bistado siya eh. Hinihintay kong bumawi pa siya pero hindi na siya sumagot pagsakay namin sa kotse kanina. I kept glancing at him but he's avoiding my gaze. Para siyang tutang hiyang-hiya sa ginawa niya.

"Someone's having a great day," I heard Yewon say as we're heading towards the snack bar. "You look happy. Anong chika?"

"Nah. Just teased someone earlier."

"Is it Mingyu?"

Napakunot ang noo ko saka siya hinarap. "Paano mo naman nasabing si Mingyu?"

"Hindi ba nakakasabay mo siya pumasok?"

"Hindi ka na lang stalker ni Soonyoung, mind reader ka narin?" Gulat kong sabi.

Pinalo niya ako sa braso saka napanguso. "Hey! I'm not a stalker nga! Fangirl ako! That's totally different!" Depensa niya. Nagkibit-balikat nalang ako. Oo nalang. "I caught you staring at Mingyu while we're doing our group report. Makakatulong sana 'yung intimidation mo kung 'di ko siya groupmate eh. Galit ka parin sa kaniya nung matalo kayo sa three-legged race?"

In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)Where stories live. Discover now