Eunbi'sPabalik-balik ang tingin ko sa wrist watch ko at sa hagdan. Fifteen minutes nalang, magsta-start na ang klase pero hindi pa bumababa 'yung iba. "Can you call the other boys na? We're gonna be late!" Reklamo ko kay Seokmin na nakaupo sa couch habang nagsisintas ng sapatos.
"Chill ka lang. Pababa narin 'yun."
As if on cue, may bumaba nga.
"Good morning!" Hyper na bati ni Chan.
"Morning."
"Mga kuya mo?" Tanong ko.
"Sila kuya Gyu? Hindi sila sasabay sa atin."
"Huh? Why?"
"Sinisermonan pa ni mama sa taas."
"Shoot! Oo nga pala! Nakalimutan ko kakausapin pa nga pala sila ni Tita."
"Sermon? What happened?"
"Nalimutan mo agad? Hindi ba iniwan ka nila kagabi?" Tingnan mo 'to, siya 'tong nakalimot 'din tapos ako aakusahan?! "Ganoon 'yan si Tita... maingat. Kawawa 'yan sila Mingyu, bugbog-sarado 'yan. Mabunganga pa naman minsan si Tita!"
"Syempre bago lang si noona dito. Hindi pa pwedeng iwan. Ewan ko ba kung bakit naiwan ka nila eh classmates mo naman sila! Minsan talaga may pagka-dense sila."
"Sinabi mo pa. May mga sariling mundo kasi kaya wala nang pake sa iba," Umiling si Seokmin. "Hayaan mo, Eunbi, lagi ka na naming aabangan para 'di na maulit 'yun."
Tumango nalang ako. Maya-maya ay malakas na nagsalita si Seungkwan kaya napatingin kami sakanya. Pababa na siya at kasunod niya si Hansol na mukhang nagmadaling mag-ayos ng sarili. "Good morning, Eunbi! I thought you left us na!"
"Malapit na!" Ngumiwi ako.
"Ang sama!"
"Sorry, ah. Na-late kasi ako ng gising." Sabi ni Hansol nang makalapit sila sa amin.
"Buti nagising pa."
Nahihiyang napailing si Hansol sa sinabi ko habang natawa 'yung tatlo. Nang matapos sa pag-aayos ay pumunta na kami sa kotse. Wala sina Jeonghan at Junhui dahil busy daw kaya hindi nakauwi. Mabuti narin 'yun para wala masyadong maingay. 'Yung tatlo pang kapatid, only God knows kung nasaan sila. Umayos nalang ako ng upo sa backseat nang may maramdaman akong pinatong sa lap ko.
"Baon mo." Sabi ni Myungho saka pumasok at tumabi sa akin. For the love of Pete, kelan ba magsasawa si Gyungmi?!
❦
"Psst! Eunbi! Yuhoo!"
Napatakip nalang ako ng tenga at nagkunwaring walang naririnig. "Eunbi! Psst! Won't you hear me? I'm here!"
"Eunbiba!"
"Eunbibe!"
"Eunbibi!"
"Eunbibo!"
"Eunbibu!"
Urgh! I can't take it anymore! Sinarado ko ang workbook ko at masamang tiningnan si Seungkwan na ang lapad pa ng ngiti habang naka-dungaw ang ulo sa bintana.
"What do you want?!" I gritted my teeth.
"Samahan mo 'ko mamayang lunch!"
"Ayoko nga."
"Ang daya naman, eh!"
Sasagot palang ako nang biglang tumayo itong katabi ko at dire-diretsong lumabas.
YOU ARE READING
In Between The Brothers (SEVENTEEN x GFRIEND FF)
FanfictionThey say that blood is thicker than water... And 'brothers first before others'. But what will happen if they all fall in love... ...with the same girl? 13 hearts. 1 girl. HIGHEST RANK: #1 in HOSHI category #1 in EUNHA category #7 in JUNHUI categor...